Chapter 28

6K 120 2
                                    

 Habang inilalabas sa parking lot ang kanyang sasakyan ay binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan.

"Where do you live?" tanong nito na bumasag sa katahimikan. Base sa tinatahak naming daan ay alam niya kung saan ako nakatira.

 As if you don't know, sagot ng utak ko. Sigurado akong kinuha niya ang file ko mula sa HR. Nagulat kaya siya nang malamang doon pa rin ako nakatira? Teka, bakit ba ako interesado?  

 Pinili kong 'wag na lang sumagot. Sa buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sa totoo lang hindi talaga ako komportableng kasama siya sa loob ng sasakyan. Parang bumabalik ang aming naraan. Ibig sabihin no'n ay nanariwa rin ang sakit na pinagdaanan ko. Pinagpasalamat ko na hindi na siya nagtangka pang kausapin ako matapos kong hindi sagutin ang kanyang tanong.

"We're here." saad nito. Dahil lumilipad ang utak ko ay hindi ko namalayan ang paghinto ng kanyang sasakyan sa tapat ng aking bahay. Akma kong bubuksan ang pinto ng kotse nang bigla niyang hawakan ang aking kaliwang kamay para pigilan.

"I'm sorry." saad nito ngunit ang tingin ay nasa harapan. 

 Sorry? Hindi mababayaran ng ilang sorry ang pasakit na idinulot niya sa akin. Nagkakamali siya kung akala niya'y mapapatawad ko siya sa simpleng sorry lang. Abot langit ang galit na nararamdaman ko sa kanya at hindi basta basta mawawala iyon.

 Hinila ko ang aking kamay. Lumabas ako ng sasakyan nang hindi man lang nagpapasalamat sa kanya. Hindi ko rin siya nilingon hanggang makapasok ako sa loob ng gate. Sumandal ako roon at pumikit ng mariin para pahupain ang bugso ng aking damdamin. Napadilat akong muli nang makarinig ng tila nag-aaway sa labas. Narinig ko ang boses niya kaya napatayo ako ng maayos. Akala ko'y nakaalis na siya. Sino ang kanyang kausap?

 "I just want to talk to her." wika nito. Kumunot ang noo ko. May ideya ako kung sino siya dahil sa kanyang boses.

 "Sa ibang araw mo na lang siya kausapin." sagot ni Ram.

 "Pabayaan mo ko, brad. You had your time--"

 "What are you talking about? Hinatid ko lang siya dahil nasiraan siya ng sasakyan." putol ni Ram. Tumaas na ang boses nito.

 Tinawag siyang brad nito. So, tama ako. Isa sa mga kaibigan niya ang kanyang kausap. At isa lang ang taong pumasok sa isip ko kanina nang marinig ang kanyang boses. Malinaw na nasagot na ang tanong ko.

"I don't believe you. Lumaban ka naman ng patas, brad."

 That's it! I had enough. Marahas kong binuksan ang gate kaya pareho silang napalingon sa akin.

"What the hell is going on here?" galit kong tanong.

"Love, please kausapin mo naman ako." pakiusap ni Lester.

 Hindi ko ito pinansin. Bumaling ako kay Ram at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Bakit nandito ka pa? Siguro naman sa pagkakataong ito ay ako ang masusunod dahil hindi na oras ng trabaho. Layas!"

"Narinig mo siya, brad." sabat ng kanyang kaibigan.

"Isa ka pa! Hindi ka ba nakakaintindi? Wala na tayong dapat pag-usapan. Bakit hindi mo 'yan sa isaksak sa kukote mo!" baling ko sa kanya.

"Nagbago ka na talaga." singgit ni Ram.

 Tumawa ako ng pagak. Pagkatapos ay tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin.

"You are absolutely right. People change. Pinatapang ako ng mga taong nanakit sa akin." pasaring ko.

"I'm tough enough to face the people who chose to hurt me." dagdag kong parunggit.

Surrender Your Heart (Hidden Agenda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon