CHAPTER 14

33 0 0
                                    

Claire Tiffany's POV

Pangatlong Linggo na ito ng klase. It means, last week pa kami nakasuot ng aming academy's uniform. Last week din namin sinubok si Jane kung karapat-dapat ba ang ugali nya. At hindi nga ako nagkamali... Jane has a pure heart. Ang kailangan na lang namin gawin ngayon ay kausapin sya. Pagkarating ko ng academy, sinalubong agad ako nina Kit. Kasama rin nila sina Janice at Rachel. Ramdam ko na may problema. Napansin ko naman na wala sina Leo at Jerry. Dahil lahat ng officers ng The Councilors ay kabilang din sa Top 50, napagdesisyonan na sa Elite Quarter na lang kami mag-usap-usap.

"Clarry, may problema tayo." Seryosong panimula ni Karl.

"What is it?" Tanong ko naman sa kanya. Base sa mga reaksyon nila ay mukhang ako na lang ang hindi nakakaalam.

"Titigil na sa pag-aaral si Jane." Napanganga naman ako ng onti dahil sa narinig ko mula kay Kit.

"You guys sure?" Kunot noo kong tanong sa kanila. Malungkot na tumango si Kit. Nakaramdam ako ng panghihinayang para kay Jane. Matalino rin kasi ito at may potential. "Alam nyo ba ang dahilan?" Dagdag ko pang tanong at sakto ring dumating si Leo kasama si Jerry.

"Guys, alam na namin ang dahilan kung bakit titigil na sa pag-aaral si Jane." Lahat kami ay napatingin kay Leo.

"Bukod sa financial problem, nasa ospital din ang kanyang ina at comatose ito." Nalipat naman yung tingin namin kay Jerry nung sumunod na magsalita ito. "Hindi kayang asikasuhin ng sabay ng ate nya yung nanay at mga nakababatang mga kapatid nya. Yung ama naman nya, one month ng hindi umuuwi sa bahay nila." Saglit na katahimikan ang namutawi sa aming lahat. Alam kong nag-iisip ang lahat ng maaaring maging solusyon.

"Puntahan natin si Jane." Sabay naming sabi ni Rachel kaya naman nagkatinginan kaming dalawa.

"I think, wala na si Jane dito sa Manila. Kanina kasi habang nasa klase, tinanong ko yung madalas nyang kausap. She told me na nag-released na si Jane sa dorm nung Sunday pa." Sabi naman ni Vanessa.

"Well, sa tangin ko hindi na problema yan." Nakita ko naman yung reaksyon ni Rachel na tila sang-ayon din sa sinabi ko. Are we thinking the same again?

"We're rich. We can use our money to help her." Halos lahat ay medyo nagulat sa sinabi ni Rachel. Hindi siguro nila inaasahan na may ganun palang side ito. At tama nga ako ng hinala, yun din kasi yung nasa isip ko kanina.

"Rachel's right! Wait, i-double check muna natin kung wala na ba talaga dito sa Manila si Jane. Max?" Mukhang na-gets naman ako ni Max. Ang pamilya kasi nya ang may hawak ng pinakamalaking Airline Company sa bansa.

"Alright, ipapatanong ko agad sa tauhan namin yung tungkol sa flight ni Jane." Nginitian ko ito. Nakita ko na inilabas nya ang kanyang cellphone mula sa bulsa.

"Ahmm, pede bang sa Friday na lang tayo lumipad papuntang Visayas? Gusto ko kasi sanang makasama, kaso may mga gagawin pa ko." Nakapasok ang kamay sa bulsang tanong ni Jerry. Pinakiramdaman ko naman kung sang-ayon ba yung iba. Nung tignan ko sila isa-isa, mukhang okay lang naman sa kanila.

"Sige. Di rin naman maganda kung aabsent agad tayo gayong kaka-umpisa pa lang ng pasukan." Napangiti si Jerry ng bahagya nung narinig yung sinabi ko.

"Ako ng bahala sa hospital bill ng mama ni Jenny. Ipahahanap ko na lang mamaya kung saang ospital naroon yung mama nya. May mga ospital din kasi kami sa Visayas." Kalmadong sabi ni Jerry.

"Jane pare, hindi Jenny!" Natatawa-tawa namang sabi ni Karl. Pansin kong nagpipigil ng tawa yung iba. Ako naman, natawa ng mahina. Di ko kasi kayang magpigil ng tawa at isa pa ang alam ko masamang nagpipigil ng tawa. Napatakip agad ako sa bibig ko nung nakita kong nakatingin sa 'kin si Jerry.

***

Habang naglalakad papunta sa Psych class ko, nilapitan ako ni Jerry. Si Kit naman kinindatan ako bago nagsabing una na sya at may dadaanan pa raw sya. Aysus, neknek mo Kit! :P

"Ansaya mo kanina." Naka-smirk nyang sabi. For sure, tinutukoy nya yung nahuli nyang mahinang pagtawa ko sa kanya kanina. Pasalamat pa nga sya at hininaan ko lang. Oops! ;]

"Huh?" Painosente ko namang reaksyon.

"Tinawanan mo ko. Bad ka." Bukod sa naka-pout sya habang sinasabi 'yon ay boses bata pa ang gamit nya. Si Jerry ba talaga ito?

"E kasi naman hijo, kung ano-anong binabanggit mong pangalan." Pilit nyang pinalalaki yung singkit nyang mga mata habang nakatingin sa akin. Tinawanan ko lang sya.

"Umalis ka ba kaagad nung party? Di na kasi kita nahanap." Tinutukoy nyang party ay yung party ni Gab. Talaga hinanap nya ko?

"Pagkatapos sumakit ng matindi yung ulo ko, nawalan ako ng malay kaya naman hinatid na ko ni Kit pauwi." Kita ko naman sa reaksyon nya yung pag-aalala.

"Wala na bang ibang nangyari sa 'yo bukod dun?" Bakit ganun parang may hugot yung tono ng boses nya, ang lalim.

"Wala naman. Migraine lang yun siguro. Btw, kasali ka pala sa isang banda and take note, bokalista ka pa. Naks!" Pansin ko naman na biglang namula yung tenga nya.

"Galing ko pa rin bang tumula? Hehe!" Naalala ko na naman tuloy yung ginawa nya sa elevator. Haist! Kaya ko lang naman nasabi yun e kasi, sinadya naman nyang pangitan yung boses nya that time.


Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon