CHAPTER : EIGHTEEN

16.6K 551 53
                                    

Isla

It's Friday today it means weekend na bukas! Taena puro school works. Tinambakan kami aba. Dahil sabado bukas saan kaya p'wede maghanap ng sugar mommy.

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ma'am 'til now. Bahala siya Gold ako hindi p'p'wede na ako ang magpepersmob. Baka itakwil ako ng angkan ko dahil doon.

Ang mga Monreal ay hinahabol hindi naghahabol.

Pero hinabol ako ng aso.

Punyeta.

Nandito ako ngayon sa may field nagtatambay tutal hapon na rin naman at puro vacant na namin, kaay naisipan kong tumambay nalang rito dahil bukod sa maganda ang view eh sariwa din ang hangin.

Napatingin naman ako sa phone ko nang biglang may notification na nagpop up.

From : 09696969696

Where's your house by the way? We have group projects tomorrow.

Shit! Sino ito? Baka naman wrong number wala naman akong maalala na may group projects eh.

To : 09696969696

Hu u?

From : 09696969696

This is Stacey Concepcion, Miss Isla.

Napatampal naman ako ng noo ko nang maalala ko may research nga pala kami sa subject ni Ma'am Cortez
Pambihira naman!

To : 09696969696

Oh sorry I forgot to tell you the place. At Fiero Impero. 1pm sharp.

After kong mareplayan ay hindi na ako nagabala pang tingnan ulit kong may message ba o wala.

Humiga nalang ako sa may damuhan na may malaking punong haharang sa sikat ng araw.

The tree reminds our safe haven.

I admit that I really Miss AA but Alea is not the AA I know. She's not that sweet and caring. She's not the cold and aloof AA I know.

The talk she said last time ay hindi natuloy dahil may tumawag sa kaniya at may emergency kaya nasa Italy ngayon si Alea.

Apat na araw na akong buryong buryo sa buhay. Masyado namang busy ung tatlong kumag para makasama ko dahil may kaniya kaniyang mga bebe time.

Sana lahat.

Mga taksil.

Hindi man lang ako sinama sa bebe time nila makikiseventh wheel lang ako kahit papaano. Ako ung taga kain pero syempre libre nila, gipit ako ngayon.

Kaya Lord bigyan niyo ako ng sign na magkakasugar mommy na ako. Kapag may bumato sakin ngayon siya na ung sugar mommy ko.

"Parang timang pftt." natatawa kong sabi sa sarili at marahang umiiling habang nakahiga sa damuhan.

Nakatingin lang ako sa langit. Ang ganda ng kulay kahel nito ngayon. Magandang abangan ang sunset mamaya pero mas maganda kung may kasama para duo kami.

Iduduo lang pero hindi jojowain. Gusto ko si Ma'am Cortez lang jojowa sakin at sasakal.

Pero kung ayaw ni Ma'am sige no choice ako kung hindi iba ang jojowain ko. Ayaw ko namang mamatay na single baka pagtawanan ako nu'ng tatlong kumag.

Pikutin ko nalang talaga si Ma---

"A-aray potangina!" Malutong kong mura nang biglang may nangbabato ng bato.

Pashnea masakit!

Natamaan ako sa may noo kahit sabihin nating maliit na bato lang ung pero yawa masakit talaga. Buti nalang hindi natamaan ung precious eyes ko pambihira.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now