Claire Tiffany's POV
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway. Mag-isa na lang ako. Si Kit kasi may pupuntahan daw. Isinasama nga ako kaso tumanggi ako. Kaya naman si Paolo na lang ang inerekomenda ko. Malay mo magka-aminan na yung dalawa. Hihi! E di sila na may happy ending. Ramdam kong may sumusunod sa akin. Actually, kanina pa. Di naman ako natatakot kasi marami namang ibang tao sa paligid ko. Isa pa, imposibleng magkaroon ng kidnapper dito sa academy. High standard ang security dito. Nung may nakita akong bench, dali-dali akong umupo doon. Nagmasid-masid ako sa paligid.
"Reveal yourself who ever you are!" I said using my command tone. Then I saw a boy wearing a baseball cap walking towards my direction.
"Hey!" Nakangiting bati nito sa 'kin. Di ko naman masyado makita mukha nya gawa nung cap.
"Do I know you?" I looked at him sharply.
"Naiwan mo kasi itong panyo mo. Ibabalik ko lang sana." Tinanggal nya yung sumbrero nya at umupo sa tabi ko. Maputi sya at napakaamo ng mukha.
"Thank you." Sabi ko. Then my eyes met his eyes. I saw something very familiar. Bakit kaya ngayong araw andaming pamilyar sa 'kin? Pangatlo na sya. Nako, hihimatayin na ata ako. Maya-maya ay iniabot na nya sa 'kin yung panyo.
"No problem." And then, he smiled again. A smile that can make anyone stop and stare for awhile. After 5 seconds, tumayo na sya at naglakad na palayo. Na-5 seconds of smile ata ako. His eyes, I know I've seen it before.
Adam's POV
Adam Ford, yan ang pangalan ko. I'm 19 years old. Maraming nagsasabing gwapo ako. Yung iba nga titig ko pa lang, di na kinakaya. Nabansagan ngang "Killer Look" yung tingin ko sa dati kong school. Ewan ko sa mga 'yon daming alam. Matangkad ako, maputi, at light brown ang mga mata. Mahilig ako sa sports partikularn na ang chess. Hehe! Biro lang. Basketball at racing talaga ang hilig ko. Simula nung naging varsity ako nung school ko dati, lagi akong MVP. Hindi rin pala ako puro porma at papogi lang, may utak din ako. Salutatorian ako nung grumaduate. My dad owns the Ford's Company, one of the most popular car company all over the world. Yan din ang dahilan kung bakit nahilig ako sa racing. Minsan, pampa-alis ko yun ng stress. Yun din yung madalas kong gawin nung nag-break kami ni Claire. My mom owns the Eugo, also one of the most popular brand in terms of clothing including shoes and bags. Astig ng family ko no? Huh! I'm the youngest among 5 siblings. Yung tatlo kong kuya, tapos nang mag-aral. Kaya ayun, busy na sa kanya-kanya nilang mga negosyo. Si Kuya Erwin pa lang yung may sariling pamilya sa kanila. Sya kasi yung panganay. Yung ate ko naman, si Ate Stacy 3rd year college na this year sa Harvard Academy din nag-aaral. Isa sya sa pinakasikat na model ngayon sa bansa. Ako naman, ayoko maging model. Gusto ko kasi normal lang at may private life. Alam nyo na namang ex ko si Claire, di ba? Oo sya yung first love ko. Nasaktan talaga ako ng sobra nung makipag-break sya. First heart break ba naman kasi. Tapos talagang mahal mo pa. Naintindihan ko naman yung rason nya. E kaso, immature pa ko nun kaya naman ganun yung ginawa ko dati. Aaminin kong nagka-girlfriends ako ng iba, fun-fun lang naman yung mga yun. Iba pa rin kasi yung kay Claire. Tae, wala akong pake kahit medyo baduy na mga sinasabi ko. Di mo pa kasi nararamdaman. Aaminin ko rin na sya yung dahilan kung bakit ako sa Harvard Academy nag-aral. Tagal ko kayang nag-antay! Sabi nya kapag 18 na sya, pede na. Araw-araw kong tinitignan yung facebook, instagram, twitter at pati na tumblr ni Claire. Pshh.. Oo na, ako na stalker, ayy mali, admirer pala. Di ko lang sya ina-add or follow o kaya binisita o kinontak man lang. Mahirap na kasi baka di ko mapigilan at maligawan ko ulit yun ng wala sa oras. Ito ako ngayon, excited sa first day! Namiss ko ng sobra-sobra yung maganda nyang mukha, yung amoy nya, tawa nya at syempre yung maka-usap at makasama sya.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."