Chapter 42

7.5K 131 5
                                    

Nasa labas pa lamang kami ay dinig na namin ang ingay sa loob. Pagbukas ni Ram ng pinto ay napatingin silang lahat sa amin at biglang tumahimik. Nang dumako ang aking tingin kay Lester ay yumuko ito para umiwas ng tingin.

"Wait, wait. Tama ba ang nakikita ko?" hindi makapaniwalang saad ni Trevor.

 Nakangiting itinaas ni Ram ang magkahawak naming kamay.

"K-kayo na ulit?" tanong ni Caelvin.

"Obviously, man." sabat ni Will sabay iling.

"OMG!" malakas na tili ni Trishia. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Look! She's wearing a ring." nanlalaki ang mga mata habang nakaturo sa kamay ko.

"Yes. We're getting married!" masayang balita ni Ram.

 Lahat sila ay nagsitayuan at binati kami isa-isa maliban kay Lester na nanatiling nakayuko sa kanyang kinauupuan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Will. Nakakaunawang nilapitan niya ang kaibigan. Sa kabila ng hindi magkamayaw na pagbati sa amin ay pasimple kong silang sinusulyapan. Umupo si Will sa kanyang tabi. Tinapik ang balikat nito bilang pakikisimpatiya. May sinabi siya kay Lester ngunit hindi na umabot sa aking pandinig.

"Alright. Alright. Go back to your seats. We still have an announcement to make." utos ni Ram pagkatapos niyang pumalakpak para kunin lahat ng kanilang atensiyon.

"I'm happy for you, girl." kinikilig na bulong ni Trishia sa akin at saka nakipagbeso-beso sa akin. Pagkatapos ay tumalikod na at muling umupo sa tabi ni Trevor.

"Our wedding will be held in two months. I want you to be part of it. You guys will be my groomsmen." pahayag ni Ram.

"And Trishia will be one of my bridesmaids." dagdag ko sabay ngiti sa kanya. Pagkatapos ay dumako ang aking tingin kay Will at Caelvin.

"Including Tonette and Carrie."

"What?!" magkasabay nilang bulaslas habang magkasalubong ang kilay.

"Look, I just have few friends. And most of my relatives are guys like you. As of now, Trish and my best friend are on my list of bridesmaids. And believe me, aside from Tonette and Carrie...I still need three." paliwanag ko. 

"You're just pissing us off. Right, Witch?" inis na tanong ni Will.

"Oh c'mon, Beast. I don't need to do this just to pissed you off. I always get on your nerves, remember?" nakangising tugon ko.

"Brad..." nagsusumamong baling ni Caelvin kay Ram. Sa kanya ito nakikiusap dahil wala akong alam sa naging issue niya kay Carrie.

"Pagbigyan n'yo na, brads. Masama raw 'di pinagbibigyan ang kahilingan ng buntis." pahayag ni Ram.

 Nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Muling natahimik ang lahat. Pasimple kong siniko ang kanyang tagiliran. Why do he need to spill the beans?

"Sorry. Sa cravings lang pala 'yun." pagtatama nito.

"Anyway, ninong kayong lahat. Bawal tumanggi." nakangising dagdag nito.

 Umalingawngaw ang ingay dahil sa sabay-sabay nilang pagsasalita. Napatingin ako kay ako kay Lester nang bigla siyang tumayo.

"Sorry, guys. I need to go." saad nito. Mabilis na tinungo ang pinto at lumabas.

 Nakatinginan kami ni Ram. Sumenyas siya gamit ang ulo. Gusto niyang sundan ko ito para kausapin. Tumalima ako at sinundan ito sa labas.

"Lester!" habol ko.

 Palabas na siya ng gate nang tawagin kong muli. Huminto siya ngunit hindi ako nilingon.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon