Claire Tiffany's POV
Napansin namin ni Kit na maraming tao sa quadrangle. Hindi ko na sana papansin kaso si Kit hinila ako papunta roon.
"Kit, what are you doing?" Parang di naman nya ko narinig.
"CT, wag ka ngang KJ!" Iba naman kasi ang KJ sa Chismosa. Dinadamay pa ako. Very bad ha, very bad.
"Haze! Claire!" Lumingon kami sa taong tumawag samin. Lumapit kami papunta sa kanya.
"Hi Pao!" Bati naming dalawa rito.
"Claire, tignan mo yun." Agad naman akong tumingin sa direksyon na tinuro ni Paolo.
"Kabooch!" Yan lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Meron kasing isang malaking poster doon na nakalagay yung edited picture ko na nakasakay sa roller coaster tapos sa tabi nun may nakasulat na..
"Wanna know who I am? If yes, get the key inside the box then keep it. If no, just ignore these stuffs." Binasa ni Kit yung nakasulat. Tapos tumingin ito sa akin at ngumiti ng nakaka-loka.
"What? I don't wanna waste my time for that thing." Aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Kit.
"Bes, wala ka man lang talagang balak alamin kung sino yung may kagagawan nyan? Maybe he's the guy on your roller coaster dream." Maybe Kit is right. Then what if not?
"Okay. Im gonna get the key. Kung sino man may pakana nito, andami nyang alam. Haist!" Naglakad na ako papunta sa box na nasa tabi ng poster. I don't believe na yung guy na may gawa nito yung nasa panaginip ko. Siguro coincidence lang talaga yung pagkaka-edit sa picture ko. Siguro mahilig lang sumakay ng roller coaster yung tao na yun. Tama. Yan na lang ang iisipin ko. Sa loob ng box may nakalagay na tatlong bagay. PINK ROSE. TICKET. KEY. Habang isa-isa kong nilalabas yung mga nakalagay sa box, nagtitilian at tila kinikilig naman yung mga tao sa paligid ko. Lumabas na raw kung sino may gawa nun. Yung ibang guy, sabi nila ang torpe, ang korni at ang baduy naman daw nung may pakana nun. Dapat daw kausapin na lang ako ng diretso kung gustong manligaw.
"Okay guys, the show is over. You may go back to your classrooms now!" Sigaw ni Kit sa mga estudyante. Tumahimik naman sila at sumunod kay Kit. Sino ba naman kasing di susunod kapag isang Hazel Kit na ang nagsalita? Kapag kelangan lang sa sitwasyon nagiging nakakatakot kami ni Kit.
"Wow! Napa-sunod mo silang lahat ng ganun-ganun lang. Like a boss talaga. Haha!" Inirapan lang ni Kit si Paolo. Pagtapos ay naglakad sila palapit sa akin.
"This is kinda weird." Sabi ko habang hawak yung tatlong bagay.
"Kahit konting kilig ba wala kang nararamdaman Bes?" Ang totoo nyan wala talaga.
"You know how much I hate surprises." Dahil kasi dun kaya wala na ngayon si mom. Mukhang na-gets naman ito ni Kit kaya di na sya nagtanong pa. Tinap na lang ako nito sa balikat.
"Let's go. Baka malate na tayo." Sabi ko. Bago kami pumunta ng room, inalis ko muna yung poster.
Somebody's POV
Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Claire. Hindi ko lang maamin sa kanya kasi kinakabahan ako. Nakaka-intimidate kasi sya. Bukod sa napakaganda at yaman nya, napaka-talino at talented din nya. Nung nakaraang taon, valedictorian sya. Minsan din ay sumasali sya sa mga contest dito sa academy at lagi syang nananalo. Gusto ko kapag niligawan ko na sya, may maipag-mamalaki na ako kahit paano. Kaya naman nagsumikap ako para makilala at nag-aral din ng maigi. Umiwas ako sa bisyo at sa iba pang mga maling gawa. I want to be the perfect guy for her. Pumasok ako ng maagang-maaga sa academy. Ingat na ingat kong nilagay yung surprises ko kay Claire. Para makasiguro, nagsuot pa ako ng maskara. Saktong pagbalik ko, andun na si Claire pero hindi pa sya lumalapit sa may box. Dahil dun, naisip ko na babaliwalain nya lang yung nakasulat sa poster at aalis na lang. Nung makita ko syang papalapit sa box, natuwa ako ng sobra. Alam ko na medyo old school na itong naisip ko pero sinubukan ko pa rin. Di ko na lang pinansin yung ilang negatibong komento ng mga tao sa paligid. Na kay Claire lang kasi ang atensyon ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon nya nung nilalabas nya isa-isa yung mga gamit sa box. Napansin ko na tinitigan nyang mabuti yung susi na may naka-ukit na roller coaster. Ang hirap talaga nyang basahin. Sana naman natuwa sya kahit paano sa ginawa ko.
"This is kinda weird." Narinig kong sabi ni Claire nung umalis na yung mga estudyante.
"Kahit konting kilig ba wala kang nararamdaman Bes?" Sana naman meron. Wag mo naman akong bustedin agad, please..
"You know how much I hate surprises." Awtsu! Busted ata agad ako. Bakit kaya ayaw nya ng surprises. Bago sila umalis, tinanggal muna ni Claire yung poster.
Damn! Wrong move pala nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."