CHAPTER : TWENTY - SEVEN

16.7K 562 62
                                    

Isla

Nagising ako nang may naramdaman akong nagvivibrate kaya bumangon muna ako at hinanap ung phone ko dahil un ang nagvivibrate.

Nang makita ko ay tiningnan ko kung ano ang dahilan ng pag vibrate.

ELEANOR DYOSA'S CALLING......

Ang kapal ng mukha kung sino man ang naglagay ng nickname na yan sa phone.

"Oh?" Tanong ko sa kaniya pagkasagot ko nang tawag.

Wala akong narinig na sagot mula rito kaya tiningnan ko ang phone baka mamaay pinatay ng kumag.

"Is this a prank call Eleanor?
Papatayin kita kung sakali man." Banta ko sa kabilang linya.

Nakarinig naman ako ng mga nagtatawanan at may inaasar.

"Hi mareng Isla! tumawag kami para ibalita sa'yo na approved na 'yong fieldtrip natin at para asarin na rin ang kumare natin na bagong kasal." Sagot ni Eleanor at halata sa kaniya na kanina pa niya inaasar si Yanna dahil rinig na rinig ko mula sa phone ang iilang mura nito sa isa.

"Oh? inaprubahan ni NInong? kailan daw ba 'yon?" Tanong ko at hindi muna pinansin ang huling sinabi ni Eleanor.

"Second week of Feb raw. Ano ba mareng Yanna para kang pato kakanguso diyan! Kinasal ka lang e."

"Shut up! Hindi ko ginusto 'yon okay?!" 

"Atleast do something to make them stop." Rebat ni Sierra. 

"Kung may madalaling paraan lang ginawa ko na sana..." Biglang humina ang boses ni Yanna, nakaspeaker ata 'yong call kaya medyo inaudible pakinggan 'yong sinabi ni Yanna.

"Magandang greek naman siguro napangasawa mo, pagtiyagaan mo nalang muna ng tatlong taon, malay mo naman diba?" Sagot ulit ni Sierra.

"Tsaka sana man lang ininvite mo kami diba." SIngit ko sa usapan nila.

"Yon na nga mare hindi man lang tayo ininvite nakakasama ng loob! Baka mamaya may magandang greek du'n eh!" Siraulo talaga 'tong si Eleanor kahit kailan. Kapag 'yan narinig ng asawa niya lagot siya.

"Punyemas! Dahil nga lang sa letseng kontrata iyon okay? Pinikot ako!" Asar na turan ni Yanna at alam kong umiikot na ang mata nito sa inis sa amin.

"Congrats Mareng Yanna pftttt isa ka nang alagad ng mga commander si Sierra nalang ang natitirang single."

"Nah, I'm not going to do that. I prefer being single rather than being tied with someone that can give you heartaches" for the first time iyon ang mahabang sinabi ni Sierra kadalasan maiikli lang eh. Halatang defensive si Mareng Sierra sa part na yan.

"Nasa huli ang pagsisi Mareng Sierra baka kainin mo lang 'yang sinabi mo kapag may sumira ng buhay mo HAHAHAHAHA" Natatawang sabi ni Yanna miski ako ay ganu'n rin.

"Edi nasira duh!" Masungit na sagot ni Sierra at tumahimik na.

"Oh may kailangan pa ba kayo sakin? Gusto ko pa matulog." Singit ko.

"By the way mare kamusta ung anak mo? Nakidnap ba?"

"Ano?! May anak si Isla?!"

"Manahimik ka nga Yanna! So ano na Mareng Isla nahanap niyo na?" Tanong ni Eleanor at alam kong binubusalan nila ang bibig ni Yanna dahil naririnig ko ang mahihinang ungot nito.

"No, it's a prank lang pala un shuta na yan. Ngayong araw ko palang paparusahan ang mga Rogelios ko. Nakakaasar sila! Akala ko pa naman makikipagbardagulan na ako sa mga Desiderio un pala hindi punyeta!" Reklamo ko sa kabilang linya.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now