Chapter 25

6.4K 128 0
                                    

PRESENT

 Napapitlag ako sa busina na nanggaling sa likuran ng aking sasakyan. Nang tingnan ko ang traffic light ay green na pala ang nakailaw. Madali kong pinausad ang aking kotse. Tiyak na galit na ang mga sasakyan sa likuran ko. Naging okupado ng utak ko ang pag-alala sa aking nakaraan. Kasalanan 'to ng bwisit na Andrada na iyon. Pinaparusahan ba ako ni Lord? Bakit pinagkrus niyang muli ang landas naming dalawa?

 Shocked is an understatement. It was like I'm having a nightmare.
 
 Hindi talaga ako makapaniwala nang madatnan ko siya sa opisina ng boss ko. Parang biglang huminto ang ikot ng mundo ko. Hindi ko sukat akalain na pagkalipas ng maraming taon ay makakaharap ko ang taong kinasusuklaman ko. Ang makita siyang muli ay tila isang bangungot. Bumalik lahat ng sakit na akala ko'y nabaon ko na sa limot.

 Pilit akong nagpakatatag habang kaharap siya kanina. Pinigilan ko ang pagbagsak ng namuong luha sa aking mga mata na sanhi ng pinaghalong galit at hinanakit sa kanya. At nang hindi ko na matagalan ang presensiya niya ay lumabas ako ng opisina ni Nico. Tumuloy ako sa aking desk. Nang hindi ko na nakayanan ang panlalambot ng aking mga tuhod ay pabagsak akong naupo sa upuan. Kung mananatili akong nakatayo ay baka bumigay ang mga ito anumang sandali. Tila nananadya pa ito kanina dahil nang tumunog ang telepono at sagutin ko ito'y inutusan akong bumalik sa loob na para bang siya ang boss ko. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Pakiramdam ko ang dami kong hindi alam dahil lang wala ako sa board meeting kanina. Ako kasi ang gumagawa ng minutes of meeting kaya alam ko ang lahat ng napapag-usapan tuwing may meeting si boss. Ngunit sa kasamaang palad ay tapos na ang meeting pagdating ko. 

 Tumakas ako sa trabaho para makausap si Nico. Nararapat lang na sa kanya ako magtanong dahil siya ang boss ko. Wala akong pakialam sa Andrada na 'yon. Wala naman siyang karapatang sesantihin ako sa trabaho. At kahit meron pa ay ikalulugod kong mawalan ng trabaho kaysa makasama siya sa kumpanya.

 Nang marating ko ang bahay nila Nico ay bumisina ako. Binuksan ng guard ang gate nang makita ang aking sasakyan. Hindi naman 'yon nakapagtataka. Pamilyar na ito sa kanya. Napapadalas kasi ang  pagpunta ko rito. Lalo na kapag may ipinag-uutos si boss na kunin o kaya ay may ipinahahatid. Agad kong ipinasok ang aking sasakyan at ipinarada sa likod ng kotse ni Ella na nasa malawak na garahe. Tumuloy ako sa loob ng bahay nang pagbuksan ako ng pinto ni Nancy, ang kasambahay at yaya ng mga bata. Lumabas sa may kusina si Ella na may suot na apron.

"Good morning!" nakangiti nitong salubong. Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso.

"Morning. Nagluluto ka?"

"Yeah. Ipinagbi-bake ko ng macaroni ang asawa ko. Sinasamantala ko ang pagkakataon habang tulog ang aking bunso." sagot nito.

"Nandiyan na ba? Gusto ko kasi siyang makausap."

"Wala pa. Come let's go to the dining. Let's talk about that." aya nito.

 Sumunod ako sa kanya. Inutusan niya ang nasa kusina na si Nancy para magtimpla ng juice at maghanda ng sandwich. Pagkatapos ay hinila ang upuan sa head table at saka umupo.

"Take a seat." saad nito sabay turo sa upuan sa kanang bahagi. Hinila ko ito at patagilid na umupo para nakaharap ako sa kanya.

"What happened?" tanong nito.

"I really don't know. Kaya gusto kong makausap si boss. Hindi ko alam ang napag-usapan sa board meeting. Hindi ko na kasi naabutan... b-because I got stuck in the traffic. Pagpasok ko sa opisina niya ay nagulat na lang ako na ibang tao na ang naroroon."

"Sino?" nagtatakang tanong ni Ella. Bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Hmmnn... H-hindi ko natanong. Lumabas agad ako ng office niya. Pagkatapos ay tumawag na ako rito sa inyo. Baka kako nag-leave muna siya sa trabaho nang hindi ipinapaalam sa akin."

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon