[A/N: Rated PG. Oo. PG lang. *giggles*]
Nakatingin ako sa salitang nakasulat sa papel na kailangang hulaan ni Xander. HONEYMOON. Kung ako ang nasa katayuan niya hindi ko makukuha ang sagot.
"Pagkain?" agad na tanong ni Xander nang ibigay ni Ella ang hudyat.
"Hindi!" agad na sagot ni Cheska na may kasama pang iling.
Napailing rin ako ng bahagya. Ito kasing si Nico. Nagkomento na masarap daw. Akala tuloy nitong si Xander pagkain.
"Tao?" Nakataas ang kanyang dalawang kilay nang itanong 'yon.
"Hindi!"
"Hmn...Bagay?"
"Hindi!" inis na sagot ni Cheska.
"Lugar?"
"Lalong hindi!" nanggigigil na sagot nito. Kulang na lang ay lapitan ang kapareha at pukpukin ang ulo nito para mapabilis ang pag-iisip.
"Eh ano? Pangyayari?"
"Oo?" atubili niyang sagot.
"Bakit parang hindi ka sigurado? Sumagot ka ng maayos!" sita ni Xander.
Woah. Akala ko si Cheska lang ang determinadong manalo. Mukhang pati ang isang 'to. Competitive ang dalawa. Paano naman kami mananalo sa kanila? Sa aming dalawa ni Ram ay siya lang ang gustong manalo kami.
"Fine. Pwede."
"So, pangyayari?"
"Oo nga!" pinanlakihan niya ito ng mata.
"Ano ba talaga?"
"Hulaan mo na bilis!" sigaw ni Cheska habang nagkakamot ng ulo.
Natawa tuloy si Nico. Kilalang kilala niya ito. Alam niyang nagsisimula ng makaramdam ng frustration ang kanyang kapatid.
"English ba 'to?"
"Oo!"
"Birthday! Hmmn... Anniversary, Valentines day." mabilis niyang saad.
"Hindi! Hindi! Hindi!"
"Christmas? New Year? Hmmn... Fiesta?"
"Hindi!"
Gusto kong matawa dahil ang sama na ng tingin nito kay Xander.
"Thanksgiving?"
"Hindi!"
"Ano 'yan Philippine Holidays? Araw ng Kagitingan? Ay, English nga pala 'no? National Heroes Day? Hmn... Ano pa ba? People Power? Bonifacio Day?"
"Hindi! Hindi! Hindi!" naiinis na sagot ni Cheska.
Tawa ng tawa si Nico at Ram. Hindi rin maalis ang ngiti sa labi ni Ella. Mapunta ba naman ang mga sagot nito sa mga araw ng mga bayani. Ang hirap naman kasi ng pinapahulaan. Hindi ko nga alam kung bakit pangyayari ang kategorya no'n. Event ba maituturing ang honeymoon? Ay ewan! I feel like I'm not smart enough to even play the game. Oh please! Don't call me stupid just because I suck at this Pinoy Henyo game.
"Thirty seconds." paalala ni Ella.
Agad? Thirty seconds na lang ang natitira? Bakit ang bilis naman yata lumipas ng oras?
"Damn! Ano 'yan? Hmmn... Monthsary?" natatarantang wika ni Xander.
"Hindi! Come on! Think!"
"Hmn...Wedding!"
"Yes! Yes!" sabik na sagot ni Cheska.
"So, wedding nga?"
"Hindi! Pwede pala. Pwede!" bawi nito
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomansaShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...