Claire Tiffany's POV
Maaga kaming dinismissed nung Political Science professor namin na si Prof. D. May meeting kasi syang pupuntahan. Pagkatapos nyang magpakilala at bigyan kami ng syllabus at assignment, umalis na sya. Hindi namin kaklase si Paolo sa PolSci 2. Papunta kami ngayon ni Kit sa Elite Quarter, special place para sa Top 50. Top 50 yung tawag sa pinaka-influential students ng academy sa college department. Para itong isang mini mall, may game rooms at food corners din. Kadalasan, dito ginaganap yung ilang celebrations ng academy.
"Hi Clarry! Hi Haze!" Bati samin nina Vanessa, Gabriela, Leo, Karl at Max, ilan sa close friends namin.
"Hi guys! I miss you! Long time no see." Nakangiting sabi ko sa kanila. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila isa-isa.
"Ako rin, I miss you guys so much!" Lumapit rin si Kit at niyakap na rin sila.
"C'mon guys, let's have a group hug." Sabi ni Karl, ang medyo playboy ng group.
"Tss.. Chansing ka lang dude. Gusto mo lang yakapin ulit si Clarry." Sabi naman ni Leo, ang mister serious ng group pero sa iba lang. Binatukan naman ni Karl si Leo at nag-smirk.
"Muling ibalik na ba? Hihi!" Pang-aasar naman ni Gabriela, ang kikay ng group. Lagi kasing naka-pink. Tsk!
"Anong ibabalik? Busted naman na ako. Huhu!" Naka-pout na sabi ni Karl. Dati kasi nanligaw na sa 'kin si Karl kaso di ko naman inentertain. Close friend lang kasi tingin ko sa kanya. Sabi nila, ako raw yung dahilan kung bakit naging playboy si Karl. Di ko lang alam if totoo.
"Gosh! So the news is true." Nakita ko kasi na magka-holding hands sina Vanessa at Max. Paraan ko na rin yun para ibahin yung topic. Napatingin din si Kit at napansin namin na medyo namula si Vanessa habang si Max naman pa-cool lang.
"I knew it! Haha! Sabi sayo Bes bagay talaga silang dalawa. Kahit na madalas para silang aso't pusa kung mag-away." Papalakpak-palakpak pang sabi ni Kit. Kung nakikita lang nya sarili nya, mahihiya sya. Kidding! Haha!
"Walang forever." Nakasimangot kong sabi.
"HAHAHAHAHAHAHA!" Problema nila? Tawanan ba naman ako. Mga baliw. Haist!
"What?" Nakapamewang kong tanong sa kanila.
"Bitter mo kasi girl. Tara, let's play bowling na lang." Pagyayaya samin ni Kit.
"Sige. Kayo muna upo muna ako doon." Sabi ko at iniwan na sila.
"Okay. Sabihin mo na lang pag gusto mong maglaro Clarry." Nakangiting sabi sa 'kin ni Karl. Bago sya tumalikod, kinindatan pa nya ko. Ideal boyfriend naman si Karl kaso nga lang kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.
"Hi!" Sabi nung lalaking tumabi sa 'kin. Nakasuot sya ng glass na pang-nerd pero hindi naman sya mukhang nerd. Tinignan ko ng maigi yung mukha nya. Nagulat ako dahil si Adam pala 'yon.
"Hello?" Medyo awkward kong sabi. Kasi naman sya bigla-bigla susulpot na lang.
"It's nice to see you again." Nakangiti at hawak sya sa baba nyang sabi. What should I say?
"Hmm.. Mr.Cap?" Then I gave him a sweet smile.
"I'm glad, tanda mo pa pala ako. How you doin?" Nakatingin lang sya sa 'kin ng diretso.
"I'm doing good." Bakit ganyan sya cool na cool lang? Samantalang ako rito, parang gusto ko na lang lumubog sa kina-uupuan ko.
"Cool. By the way, I'm Adam." Ngayon naman napalitan ng seryoso yung tingin nya. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. "What's that for?" Umiling lang ako.
"I thought hindi ka na magpapakilala. Lumapit ka ba para sa cap mo?" Naalala ko naiwan ko pala yung cap nya sa mansyon. "Naiwan ko nga pala yung baseball cap mo. Bukas ko na lang balik ha."
"Anytime. Sorry ngayon lang ako nagpakilala. Long time no see, Claire Tiffany." Yung kabang nararamdaman ko kanina, biglang nawala nung marinig kong tawagin nya yung name ko.
"It's been 4 years. Ang tangkad mo na." Ginulo-gulo ko yung buhok nya.
"Di ka pa rin nagbabago. Yan pa rin yung unang-una mo laging ginagawa tuwing nagkikita tayo." He's right. Ang lambot kasi ng buhok nya. Ano kaya shampoo nito?
"Haha! Yah! Can I ask you something?" Para syang ewan, tatanong ko lang naman kung anong shampoo nya. Chos lang! Hoho! Uminom muna sya ng juice nya bago sumagot.
"Sure." Seryoso na naman reaksyon nya.
"Ikaw ba yung may gawa nung kanina sa quadrangle?" Gusto ko lang makasiguro kaya ako nagtanong.
"Hindi ako may gawa nun. Ako naman magtatanong, okay lang?" Tama ako. Hindi sya yung tipo ng tao na gagawa ng ganun.
"Oo naman." Pansin ko na medyo kabado sya.
"C-can we.. be friends?" I was speechless for about 3 seconds.
"Why?" Taas kilay kong tanong.
"Maraming nagsasabing kapag nag-break na ang dalawang tao, imposible na silang maging magkaibigan. Hindi ako naniniwala sa kanila. Gusto ko rin maibalik yung friendship natin noon. Sana pumayag ka." May point naman sya. Wala rin naman masama kung maging magkaibigan kami, hindi ba? Napa-buntong hininga muna ako bago sumagot.
"Let's play bowling." Tumayo ako at hinila na sya para maglaro. Napakamot na lang sya sa ulo na tila nagtataka.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."