Marahang tumayo si Trevor sa kanyang kinauupuan. Tulala pa rin siya na para bang hindi pa rin makapaniwala na ako nga ang kanyang nakikita.
"Cess!" bulaslas naman ni Tommy nang makita ako sabay tayo. Patakbo niya akong nilapitan. Nagmamadali namang sumunod si Caelvin sa kanya. Niyakap ako ni Tommy ngunit agad siyang hinila ni Caelvin para siya naman ang yumakap.
"We missed you." wika nito at saka hinigpitan ang yakap sa akin. Tapik sa likod lang ang aking isinagot. Pagkatapos ay kumalas siya sa akin.
"Damn! Look at you. You're so gorgeous! How have you been?" wika ni Trevor habang papalapit sa akin. Humalik siya sa aking pisngi bago inakbayan si Trishia.
"Nice to see you again, guys. I'm great. Thank you for your warm welcome." nakangiting wika ko at saka sila tiningnan isa-isa. Kita sa mukha nila ang kasiyahan sa pagkikita naming muli.
"Hey guys! Hindi ba kayo masaya na makita si Cess?" saad ni Trishia.
Dumako ang aming tingin sa kanyang mga kausap. Sina Ram at Lester ay nakaupo sa magkatapat na silya sa mahabang mesa. Pareho silang nakatingin sa akin na para bang nakatulala. Naiintindihan ko kung nagulat si Lester pero hindi si Ram. Alam naman niyang dadalo ako ngayon pero bakit tila nagulat pa rin siya nang makita ako?
"Good evening, boss." bati ko sa kanya.
"Boss?!" sabay sabay na bulaslas ng magkakaibigan.
"She's my EA." tipid na sagot ni Ram.
Nagkatinginan sila na tila hindi makapaniwala.
"Hey! I brought her as my date so please stop making her uncomfortable." pakiusap ni Will sa mga kaibigan.
"No!" sigaw na nagpalingon sa amin.
"You're supposed to be my date!" sumbat ng babaeng kausap ni Trevor kanina.
"Is she your girlfriend, Beast?" baling ko kay Will. Sa klase pa lang ng tingin na pinukol niya sa akin ay ramdam ko na naiinis siya sa akin dahil may gusto siya kay Will.
"Hell no!" tanggi nito.
"But I will be!" saad ng babae na puno ng determinasyon.
"Tonette, stop it. Don't make a scene here, couz." saway ni Trishia.
Tiningnan niya ako ng masama at saka pabagsak na umupo sa kanyang upuan.
"Sorry about that." bulong ni Will sa aking tenga at saka ako hinawakan sa siko. Iginiya ako papunta sa bakanteng silya. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang upuan.
Ipinaghila ako ni Will ng upuan. Pagkaupo ko ay saka lang siya umupo aking tabi.
"I can't believe it, Beast. Someone has a crush on you." bulong ko na may kasamang panunukso.
"Tsk. She's annoying." sagot nito.
"Beware, Beast. You might like her in the end. That's what you felt when we first met, remember? But then, we became friends."
"You're different from her, witch. She's too clingy and I hate it."
"The more you hate the more you love." tukso ko.
"Shut up!" saway nito. I just burst out laughing.
"Baka gusto niyo i-share 'yang pinag-uusapan n'yo." sabat ni Ram habang magkasalubong ang kilay.
"That's nothing." mabilis na sagot ni Will na tila sinasadyang inisin ang kanyang kaibigan.
Madaling lumipas ang oras. Pagkatapos mag-dinner ay uminom ang magkakaibigan habang masayang nagkukwentuhan. Tinanggihan ko ang inalok sa akin dahil ayokong umuwi ng lasing. Nagkayayaan sila na mag-outing sa susunod na weekend. Nagulat ako nang sabihing isasama nila ako.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomanceShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...