CHAPTER 3

102 6 0
                                    

 Paolo's POV

Naiwan ako sa canteen na sumasakit na ang panga sa kakatawa. Pagkadilat ko, wala na yung dalawa. Saka ko narealized na para na talaga akong baliw. POGING BALIW. Haha! Nakatingin na nga sa pwesto ko yung iba. Wala naman akong pakielam, di ko naman sila kilala. Nginitian ko na lang yung isang girl na nakatingin. At yun, nahawa na sa pagka-baliw ko,  namumula kasi halatang kinikilig. Sabagay, kaw ba naman ngitian ng isang POGING NILALANG NA GAYA KO. Hindi ako nagbubuhat ng bangko ha, nagsasabi lang ng totoo. Ako nga pala si Paolo Henares. Anak ako ng dating hardinero nina Haze. Wala na akong nanay. Pumanaw sya nung pagkatapos nyang ipanganak ang dapat nakababata kong kapatid. Laking pasasalamat ko sa pamilya ni Haze dahil sila ang nagbigay ng ilaw sa madilim naming mundo ng aking ama. Sampung taong nanilbihan si tatay sa pamilya Banks. Binigyan nila ng puhunan si tatay upang makapagtayo kami ng maliit na negosyo. Napalago ni tatay ang bakery na kanyang itinayo at ngayon, marami na itong branch sa iba't ibang panig ng bansa. Kakumpetensya na nito ang Goldilocks at Red Ribbon. Sobrang laki rin ng pasasalamat ko kina Claire at Haze. Sila kasi yung tumulong sakin nung mga bata pa kami. Binigyan din nila ako ng lakas ng loob. Hanga ako sa dalawang iyon kasi biruin mo, kahit napakayaman nila, pantay ang trato nila sa lahat. Kaya naman gagawin ko ang lahat maproteksyonan ko lang silang dalawa. Iyon ang dahilan kung bakit dito ako nag-aral sa Harvard Academy. Tinignan ko yung sched ko. Hala! Late na ko ng 10 minutes. Ang daya talaga nung dalawang yun, kaya pala ako iniwan dito. Tumayo na ako at patakbong pumunta sa room ko.

  Claire Tiffany's POV

 Psychology 101 ang last subject namin ngayon. Di namin ata kaklase si Paolo, di naman sya sumunod kanina. Di ko naman makausap si Kit mukha kasing wala sa mood. Kaya heto, iniikot-ikot ko na lang yung kulot kong buhok nang biglang magsalita yung prof namin.

         "Good Afternoon Freshmen! I'm Proffesor G." Umayos ako ng upo. Mahinahon at kalmado lang ang boses nya pero mukhang istrikto ang prof na ito. I guess 5 flat ang height nya and she's wearing a glass. And kung hindi ako nagkakamali, nasa edad 27-30 pa lang sya. "Hindi nyo na kailangang magpakilala isa-isa dahil natignan ko na sa profiles nyo kung sino kayo. I want all of you to remember this, I AM NOT JUST AN ORDINARY PROFFESOR SO ALWAYS BE READY." Napansin ko na lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nandito ay nasa kanya.  I like this kind of prof. Alam ko kasing, she's not like other profs na natapos na yung time namin sa  kakakwento ng buong buhay nya. For sure, I'll learn a lot from her.

         "Good Afternoon Mam! I'm sorry, I'm late." Napatingin ako sa nagsalita. Di ko alam kung matatawa o maaawa ba ako rito kay Paolo. Para kasi itong kinakabahan na ewan tapos parang pagod na pagod pa. Sa huli, napatawa na lang ako ng mahinana. Nakita ko na nakangiti si Kit. I smell something fishy talaga! Kanina lang parang wala ito sa mood. 

         "You may take your sit." Yun lang sabi ni Prof.G. Di ko mabasa kung anong emosyon nya, blangko kasi.

         "Thank you mam." Nakangiting sabi ni Paolo. Tumingin si Kit sa kanya ng tinging nang-aasar nang dumaan sya amin. Sa may bandang likuran na ito umupo. Wala na kasing space sa tabi namin ni Kit. Napansin ko rin na kinikilig yung mga babae habang sumusulyap-sulyap kay Paolo.

         "Tss.. Di naman gwapo. Feelingero.." Narinig kong bulong ni Kit. Selos alert! Tsk. Haha!

         "Don't forget na kapag 15 minutes na at wala pa kayo rito, you're mark as an absent. You should be..." Naputol ang sinasabi ni Prof.G nung may pumasok ulit.

         "Good Afternoon! I'm sorry to disturb your speech Prof. G." Nakapasok ang isang kamay sa bulsang sabi nito kay Prof.G. Matangkad sya, tan skin, singkit at gwapo. In short, chinito. FYI, wala akong gusto sa kanya. (Defensive much? :D) Teka, parang kilala ko ito.

         "OMG!!! I can't believe kaklase natin sya." "We're so lucky! Hayy.. ang gwapo-gwapo nya talaga." "I love this subject na. Di na ko aabsent dito! Hihihihi!" Yan ang narinig kong mga komento ng mga nasa paligid ko. Parang kilala ko talaga ito. Hmm... 

         "Since you're 30 minutes  late, stand in the midde and introduce yourself." Umupo si Prof.G pagkasabi nya nun. Naglakad naman yung I-think-I-know-him na guy papunta sa gitna.

         "I'm Jerry Smith. 18 years old. Taking up an Engineering course. Since grade 7, kasali na ako sa basketball varsity ng academy na ito. Please be good to me." Ang ikli naman ng introduction nya. Pamilyar talaga sakin 'to. Nahihilo na 'ko sa kaiisip kaya naman napahawak na lang ako sa ulo ko.

         "Okay, you may take your seat. Ms.Harvard, are you okay?" Nagulat ako dahil kilala ako ni Prof.G. Her eyes looked worried. Parang kilalang-kilala nya talaga ako. I don't know if it's only because of my reputation. Pero bakit ganto, I feel something deeper than that. Parang matagal ko na syang kilala. This day makes me sick. Pangalawa na sya. Don't tell me may pangatlo pa! Baka naman himatayin na ko nito. Haist!

                 "Yes Prof.G, I'm okay." Nakangiti kong tugon sa kanya. Tumayo na sya at may sinulat sa white board. Umupo naman si Jerry sa tabi ni Paolo. Nasa 2nd row kami ni Kit. Then, silang dalawa naman ni Paolo nasa 4th row. Di ko na binilang kung ilan kami lahat sa room.

         "Ahh.. Sya pala yung pamangkin nung may ari ng academy. Infairness, maganda." "Ang exciting naman ng klase nato!" Dinig ko yung ilang bulungan ng mga kaklase ko. Yung totoo, bat ang hihilig nila bumulong tapos dinig na dinig naman? Kaloka!

         "Ang swerte naman natin girl! Tatlong hotties ang nasa room natin. Kaka-inspire. Hihi! Btw, ang ganda-ganda mo girl. Palit tayo face, you like?" The gay beside me said to me. Nginitian ko lang sya. Tatlong hotties? Asan yung isa? Ayy, enebeyen? Nagagaya na ko sa mga kasama ko dito.

                 "Personality. Uniqueness. Respect." Mahinang binasa ko yung sinulat ni Prof.G sa board. Humarap na ito sa amin at nagsalita. 

        "People have different personalities. Each of us is unique from one another. Isang bagay lang ang dapat mong gawin, JUST BE YOURSELF. You don't need to pretend so that others will like you. Alam ko na ang marami sa inyo ay anak ng  mga pinakamayayaman at mga maiimpluwensyang tao sa ating bansa at ang ilan naman ay scholar kaya nakapag-aaral sa academy na ito. All we need is RESPECT. Is that clear?" WOW as in Words Of Wisdom. She's cool isn't she?

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon