CHAPTER 22

16 2 1
                                    


Hazel Kit's POV

"Hmm.. kasi bestfriend mo sya. And.. may gusto ka sa kanya." 

WHAAAT? Hindi ko na napigilan kaya naman...

"HAHAHAHAHHAHAHAHA!" 

Siguro ay namumula na ng labis yung mukha ko sa kakatawa. Si TIffy naman kasi. Woooo!

Bigla namang nagbago yung reaksyon ni Tiffy. Parang kanina lang maaliwalas syang tignan. Tignan mo tong babaeng to magsasabi ng joke, tapos.. hay nako.

"Tss. Pabebe." 

Sinimangotan nya ko tapos ay nag-walk out na. What is wrong with her?

Susundan ko dapat sya kaso may nakakakilabot na nilalang na sumulpot sa harap ko.

"Miss me?" Sipain ko kaya to.

"Hoy unggoy, tabi nga!" 

Kainis naman akala ko wala si Paolo dito ngayon. Kanina kasing umaga may kasama syang Anaconda, I mean, kasama nya si Amanda sa coffee shop.

"Gwapo na pala mga unggoy ngayon." Nakangiti nitong sabi.

"Sinira mo na nga araw ko, wag namang pati gabi ko." Nagtataka naman syang tumingin.

"Ano naman ang kinalaman ko sa araw mo? Siguro, totoong namiss mo ko kanina no? Uyy!" Hinila ko na lang yung tainga nya baka sakaling manahimik.

"May girlfriend ka na raw?" Biglang tanong ko.

"Who told you?" 

So totoo nga? Hindi naman kasi nya dineny.

"Totoo ba?" Seryoso na ang tono ng boses ko.

"Nagseselos ka?" Ngingiti-ngiti nyang sabi.

"Eww.. As if naman may papatol sayo no."

"Aray! Sakit naman." 

Nilagay pa nya yung kamay nya sa dibdib para dagdag sa arte. Mas lalo tuloy syang nagmukhang unggoy. Haha!

"Sasagot lang naman kasi, ang dami pang sinasabi."

"Ang cute mo talaga kapag naaasar. Ay mali, ang ganda pala lalo." 

Pinindot nya ng mahina yung ilong ko. Pakiramdam ko nag-init yung mukha ko. Ito na ba yung kilig?

"Che! Don't you dare touch me again."

Pinalo ko yung braso nya ng malakas. Kilig? Kung sa tao siguro nanggaling yun, baka may chance na kiligin ako. Pero sa unggoy nanggaling. Kaya no!


Claire Tiffany's POV

Ang cute nilang dalawa tignan. Buti na lang gumana yung pagwalk-out ko. Nakita ko na kasi na papalapit samin si Paolo kanina kaya naman gumawa ako ng paraan para magka-moment sila.

"Claire Tiffany, princess, come on here." Lumapit agad ako kay dad.

"This is Mr. and Mrs. Monte." 

Nginitian ko naman yung mga pinakilala ni dad. Lumapit sa akin si Mrs. Monte at nagbeso.

"No wonder you have a beautiful daughter, Mr. Harvard. She's a combination of you and Nathalie." 

Lumungkot yung mga mata ni dad nung marinig yung name ni mom. Yung mga labi ni dad pwedeng mapeke yung saya pero hindi ang kanyang mga mata.

May lumapit na lalaki sa amin. Nakangiti itong sinalubong ng mag-asawang Mr. and Mrs. Monte.

"I would like you to meet our son, Del." 

Pakilala ni Mr. Monte. Pinigilan ko naman ngumiti nung marinig ko yung pangalan nya.

"It's nice to finally meet you, Mr. President." 

Nagtanguan at ngitian lang sila ni dad. "And you Lady Claire." Sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ko ulit na ngumiti. Lady Claire, really? Ha-ha.

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Del Monte yung isa kong kamay at halikan ito. Napansin ata nina dad yung reaksyon ko kaya naman natawa sila. Tss.. Pasalamat ka kaharap natin ngayon si dad. Palihim ko na lang syang inirapan.

"Claire and Del go to the same university. Nagkikita ba kayo roon?" Tanong ni Mrs. Monte.

"No./Yes." Sabay naming sagot. 

So, nakikita nya pala ako sa school. Siguro dahil Harvard ang surname ko kaya nya ko napapansin o kilala.

"Nakita ko po sya sa quadrangle." Mahinahon nyang sabi.

Iniisip ko kung kalian at ano yung ganap nung mga oras na yun. Oh, yung surprise thingy. Nawala na sa isip ko yun ah. Sino nga kaya ang may kagagawan nun?

"Mabuti pa ay maiwan muna namin kayo. May pag-uusapan lang kaming mga young at hearts."

Kiniss ako ni dad sa cheek. Sumunod naman sina Mr. and Mrs. Monte kay dad. Kaya naman, naiwan kaming dalawa nitong Del Monte na to.

"How dare you kissed me?" Sabi ko sabay ismid.

"Hahaha! It's just a kiss on hand Lady Claire." At talagang pinupuno ako ng lalaking ito.

"Mr. DEL Monte, what a nice name?" Akala ko ay maaasar ko na sya. Kaso tinawanan nya lang ako.

"You like my name, huh?" Baliw siguro ito.

"Tss. Whatever." 

Inapakan ko yung paa nya. Tinalikuran ko na ito at hindi na nilingon pa. Kahit na tinawag nya ko ay hindi ko na talaga ito nilingon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon