"You! Lester Jimuel, I remember you said I'm the most beautiful and sexiest woman you've ever known." sumbat ni Trishia habang papalapit sa amin.
"Hindi na ngayon, hon. May prinsesa na siya eh." salubong ni Trevor sa girlfriend. Mabilis na hinalikan ito sa labi.
"Naniwala ka talaga sa kanya?" tukso naman ni Tommy.
"At ang lakas talaga ng pang-amoy mo. Biruin mo, nalaman mo kung nasaan kami." hirit ni Ram.
"Pierre, darlin'. What's the use of GPS?" panunuyang sagot niya rito.
"Hon!" saway naman ni Trevor. Obviously, he's too possessive, to think Ram was her ex-boyfriend. Bigla naman nagkantiyawan ang mga kaibigan nito.
"Kawawa ka naman pala, brad. Kahit saan ka magpunta ay wala kang ligtas. Naka-track ang phone mo." sabay hiyaw ni Lester.
Naghiyawan din ang iba. Sadyang tinutukso ang kanilang kaibigan. Ngunit hindi man lang pinansin ni Trevor ang mga ito. Balewalang umupong muli at saka hinila sa kandungan ang kanyang nobya. Nagsitayuan naman ang iba.
"Tara na nga brads baka masuka pa ako sa paglalambingan ng mga 'yan." aya ni Will at nagpatiuna sa sala.
"Tara. Tara." sang-ayon ni Lester.
"Ang sasama niyo!" nakangusong wika ni Trishia sabay irap sa kanila.
Ako nama'y nanatili pa rin sa aking upuan. Nagpaiwan din si Ram. Mukhang hinihintay niya kung tatayo rin ako.
"Ano? Panonoorin mo silang dalawa habang naghaharutan?" bulong nito sa tenga ko. Grabe naman 'to. Harutan talaga? Hindi ko akalain sa kanyang labi galing 'yon.
"Tara na nga." aya nito sabay tayo at hinablot ang kamay ko nang mapagtantong wala akong balak tumayo. Wala akong nagawa kundi magpatianod. Hinila niya ako papunta sa front door.
"Hey! Saan kayo pupunta? Maglalambingan rin kayo? Sasama ako! Love triangle tayo 'di ba?" wika ni Lester nang makita kaming dumaan. Nakita ko pa nang hilain siya pababa nang tangkain niyang sumunod. Luko-luko talaga.
Tumuloy kami sa garden kung saan ako gumagawa ng assignment kanina. Pinaupo ako sa upuan at umupo naman siya sa tapat ko. Nakita ko nang hinugot niya ang libro ko mula sa kanyang likod . Inilapag niya ito sa mesa.
"Saan galing 'yan? 'Wag mo sabihing sa pwet mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.
Tumawa siya nang malakas pagkatapos ay inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"'Wag kang mag-alala mabango naman pwet ko." bulong nito sabay tawa.
"Hugasan mo 'yan!" pagmamaktol ko. Lalo naman siyang humalakhak.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomanceShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...