Araw ng enrollment kaya naman kasama ko si Ram at mga kaibigan niya maliban kay Tommy na tuwing semestral break ay umaalis ng bansa. Papunta kaming lahat sa registrar's office nang mahagip ng aking tingin ang isang pamilyar na tao na nagmamadaling makasingit sa mga taong kanyang nadadaanan. Pinagkibit ko na lang ng balikat dahil hindi ko masyado nakita ang mukha ng lalaki para masigurong siya nga ang nakita ko.
Habang nakapila sa labas ng registrar's office ay masayang nagkukwentuhan ang mga magkakaibigan. Tiningnan ko ang enrollment form para siguraduhing wala akong nakaligtaang isulat. Ngunit napaangat ako ng tingin nang marinig ang isang pamilyar na tinig na kausap ng babae sa counter. Nagulat ako nang makumpirma ang aking hinala.
What the hell is he doing here?
"Mine?"
"Huh?" sabay lingon kay Ram.
"Nag-aaya sila sa bahay ni Will pagkatapos. Pwede ka ba?"
Hindi ako makapagsalita dahil abala ang isip ko sa mga tanong na pumapasok sa isip ko. Tiningnan muli ang taong nasa unahan ng pila.
"Mine? Anong nangyayari sa'yo? Bakit--"
Natigilan ito nang makita ang aking tinitingnan.
"Anong ginagawa ng ex mo dito?" kunot-noong tanong nito.
Pinili kong huwag sagutin ang kanyang tanong. Pilit ko na lang iwinaksi sa isip ko ang hinala kong maaaring sagot sa tanong niya. Damn!
"He transfered here for you. But sorry, he's too late 'cause you're already mine." malamig nitong saad.
------
Sakay na kami ng kanyang kotse at papunta na sa bahay ni Will ngunit hindi pa rin niya ako iniimik. Magmula nang makita niya si Jiro na umalis mula sa pila ng registrar's office kanina'y hindi na siya nagsalita pa. Kahit noong kinakausap siya ng mga kaibigan niya ay hindi siya sumagot. Hindi rin niya hinawakan ang aking kamay kaninang naglalakad kami patungong parking lot.
"Babe?" untag ko.
Ngunit hindi siya sumagot. Kahit sulyap ay hindi niya magawa. Diretso lang ang kanyang tingin sa daan habang nagmamaneho.
"Are you mad?" mahinang tanong ko.
Wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. Para tuloy akong maiiyak dahil tila hangin ako na hindi niya nakikita. Tumingin na lang ako sa bintana ng sasakyan at pinili na lang 'wag siyang kausapin.
Labinglimang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa bahay ni Will. Paghinto ng kanyang sasakyan sa likod ng kotse ni Will ay hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako pinto. Sumabay ako sa paglalakad kay Lester nang lumabas siya mula sa kanilang sinakyan.
Pagpasok sa sala ay tumabi ako kay Lester sa mahabang sofa. Si Ram ay hindi man lang ako tinabihan tulad ng kanyang nakagawian. Parang madudurog ang puso ko sa pambabalewala niya sa akin.
"Hey! Magkaaway ba kayo?" puna ni Lester.
"Hindi." tipid kong sagot. Tinapunan naman siya ni Ram ng matalim na tingin para manahimik.
Tahimik akong sumunod kay Trishia nang ayain niya akong kumuha ng tubig na maiinom sa kusina.
"Sana lumipat na lang si Carrie sa school 'no?" wika nito habang kumukuha ng baso mula sa cupboard.
Tumango lang ako bilang tugon. Naalala ko na naman kasi ang hinala kong paglipat ni Jiro sa school na pinapasukan namin. Last semester ay pinili kong lumipat para makaiwas sa kanya. Bukod doon ay ayoko na siyang makita pa dahil tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang maalala ang ginawa niyang pagtataksil. Lalo lang akong masasaktan kapag ganoon. Pero ano 'tong ginagawa niya? Sinundan pa niya ako. Nakakainis lang. Para kasing nananadya na.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomansaShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...