Nagising ako na masakit ang ulo. Pagmulat ng namimigat kong mga mata ay tumambad sa akin ang 'di pamilyar na lugar. Akma akong babangon ngunit biglang umikot ang paningin ko kaya humiga akong muli. Napahawak ako sa aking ulo at nahawakan ko ang basang bimpo sa aking noo. What happened? Where am I? Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Laking gulat ko nang makita ang suot ko. Oversized T-shirt! Inalis ko ang bimpo sa aking ulo. Pinilit kong bumangon. Kinapa ko ang aking sarili. Bigla akong kinabahan. I don't have undergarments! I wanna scream but I don't have the energy to do so. I tried to calm my nerves.
Pilit kong inalala ang mga huling pangyayari. Nang maalala ang pagpunta ko kina Ram ay nahiling ko na sana'y hindi na lang ako nagising. Para na naman binibiyak ang puso ko. Hindi ko na tuloy napigilan ang paghagulgol. He left me for another girl. Did he do this because I turned down his marriage proposal? Nakapaghintay na naman siya ng isang taon. Bakit hindi niya pa nilubos? Bakit kung kailan nakapagtapos na ako at pwede ko na siyang pakasalan ay saka niya naman ako iniwan? Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha at yumugyog ang aking balikat dahil sa impit na pag-iyak.
Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto. Laking gulat ko nang makilala ang lalaking pumasok. May dala itong isang bed tray na may pagkain. Pinahid ko ang aking mga luha para masigurong hindi ako namamalikmata lang.
"Lester?" kunot-noong wika ko nang mahimasmasan.
"Good morning, your highness. Breakfast in bed." nakangiting bati nito habang papalit sa kama.
Biglang umahon ang galit sa aking dibdib.
"What did you do to me?!"
"Saka na tayo mag-usap. Kumain ka muna." balewalang wika nito sabay lapag ng bed tray sa aking harapan.
"No! Let's talk right now! Where am I? How did I get here?" tanggi ko.
"Just calm down. Okay? Ipapaliwanag ko."
"Then, start right now!"
"Okay okay. Ganito kasi iyon, Nang papunta ako kina Pierre ay nakita kitang naglalakad sa gitna ng malakas na ulan. Parang wala ka sa iyong sarili. Hindi mo man lang napansin ang pagpinto ng sasakyan ko sa iyong harapan. Salamat sa Diyos at ako ang nakakita sayo. Nang yakapin kasi kita ay bigla ka na lang nahimatay. Baka ano na ang nangyari sa'yo kung hindi kita nakita."
Yes, I remember. Someone held me tight. Pagkatapos ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko. That's right! I fainted.
"What happened? Why are you crying in the middle of the street while raining?" usisa nito.
"Huwag kang magmaang-maangan, Lester. I hate all of you!" galit kong sagot.
"W-what? I-I don't understand." naguguluhang tanong nito.
"Stop pretending that you don't know! I thought you are my friend. How could you do this to me? All along you knew Ram will leave me on my graduation day! Don't you?" sumbat ko.
"No! For Pete's sake! So, you're telling me Pierre left the country?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Bullcrap! Do you think you can fool me? Sigurado akong alam ninyo! Tinanong kita kagabi kung kasama ninyo si Ram. Ang sabi mo hindi." hiyaw ko.
"Dahil iyon ang totoo."
"No! I don't believe you. Pinagtakpan niyo lang siya. Hindi ako naniniwalang hindi niyo alam ang pag-iwan niyang ito sa akin." umiiling na sagot ko.
"I didn't know! I swear! Bakit ba ayaw mong maniwala? Kung gusto mo ay tatawagan ko silang lahat. Papapuntahin ko ang mga brads dito para malaman mong hindi ako nagsisinungaling." giit nito.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
Storie d'amoreShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...