Chapter 7

7.3K 177 0
                                    

 Paglabas ko ng kwarto ay naroon pa rin ito at prenteng nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang cellphone at pinipindot ito. Mukhang may ka-text ito. Walang imik akong pumunta sa kusina. Narinig ko ang mga yabag niya na sumusunod sa akin. Binuksan ko ang ref at inilabas ang isang supot ng karne mula roon. Pagkatapos ay isa-isang kinuha ang mga ibang sangkap para sa pagluluto ko ng kaldereta.

"You need help?" tanong nito sabay hila ng upuan mula sa tapat ng high top counter at umupo roon.

"No thanks. Mukhang wala ka naman alam sa pagluluto."

"Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong nito sabay ngisi.

"Tingin ko'y mayaman ka at wala kang pagkakataon na humawak man lang kahit kutsilyo dahil tiyak na may kasambahay kayo. Bukod do'n lalaki ka."

"May punto ka nga pero hindi porke lalaki ay hindi na agad marunong magluto. Sa katunayan base sa pagsasaliksik, ang mga lalaking chef ay mas masarap magluto kaysa sa mga babaeng chef. Alam mo ba kung bakit? Dahil ang mga lalaking chef ay hindi nagtitipid sa ingredients." wika nito sabay halakhak.

"I beg to disagree!" tutol ko.

"Uy...Affected. Totoo nga siguro ang sinabi ng kapatid ko. He's taking up culinary arts and planning to put up his own restaurant, soon. Sa kanya ka magreklamo dahil siya ang nagsabi no'n sa akin." pagkatapos ay tumawa ulit ng malakas.

"Shut up." wika ko. At pagkatapos ay tumalikod ako para kumuha ng apron sa kabinet at isinuot iyon.

 Tumawa ulit ito bago nagsalita.

"Huwag kang mag-alala ipakikilala kita sa kanya. Kung gusto mo'y makipagdebate ka o kaya'y awayin mo at ako ang bahala sa'yo. Kakampi mo ko." sabay kindat at tawa ng malakas.

 Umiling-iling na lang ako. May pagka-isip bata din pala ito kung minsan. Ngayong nakasama ko siya ay unti-unti kong nakikita ang ibang katangian niya. Ibang-iba siya sa Ram na madalas ay napakaseryoso at minsan nama'y parang galit sa mundo. Alam kong may kabaitan ito pero hindi ko akalaing marunong pala itong tumawa. May kapilyuhan din pala itong tinatago.

 Inumpisahan ko nang hiwain ang karne bago pasimpleng nag-usisa.

"Ilan ba kayong magkakapatid?"

"Dalawa lang kami magkapatid. Ako ang panganay."

"I see... Iyon lang ba ang masasabi mo? Kung oo ay makakaalis ka na." pagtataboy ko sa kanya.

 Pumayag na nga akong magtagal siya rito dahil ang sabi niya'y siya naman ang magbabahagi ng impormasyon tungkol sa kanya. Tapos iyon lang ang masasabi niya?

 Tumawa ito nang marahan bago sumagot.

"Easy, masyado ka namang hot." wika nito.

 Ngunit tila may ibang kahulugan ang kanyang sinabi lalo na't ang mga titig nito'y nakakalusaw.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon