Jerry's POV
*Silence...
*Silence...
Mahal ko pa rin si Tiffany. Yan lang masasabi ko. Ge, tulog na ko!
***
Hazel Kit's POV
Ang kulit ni Paolo. Super kulit nya, kainis na! Asan ka na ba kasi Bes? After kasi ng Psych class namin, naglaho na sya na parang bula. Imposible namang na-kidnap sya. Sina Gab naman, hindi ko makita.
"Sabihin mo na kasi kung sino yung boyfriend mo. Haze?"
Ano ba yan, kalalaking tao chismoso!
"Ano naman sayo kung malaman mo kung sino?"
Napalakas tuloy yung boses ko, kulit kasi. Halos lahat ng dumaraan tuloy sa hallway pinagtitinginan kami.
"E kasi... kasi ano, nagse..."
Sino kayang may lakas ng loob ang sumingit sa usapan namin?
"Hi Paolo baby!"
Na-cut na nga yung sinasabi ni Paolo, tapos nagpantig pa yung tenga ko dahil sa narinig ko. Hindi ako nagkaka-mali, kaboses na kaboses nung girl yung kausap kanina ni Paolo.
The one who kissed him on cheek!
"Amanda, Hi!"
At nakuha mo pa talagang ngitian ng bongga yang babaeng kinapos sa tela! What's her name again, Anaconda?
"Hazel, si Amanda nga pala. Amanda, si Hazel."
Pakilala sa aming dalawa ni Paolo.
"Hazel Banks? The friend of Claire Harvard?" Nakangiting tanong sa akin ni Anacaonda, I mean, Amanda.
"Yeah."
Walang gana kong sagot. Hmm... Parang may kapangalan sya.
"Amanda Chuck?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oh, you know me. How come?"
May pa-how come, how come ka pang nalalaman. Bully naman. Remember? Sya lang naman yung bumubully dati kay Jane. I wonder, ano kayang ginawa ni Rachel sa kanya?
"Well, everyone knows you."
Tinignan ko ito ng makahulugan. Naramdaman ko naman na nagva-vibrate yung phone ko sa loob ng shoulder bag ko. Pagkatingin ko si Tiffy tumatawag.
"Hello."
Sinagot ko ito agad pagkatapos kong magsabi ng excuse sa kanila. Syempre naman, may manners pa rin ako.
"Bes, I'm so sorry. Hindi kita masasamahan ngayon. Don't worry, I'll explain later."
Don't worry Bes, papasalamatan pa kita mamaya, good timing kasi pagtawag mo.
"Ano may nakawalang ahas?"
Bes, mukhang dalawa tayong mage-explain sa isa't-isa mamaya.
"Huh? Ako ba kausap mo Kit. Wait, makinig ka nga..."
Sorry Bes, mamaya talaga mage-explain ako.
"Papunta na ko, Tiffy. Sige, huhulihin natin yang ahas na yan. See ya!"
Then ended the call. Kita ko naman sa reaksyon nila Paolo yung pagka-bigla.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."