Hazel Kit's POV
Nagulat ako nung makitang may kasamang lalaki si Tiffy na naglalaro ng bowling. Pero mas nagulat ako nung nalaman ko kung sino yun. Di ko kasi sya namukhaan nung una, nakasalamin kasi. Ano kayang nangyari sa dalawang yun at mukhang okay na ulit sila?
"Yun ba yung ex ni Claire?" Taong ni Karl sa 'kin.
"Yup." Napansin kong medyo nagtataka rin si Karl. "Wag mo akong tanungin kung paano. Wala rin akong alam. Don't try to disturb them, okay?" Pagbabanta ko rito.
"Don't worry, wala naman akong gagawin. Tara kain na lang muna tayo." Habang naglalakad, hinawakan nya ko sa kamay.
"Hey! Whatchadoin?" Inalis ko yung kamay ko sa kamay nya.
"Di ba dapat yung matatatanda, inaalalayan? Hahaha! Kilig ka lang e." Kahit kelan perv talaga to. Makapag-alcohol nga mamaya.
"Mukha mo!" Inirapan ko na lang ito.
"Hahaha! Joke lang. Masyado ka kasing seryoso." Hinawakan ko yung tenga nya at hinila iyon hanggang sa mamula.
"Hahaha! Yan ang bagay sa 'yong perv ka." Pagkabitaw ko tumakbo na ako papalayo sa kanya. Di ko na pinakinggan yung mga sinabi nya.
Claire Tiffany's POV
"See that? Beat it if you can." Ngiting tagumpay kong sabi kay Adam. Napatumba ko na naman kasi lahat sa ikatlong pagkakataon. Samantalang sya, hindi tataas ng apat yung napapatumba nya. Kapag natalo nya kasi ako, sasabihin ko yung sagot ko sa tanong nyang payag ba akong maging magkaibigan ulit kami.
"Kapag napatumba ko ba lahat sa isang tira lang, papayag ka na?" Tinanggal ko muna sa mga mata nya yung suot nyang salamin bago tumango. Napangiti naman sya. Bumwelo na sya at tumira. Bago nya binitawan yung bola, tumingin muna sya sa 'kin. Nakasunod lang yung mga mata ko sa bola habang tila dahan-dahang gumugulong ito papunta sa mga target nito.
"Ulitin mo, di ko nakita." Nagkunwari akong sa ibang direksyon nakatingin. Pano ba naman kasi e napatumba nga nya lahat. Eyneke! Marunong naman pala, nagkukunwari lang.
"Huh! Kahit sampung beses ko pang ulitin." Kumuha agad sya ng isa pang bola at agad na tinira sa mga target. At sa pangalawang pagkakataon, napatumba nya ulit lahat.
"Haist! Madaya ka. Dyan ka na nga." Suot-suot ko yung salamin nya habang naglalakad papunta sa food corners.
"Uy, wait lang." Nagmamadali naman syang sumunod sa akin.
"Don't call me uy. It's kinda rude, you know." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Ooops.. Sorry! Are you hungry?" Tumango lang ako sa kanya. "Carbonara?" Tanong nya at tumango lang ako ulit bilang tugon. Umupo ako at sya ang kumuha nung foods, nag-volunteer kasi sya. Lumingon ako kina Karl at nakita kong nakatingin din sila sa akin. Nakita ko na nag-thumps up si Kit at nginitian ko lang sya. Maya-maya, dumating na si Adam dala yung foods.
"Here it goes, hungry tummy." Nakita ko na may dalawang plato ng carbonara, garlic breads at dalawang pineapple juice syang dala.
"Thank you!" Sabi ko sa kanya.
"No problem." Nakangiti nyang tugon. "Prayer?" Tanong nya at tumango naman ako. After we prayed, ofcourse kumain na kami.
"Adam.." Napahinto sya sa pagsubo nung magsalita ako. "Hmm... I think, it's cool if we become friends again." Napangiti naman sya sa narinig nya at bumuntong hininga. Sa totoo lang, namiss ko sya.
"Thank you, Claire. Ngapala, bagay sayo yung salamin ko. Ang cute mo. Hehe!" At pinisil nya yung cheek ko.
"I know right. Haha!" Bigla naman tumugtog yung kantang Ikaw at Ako by TJ Monterde. Really? Anong eksena 'to? Haist!
"Ang ganda ng song no?" Oo, maganda kung hindi lang sa gantong pagkakataon tumugtog. Haist! Why am I thinking like this ba?
"Err.." Iiling-iling kong sabi.
"Haha! Why?" Pano ba naman kasi nananadya yung lyrics.
"Wala. Di ko lang feel." Kumain na lang ako at nanahimik na lang. Si Adam naman kumain na lang din. Nagtataka lang ako, bakit kaya hindi lumalapit samin sina Kit?
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."