Pagdating sa bahay ay inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat ng gate.
"Dito ka lang. Sandali lang ako." wika ko bago lumabas ng kotse.
Nagmamadali akong pumasok sa bahay. Nadatnan kong karga-karga ng kanyang Yaya ang umiiyak na bata.
"Mama!" bulaslas nito nang makita ako.
Nagpumilit itong makababa mula sa kanyang Yaya. Tumakbo siya palapit sa akin at nagpakarga.
"O? Why are you crying?" tanong ko habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang isang kamay.
"I wanna go with you." umiiyak niyang sabi at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit.
"You have to understand, baby. May mga lakad na hindi ka pwedeng sumama." alo ko habang hinahaplos ang kanyang likod.
"But you can come with us tonight." tinig na nagmula sa aking likuran.
Pinanlakihan ko ng mata si Ram bilang babala. Sumunod pala siya sa akin. At anong karapatan niyang makisali sa pag-uusap naming mag-ina? Pakialamero.
Huminto sa pag-iyak ang bata. Mataman niyang tiningnan si Ram.
"Who are you?" humihikbing tanong nito.
Tiningnan ako ni Ram na parang humihingi ng permiso sa akin na sagutin ang tanong ng bata.
"Anak, what did I tell you? Show your respect when talking to the elders, right? Therefore, you should say 'po' or 'opo'." paalala ko sa bata.
Tumango ito at bumaling muli kay Ram.
"I'm sorry po. Sino po kayo?" tanong muli ng bata sa kanya.
"It's okay little boy. To answer your question...I am your--"
"You're my dad!" hiyaw ng bata. Sabik na bumitaw sa akin at tinakbo si Ram.
Napanganga ako sa sobrang pagkagulat sa reaksiyon ng bata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang natataranta ang kalooban ko. Hindi ko alam ang tamang gagawin.
Samantalang si Ram ay namumutla. Kinarga niya ang anak ko nang hilahin niya ang polo nito pababa para yakapin. Nagkatinginan kaming dalawa. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Tulad ko'y nagulat rin ito sa bilis ng pangyayari.
"A-anak, nagkakamali ka. H-hindi siya ang Daddy mo." pagtatama ko. Hindi ko mapigilan ang paggaralgal ng aking boses.
"No?" naluluhang tugon nito. Dismayado siyang kumalas sa pagkakayap kay Ram at tinapunan ito ng nagtatanong na tingin. Naghihintay na kumpirmahin ang aking sinabi.
"But I could be your Dad if you want to." sa halip ay sagot nito.
"Ram!" saway ko.
"Finally! I missed the way you say my name." baling nito sa akin.
"Stop it! Bawiin mo ang sinabi mo sa bata." utos ko.
"I said it already. I won't take it back."
"It's okay Mama. I don't believe him." sagot ng bata at pilit nagpababa sa pagkakarga.
"You don't believe me, little boy?" tanong nito sa bata pagkatapos yumuko para salubungin ang kanyang tingin.
"Yes. My Papa Nico said that too. But when he got married, he doesn't have time for me anymore." malungkot na sagot ng bata.
"That's not true, baby. Hindi ba sabi niya sa'yo, kung gusto mo siya makasama ay sabihin mo lang. Susunduin ka niya at maglalaro kayo kasama si Lala. Kahit anong gusto mo. He promised you that, remember?" sabat ko.
BINABASA MO ANG
Surrender Your Heart (Hidden Agenda)
RomanceShe has a gigantic hatred towards him. She made a huge mistake in the past because she trusted him. He shattered her heart into pieces by breaking his own promise. She was able to cope up through the years. Until one day, she was stunned to see him...