CHAPTER 1

243 11 6
                                    

  Claire Tiffany's POV


Ang bilis ng mga pangyayari parang isang roller coaster ride. Sa simula mabagal, pataas ng pataas. Hanggang sa unti-unting bumibilis. Nakakahilo, nakakasuka.. Pero bakit ganun, tila ayoko pang huminto? Sa halip ay gusto ko pang ituloy kahit na alam kong paikot-ikot lang. Bakit nga ba? Siguro dahil nawala na ang pagkahilo ko. Nag-eenjoy na ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong magkakaroon ng heart attack pero wala. Ang sarap sa pakiramdam. Sana hindi na matapos. Kahit dito lang, dito lang sa panaginip kasama kita. Okay na ko. Pwede bang di na ko magising? Minsan kasi mas masarap at maayos ang buhay sa panaginip kesa sa realidad. Dito rin kasi sa panaginip, totoo sya. Isang tao na hindi ako iiwan. Yung taong ramdam mong ligtas ka. Kahit na alam kong panandalian lang ang lahat, ayos lang. Marami pa naman akong panaginip. Teka, ayan ka na naman kasabay nang paghinto ng roller coaster na ito ang paglaho mo ng paunti-unti, palayo ng palayo sa akin. Ito na naman ang parteng alam kong magigising na ko, ang parteng pinaka-ayoko. Haist!


*ding ding ding! good morning! ding ding ding! pa-pa-pa-pao pao pa-pa-pa pao!*


Nagising akong naka-ngiti. Hindi dahil sa tunog ng alarm clock ko. Kundi dahil sa panaginip na kasama ko ang isang lalaki na hindi ko makita-kita ang mukha simula nung una ko syang mapanaginipan. Yieee! Buti na lang at hindi ko nakakalimutan ang bawat pangyayari. Di tulad nung sa ibang mga panaginip na pagkagising mo limot mo na. Sino kaya yung mystery guy na 'yon? Sana naman gwapo. Yung kamukha ni Logan Lerman, Nick Jonas, Chris Evans, Zac Efron, Channning Tatum o kaya naman ni Joe Jonas. Chos lang! Hahaha! Pero syempre naman no, ayokong maging nightmare ang sweet dreams ko. Anyways, ako nga pala si Claire Tiffany Harvard.My dad calls me Princess or Claire Tiffany when he's serious on something or mad at me, my bestfriend calls me Tiffy, CT or Beshy, my close friends call me Tiff and others call me Tiffany. Isa na akong ganap na dalaga sa edad. I mean I'm already 18 years old. Nasa right age at legal na o pwede nang gawin ang ilang mga bagay like having a boyfriend, I guess. Haha! 1st year college na ako sa kursong Psychology at nag-aaral sa Harvard Academy which is the best school in the Philippines at pagmamay-ari ni Valerie Hazel Harvard, my favorite tita and also serves as my 2nd mom. Tama lang ang height ko, di pandak, di rin naman matangkad. Maganda, matalino, maputi, mabait pero may mga oras na medyo masungit ako. Mayaman din ako. Well actually, super yaman and its because of my father and ofcourse, I am nothing without him. His name is Enrico Tan Harvard Jr. who belongs to the three of the most successful businessmen in Asia. Halos nasa 'kin na ang lahat, kung hindi lang nawala si mama. Sampung taong gulang ako nun at kaarawan ni dad kaya balak namin na puntahan sya at sorpresahin. Aksidenteng bumangga ang kotse namin sa isang truck. Maswerte akong nakaligtas, ngunit hindi ang aking mahal na ina. Kaya ngayon, si dad na lang ang kasama ko. Wala naman akong kapatid. Mahal ko si dad at hindi ako tutulad sa iba na nagrerebelde dahil lang wala sa tabi nila ang kanilang magulang. Gusto ko kasi maging proud sa 'kin si dad pati na rin si mama. Hayy nako, stop this drama thingy makaligo na nga lang. Patayo na sana ako when my phone starts to ring.


*Ooh, sugar pie, honey bunch.. You know that I love you.. I cant help myself..*


Sasagutin ko ba o irereject? Pano ba naman kasi yung oh-so-hyper-all-the-time ko lang naman na bestfriend ang tumatawag.


"Haist! Oo na,  ko na", asar kong sabi sa sarili.

"Yow sup? Mas maganda pa ko sa morning. I know. Hihi!" Bilib din ako rito aga-aga taas ng enerygy. Ano na naman kayang movie napanood nito at ganyan magsalita?

"Oh anong kelangan mo? Aga-aga bida-bida ka na naman" For sure sasabihin na naman nitong masungit ako.

"Hahaha! I miss you too Beshy! Sungit mo talaga kahit kelan" Oh see? I knew it.

"Ayy e di wow! Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Di bagay. Tama na. Tumawag lang naman ako para ipaalala sayo na mamaya na ang balik ni Papa Ex mo. 1st day ngayon at nabalitaan ko na sa Harvard Academy sya nag-enrol. Mamaya kaklase pala natin sya tapos...", di ko na inintindi yung ibang sinabi nya. Sus yun lang naman pala. Si Papa Ex ko lang naman pala. Teka sino?

"Hey! Still there?", tanong ni Beshy. Mga ilang segundo rin nanganga ako dun bago nag-synced in sa utak ko.

"Ah. Talaga? Ano kasi.. hmm.. Sige maya na tayo usap. Hehe! School, okay? See ya!" Sabi ko na lang sa kanya. Sabay pindot ng end call. Ang weird ko tuloy. Huhu!





Alam ko naman sa sarili ko na matagal na kong naka-moved on sa kanya. And HELLO? ITS BEEN 4 YEARS NA SINCE THE LAST TIME I SAW HIM. HIndi naman sya umalis dahil nangibang bansa or whatever. Alis as in nag-transfer lang naman sya sa ibang school. I don't know why? Dati ang iniisip ko siguro dahil sa break up namin. Di nya siguro kinaya yung sakit. Haha! Feeling ko lang naman yun. And we broke up because... because.. (Ano nga?) Because of me. Bata pa kami nun. Katorse ako, sya naman 15 pero pareho kaming nasa Grade 8. Anong magagawa ko e bata pa nga kami nun di ba? Hindi ako galit ha, masungit lang pero mabait naman ako. (We?) Bahala kayo, di ko naman kayo kilala. So why do I need to explain? Chos lang! Haist! San na ba tayo? Ayun nga naisip ko nun na mali. Isa pang dahilan kung bakit ako nakipag-hiwalay dahil narinig ko kasi yung sinabi ni dad kay Uncle Henry.





~(Flashback)~

Kakadating ko lang galing school nang makita ko si dad at Uncle Henry sa may garden. Lalapit sana ako kay dad upang yakapin sya dahil namiss ko sya. Kakauwi lang kasi nya galing sa business trip. Malapit na sana ako nang marinig ko yung sinabi ni dad na..

"Basta ako hindi ko papayagan ang anak ko na magka-boyfriend hanggat di pa sya nakakatungtong sa edad na 18. Kung mangyari man yun, gagawin ko ang lahat para matakot sakin kung sino man yung manliligaw nya."


~(End of Flashback)~





Natakot ako sa narinig kong yun. I know my dad very well. Alam ko kung pano sya magalit. Di naman sya nagkulang na iparamdam na mahal nya ko kahit na gano pa sya kabusy. Para naman masuklian ko yung pagmamahal ni dad, I decided to end my relationship with Adam. Inexplain ko naman kay Adam yung reasons. Inalok ko pa nga sya kung pwede kaming maging magkaibigan na lang. Kaso hindi sya pumayag. Sinabihan nya lang ako ng duwag at hindi ko raw sya totoong mahal. Kasi kung totoong mahal ko raw sya, ipaglalaban ko yung relasyon namin. Tumakbo sya at iniwan na ko. Nung mag-Grade 9 na kami, dun na sya lumipat ng school. Simula nun, wala na kong balita sa kanya. Oo naman, I loved Adam. He was my bestfriend who turned into my lover. Pero that time kasi I chose my dad instead of love. Tama naman ginawa ko di ba? Lahat naman kasi ng bagay may tamang oras at panahon. Di natin kelangan madaliin ang lahat. Kung naintindihan nya lang sana..

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon