CHAPTER : NINETEEN

16.2K 520 55
                                    

Isla

"Sino pumatay kay Lapu Lapu?" Tanong ni Cyden kay Stacey na kanina pang nagtitimpi na masabunutan ang isa.

"P'wede ba Cyden manahimik ka!" Asar na sabi nito kay Cyden na ngayon ay nagkakamot ng batok.

Nandito kami ngayon sa bahay, mag aalas tres na rin ng hapon at mahigit dalawang oras na kaming ganito ang scenario.

Magkiclick kami nitong si Cyden eh, kanina pa nababadtrip sa kaniya si Stacey. Ewan ko ba sa dalawang yan may issue ata sa isa't isa.

"Sorry na, penge muna ako mwa mwa." natawa ako sa itsura ngayon ni Cyden pashnea nakanguso na ngayon ang labi sa gawi ni Stacey.

"Oh ayan halikan mong gago ka!" Sabi ni Stacey at hinampas ang isang libro na mainipis sa direksiyon ng labi ni Cyden.

"O-ouch Babe ang sakit mo naman magmahal!" Tila nasasaktan nitong sabi sa isa at nagakto pang nasasaktan dahil hawak ang dibdib nito kung nasaan ung puso niya.

Shuta ang LT ba't ngayon ko lang nakilala 'tong si Cyden. Ganu'n na ba ako kagold para hindi sila mapansin? Tsk!

Buti nalang at naging kagrupo ko siya.

"Babe your ass, Cyden Wilson!" Masamang tingin na ang pinupukol nito sa isa at konting konti nalang ay maihahampas niya na ang laptop sa mukha ni Cyden dahil sa inis niya rito.

"Hush! Tama na yan tsaka na kayong mag away na mag ex jowa. Unahin muna natin itong Research ng future wifey ko." sumingit na ako sa usapan dahil balak na naman sumabat ni Cyden. Baka gusto niyang mahampas ng laptop? Ako na mismo maghahampas sa kaniya.

"Miss Isla naman. Masyado kasi akong Gold para hiwalayan ng ganu'n lang? She doesn't even explain her side why she broke up with me." Mukhang hindi pa nakamove on ang gaga.

No wonder why. Stacey is Beautiful but mas maganda si Ma'am.

"I don't have anything to explain with you in the first place Wilson. You left me hanging in the times I needed you the most." Mahinang turan ni Stacey at tumingin ng saglit sa gawi ni Cyden.

Shuta! Research po ang pinunta niyo rito, mamaya na ang closure please lang maawa kayo sa single na hindi.

Oh I forgot may asawa nga pala ako.

Sa papel.

Natahimik naman si Cyden at hindi na nagsalita pa. Oh ano ka ngayon gaga ka.

"What do you want to eat guys? I'll tell the maids" sabi ko sa kanila para masira ang tensyon na bumubuo ngayon sa pagitan nilang dalawa. Pambihira naman.

"I want Carbonara!" Natutuwang sabi ni Cyden na may kasama pang palakpak na akala mo cast ng Happy feet.

"Anything will do, Miss Isla." Stacey simply said and went back to her doings.

Tumango naman ako sa kanila atsaka tumayo para pumunta sa kusina kung saan nandu'n si Mamang.

"Mamang Can you cook carbonara?" I asked as soon as I went near her.

Tumingin ito sa gawi ko atsaka ako nginitian at marahang tumango. Pipi si Mamang but she can hear us that's why she understand what I'm saying. Nagpaalam na ako kay Mamang at bumalik sa gawi nu'ng dalawa na ngayon ay nagsstaring contest na.

I can't deny that they have a chemistry tho. Bagay silang dalawa.

I don't want to meddle in their business; it's their own anyway, so I'll just keep quiet and proceed with the research.

Kailangan ko na itong matapos dahil sa susunod na sabado uuwi na ako sa Italy.

"Stop!" Tigil ko sa kanila na agad nilang kinaiwas ng tingin.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now