CHAPTER 10

45 0 0
                                    

Claire Tiffany's POV

Nasa loob kami ng elevator ngayon. Pansin ko kanina na palihim kaming tinitignan ng mga nakakasalubong namin. Yung iba nagsasabi pa ng congrats! Who do they think we are? And who do they think they are?

"I really hate it." Di ko na napigilang sabihin.

"What?" Nagtatakang tanong ni Jerry.

"When people give verdict that easily." Pinasok muna nya yung kamay sa bulsa bago nagsalita. Ayoko kasi talaga sa mga taong mapang-husga. Like what happened earlier, nakita lang kaming magkasama tapos... Haist!

"I don't like it, too. Wag mo na lang silang pansinin." Ayan, nginitian na naman nya ako. I'm getting used to it. Hayy... "People say we shouldn't be together... We're too young to know about forever... But I say they don't know what they talk talk talkin' about... Cause this love is only getting stronger, So I don't wanna wait any longer, I just wanna tell the world that you're mine girl, Ohh..." Bigla naman syang tumula, I mean kumanta pala. Haha! Tinakpan ko naman yung bibig nya ng kamay ko.

"You're a terrible, terrible singer. Hahahaha! Stop it." Tinanggal naman nya yung kamay ko na nakatakip sa bibig nya.

"Hahahaha! That's why I joined the basketball team. Why so serious? Mas okay kaya kapag nakangiti ka." Ngayon ko talaga napatunayan ang mga katagang, Nobody's perfect. Bumukas na yung pinto nung elevator at lumabas na kami.

"San ka ba talaga pupunta?" Hindi ko kasi talaga alam kung san sya pupunta.

"Council Department." Sa unang tingin, mukhang suplado si Jerry pero kabaliktaran iyon kapag nakausap mo na sya. Lagi ka kasi nyang ngingitian.

"Kelan ka pa naging part ng council?" Takang tanong ko sa kanya.

"Matagal na talaga akong part ng council. Di lang talaga ako active." Kaya pala laging may bakanteng upuan sa long table.

"Oh, so that explains everything." Tumigil si Jerry sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Pagka-angat ko ng ulo, nasa tapat na pala kami ng pinto ng C-Dep (short term for Council Department). Binuksan ni Jerry yung pintuan at sinenyasan nya ko na mauna akong pumasok. Is he being gentleman?


"We need twelve students to represent our academy in..." Naputol yung sinasabi ni Director Angeles, our council director, nung makita nya kami ni Jerry. Napatingin din sa amin yung iba pang myembro ng council. Dalawang upuan na lang yung bakante sa long table. It means, para sa aming dalawa iyon ni Jerry. Umupo na ako sa pagitan ni Kit at Gabriela. Si Jerry naman, katapat ko lang. For sure, mamaya gigisahin ako sa tanong nina Kit kung bakit magkasama kaming dumating. Isa pang napansin ko ay si Prof. G. Sya ata yung pumalit kay Ms. Alzona, yung dating assistant director na nagkasakit kaya nagretiro na.

"So... what did we missed?" Nabasag ang katahimikan nung magsalita si Jerry.

"I'm really glad na umattend ka ngayon ng meeting, Mr.Smith." Tumango lang si Jerry. Lumipat yung tingin sa akin ni Dr. Angeles at nginitian nya ako, kaya naman nginitian ko rin sya. Pagkatapos ay may pinindot na button si Dr. Angeles at may lumabas na isang malaking flat screen tv at may nakalagay na ASIA'S BATTLE OF ACADEMIES.

"Ang academy natin ang magiging kinatawan ng bansa sa gaganaping Asia's Battle of Academies. Mahigit dalawampung piling mga unibersidad ang kabilang mula sa iba't-ibang bahagi ng Asya. Bawat unibersidad ay kailangan ng labindalawang kinatawan." Paliwanag sa amin ni Prof. G or should I say Assistant G. We never know what the real name of Prof. G is. Bawat profs kasi rito, nakatago ang pagkakakilanlan. Pero sigurado naman na deserving sila para maging prof ng Harvard Academy.

"How can we choose the representatives or may mga napili na ba?" Tanong ko.

"Well, that's not a problem. May napili na kaming labing-isang kinatawan. Kailangan na lang namin ng kumpirmasyon ng Academy's Director at President. Sasabihin namin sa inyo ang mga kinatawan dalawang Linggo ang makalipas." Sagot naman ni Dr. Angeles. Yung Acedemy's Director na tinutukoy ni Dr. Angeles ay si Dr. Steve Will at si Tita Valerie naman ang Academy's President.

"So what is this meeting for?" Walang ganang tanong ni Jerry at tila inaantok pa. Kaya naman sinipa ko yung paa nya sa ilalim ng mesa. Nagulat sya at mukha namang nagising sya sa ginawa ko. Tumingin sya sa akin at nag-smirk.

"We're having this meeting to inform us na tayo mismong councilors ang pipili or maghahanap ng isa pang kulang na kinatawan." Seryosong pahayag ni Kit.

"Hanggang kelan tayo maghahanap ng kinatawan?" Rachel asked. Ang madalas kong katunggali sa mga contest ng academy. Kasali rin sya sa Top 50. Isang successful businessman din ang dad nya. She's mean sa mga taong kaya nyang paglaruan, yan ang sabi ng iba. Pero hindi ko pa sya nakikita na may inaalipusta kahit na minsan.

"You have 2 weeks para makapaghanap ng karapat-dapat. Sa ikalawang Linggo ng Agosto gaganapin ang Battle of Academies. Remember this councilors... choose wisely." Sabi ni Prof. G. habang pinipindot-pindot ang kanyang ballpen.

"Good luck councilors! So much for today. See you all after two weeks." Nakangiting sabi sa amin ni Dr. Angeles. Tumayo na kami at lumabas ng quarter. Tumingin sa akin si Rachel at nginitian ako. Weird.


---------

a/n : Chapter 10, Hurray! :D

"They Don't Know About Us" by One Direction - yung song na tinula ni Jerry sa elevator.

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon