Chapter 2

10.5K 209 2
                                    

"No. She can't. Male-late na siya sa klase niya."  tinig na nagpasinghap sa akin. Lalo akong nagulat nang hawakan niya ang wrist ko at hinila palayo.

 Paglingon ko kay Margie ay ang talim ng titig nito sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig niya'y kanina pa ako nangisay. Pinipilit kong kumuwala sa kanya ngunit ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ramiel Pierre! Let me go!" sigaw ko.

 Parang wala itong narinig. Hinihila pa rin niya ako sa hindi ko alam kung saan patungo. Saan ba ako dadalhin ng lalaking ito? Nasaan si Lester? Unang araw ko pa lang sa paaralan na 'to ang dami ng nangyari. At ang nakakainis pa feeling close agad sa akin ang dalawang magkaibigan. Ang gusto kong mapayapang 'buhay eskwela' ay biglang naglaho. Unang pasok pa lang ay may nanggagalaiti na agad sa akin. Kasalanan ito ng bwisit na 'to eh.

"Ano ba?! Bitiwan mo sabi ako eh! Wala kang karapatang kaladkarin ako!"

"Shut up." mahinahon na tugon nito.

"No! I won't! Who the hell do you think  you are?"

"I'm your Savior." sagot nito. Lumiko kami papunta sa hagdan. Kahit anong hila ko sa kamay ko at mas malakas pa rin ito sa akin.

"Oh really? Clark Kent is that you?" sarkastikong wika ko.

"No. I'm Bruce Wayne." seryosong tugon nito.

"Stop fooling around nga." saway ko rito.

"Ikaw ang nag-umpisa." tipid na sagot nito.

"Saan mo ba ako dadalhin? May klase pa ako."

"It won't take long." Pag-akyat ay binuksan nito ang isang pinto gamit ang susi.  Nang tumingala ako 'SC Office' ang nabasa ko. Seryoso? Miyembro siya ng student council?

Pagkapasok ay saka lang niya ako binitawan.

"Sit down." utos nito pagkatapos umupo sa swivel chair na nasa likod ng mesa.

 Hindi ako kumilos. Tinitigan ko lang siya ng seryoso. Sumandal siya sa kanyang upuan at nakipagtitigan sa akin na tila naghahamon. Crap! Sinasayang lang niya ang oras. I decided to concede.

"All right then, I'll give you..." tiningnan ko ang suot kong relo.

"Ten  minutes. My next class will start in fifteen minutes. So, hurry up! What do you want?" Umupo ako sa harap nito.

"Did you know that she can make your life miserable? Sana'y hindi mo na lang siya pinatulan."

"I am not scared. Nagagalit lang naman siya sa akin dahil sa'yo. SO. LEAVE. ME. ALONE."

"Too late. Tiyak na hindi ka niya lulubayan. Kaya naman, sabihan mo ako kapag may ginawa siyang hindi maganda sa iyo." Tumawa ako ng may pag-uuyam.

"Should I start calling you DAD?"

Kumunot ang noo nito.

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako bata na kapag inapi ay nagsusumbong agad sa magulang."  

"I'm serious."

"So am I. Besides, kung hindi mo ko kinaladkad dito ay hindi siya lalong magagalit sa akin."

"Hindi mo siya kilala. Listen, sabihin mo na lang kay Jimuel sakaling kinausap ka niya o may ginawa siya sa iyong hindi tama. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya."

"Hindi ko kailangan ang tulong ninyo." inis kong sagot. Pagkatapos ay tumayo na ako.

"Mukha lang akong mahina pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ganoon na lang ang concern ninyong dalawa ni Lester sa akin. Eh, kakakilala lang natin." Tinalikuran ko na siya. Pagkahawak ko pa lang sa seradura ng pinto ay sumagot na ito.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon