"Miggy!" bulaslas ko nang makita ang kapatid ni Ram. Suot ang kanyang chef uniform na kulay puti at hawak sa magkabilang kamay ang dalawang plato. Natitiyak kong siya ang nagluto ng pagkain na kanyang dala-dala. Inilapag niya ang mga hawak sa mesa partikular sa tapat ng dalawang upuan.
Walang babalang iniwan ko si Ram para lapitan ito. Ngunit bago pa ako makalayo ay nahuli pa ng aking pandinig ang kanyang sinabi.
"You'll pay for this brother." he mumbled.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa gazebo.
"Miggy boy!" tili ko habang tumatakbo palapit sa kanya at sinalubong niya ako. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit.
Madali kaming nakapalagayan ng loob ni Miguel magmula nang imbitahan ako ng kanilang magulang na mag-dinner sa kanila. Nasundan pa ang pagkikita namin noong sinasama ako ni Ram sa ilan nilang family gatherings at parties. Siya ang madalas na nagpapagaan ng loob ko sapagkat malakas ang kanyang pakiramdam na hindi ako komportable sa mga ganoong klaseng pagtitipon. I feel out of place because I'm not a family member. I'm not used being around very wealthy people. When we attended their company party I felt extremely uncomfortable even though most of people are employees. The mere fact that we're sitting on the same table with the executives and board members. Geez! I felt that I don't belong there. I'm glad he keeps me company. He didn't leave me even when Ram needs to be introduce to some visitors. Kung ako lang ang masusunod ayoko nang maulit pa ang mga iyon ngunit hindi ko talaga matanggihan si Ram tuwing inaaya niya akong maging date niya sa mga events na kailangan ay naroon siya.
"Happy Birthday, bella." bati nito.
"Let go of her." malamig na utos ni Ram buhat sa likod. Sumunod pala siya sa akin nang hindi ko namamalayan.
"Him, Kuya." he corrected.
"I'm talking to you, Miguel." tugon nito. Pagkatapos ay tinapunan niya ng matalim na tingin ang kapatid.
Tumawa si Miggy nang malakas at kumalas sa akin. Paano ba nama'y ako ang kusang yumakap sa kanya ngunit sa kanya pa naiinis ang kanyang kapatid.
"How are you handsome?" tanong ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"May handsome ba na ganito ang ayos?" sagot nito. Pinasadahan ng kamay ang kanyang suot na uniporme.
"Yes. You. Geez, you look hot on your uniform." puri ko sa kanya sabay kindat. Ngunit bago pa ito makapagsalita ay sumabat si Ram.
"Favoritism na 'yan, Miss Ramirez. After what I've done I didn't get anything even just a hug. Pagkatapos itong salbahe kong kapatid niyakap mo nang wala man lang siyang ginawa. Tinawag mo pang handsome and hot." reklamo nito na nakakunot ang noo.
"Hey! I did something. I cooked for your dinner." paalala ni Miggy sabay ngisi.
"Shut up." sita nito sa kanya.
"But I remember I hugged you when we're at the cemetery." katwiran ko sa kanya.
"Wrong. I did. Magkaiba 'yon, sweetie."
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Hindi ko na tinangka pang makipagtalo tungkol doon. Napapailing na lang ako kung minsan dahil para kasi itong bata kung magselos.
"Sinusumbat mo ba ang mga ginawa mo para sa akin?" sa halip ay tugon ko. Naggalit-galitan ako at palihim na kumindat kay Miggy.
"Of course not. I'm just stating a fact."
"If you want to run away, just tell me." Miggy whispered with amusement.
"Over my dead body, asshole." saad ni Ram. Obviously, narinig niya ito. Ngumisi lang ng nakakaloko ang kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomansShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...