Claire Tiffany's POV
"San tayo pupunta?"
Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ni Jerry. Hindi ko rin alam kung paano nya napapayag yung coach nila na umalis ng maaga sa practice.
"Malapit na tayo." Nakangiti nyang sabi.
"Hindi ka naman siguro kidnapper?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Tinawanan nya lang ako at inihinto na yung sasakyan.
"We're here."
Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Pagkababa ko, pinagmasdan ko yung paligid. May iilang puno akong nakita. Pakiramdam ko nakapunta na ko dito.
"Nasaan tayo?" Takang tanong ko.
"Secret Forest. My family owns this place."
Naglakad sya at sinenyasan nya lang ako na sumunod.
"Ang ganda rito, presko at sariwa ang hangin. Hindi ko alam na may ganito palang lugar sa city." Nakangiti kong sabi.
Maya-maya huminto kami sa isang tree house. Inalalayan nya akong umakyat doon. Mula roon ay matatanaw ang kabuuan ng city.
"Ito yung lugar kung saan ko sya unang nakita."
Pagkasabi nya nun ay nilingon nya ako.
"Sya as in yung babae sa pen pal natin?"
Pen pal, really? Ano ba yan Clarry!
"Pen pal, yeah. Hahaha!"
Makatawa naman si Jerry.
"Ang ganda palang tignan ng kabuuan ng city natin. Thank you kasi dinala mo ko dito." Nakangiti kong sabi.
"Kapag naguguluhan ka na sa mga nangyayari sayo, you can always come here. Malay mo may makuha kang sagot dito." Makahulugan nyang sabi.
"Minsan talaga clueless ako sa mga sinasabi mo" Pailing-iling kong sabi.
"Tiffany, mahalaga ba sayo ang past?"
Ano kayang meron sa past nitong si Jerry at ngayon ay di pa rin sya maka-move on?
"Oo naman, nasa past kasi yung mga taong mahahalaga sa 'kin na ngayon ay wala na. Alam mo yun, kahit na hindi ko na sila kasama ngayon atleast naging parte pa rin sila ng buhay ko at may memories akong babalik-balikan sa isip ko."
Sa simpleng tanong ni Jerry nagagawa nya akong emosyonal. Hindi ko alam kung paano nya yun nagagawa. Jerry is just being jerry.
He's just being himself and it feels so good to have a company like him.
"Paano kung nakalimutan ang isang alaala ng hindi sinasadya?"
Sa tanong nyang ito parang mas gusto ko pang sagutin yung exams ni Prof.G, mas madali kasi.
"Next question please." Nginitian nya lang ako sa sagot ko.
Pagkatapos ay tumingin sya sa city.
"Mag-count down na tayo. 10... 9... 8..."
Nagtataka man ako pero naki-count down na rin ako sa kanya.
"5... 4... 3... 2... 1..."
Wow! Kung maganda ang tingin ko sa city kanina, ngayon ay dumoble ang ganda nito. Parang yung makikita mo sa New York City tuwing gabi na.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."