Claire Tiffany's POV
At exactly 8:00 am, nandito na 'ko sa Harvard Academy kahit 8:30 am pa ang start ng 1st class ko. Ayoko kasing magpa-VIP at ma-late at isa pa I want to be responsible. I'm not wearing our academy uniform. We can wear anything we want every first week ng school year. I'm just wearing a not so revealing, yet not so conservative Mango dress and a 3 inches Prada Crisscross Wedge with Channel shoulder bag. I always want to keep it simple at first. Pababa na ko ng kotse nang magsalita si Manong Rap, ang halos 3 taon ko ng driver.
"Ay madam, mag-iingat ka po sa mga makakasalamuha mo. Hindi lahat mapagkakatiwalaan mo. Paalala ko lang po." Napatingin ako kay Manong Rap sa nasabi nya. He sounded weird but at the same time, a trusted friend to me.
"I'll remember that Manong Rap. Thank You!" Kamot ulo syang tumingin at ngumiti sa akin.
Habang naglalakad ako sa may hallway, dinig ko ang kunwaring bulungan ng ilan sa mga nakakasalubong ko.
"So that girl is the heiress of Harvard Company? What's her name again?" Tanong ng isang babae na tinignan ko lang sa gilid ng aking mga mata.
"Oh! I know her, Claire Tiffany Harvard." Mas okay sana kung di nila ako kilala. Haist! Nabalewala yung pagsusuot ko ng simple. Isa pa, I don't want to be an attention seeker.
"Wow! She's totes. Totally gorgeous and fab."
I looked then smiled at them. Syempre ikaw na ang mapuri in english di ba? Taray! Haha! Kumaway at ngumiti sila sakin in returned. Lipat na lang kaya ako ng school para maiba naman. Ever since kasi dito na ko nag-aaral. Super loyal ko na nga e.
"Dude, she's hot." Tss.. perv!
"Hi there pretty lady! I think I've met you before. By the way, I'm Bryan. Can I know yours?" Tss.. really? Ang bago ng moves nya ha. Transferee siguro ito.
"I'm Claire." Sabi ko at nagpatuloy na ko sa paglalakad. Wala kasi ako sa mood makipag-englisan.
"Teka, magnanakaw ka pala!"
Napahinto ako sa narinig ko at lumingon sa Ryan ata yung name? Marunong naman palang mag-tagalog e. Nakangiti sya at oo na medyo pogi sya kaso di lang naman yun ang tinitignan ko sa isang guy. Ugali dude! Magandang ugali. Nakatingin lang ako sa kanya nang nakataas ang kilay.
"Ninakaw mo kasi puso ko. Maganda ka, pogi ako bagay tayo. Can you be mine?" Sabay kindat. Shiz! Really? Kaumay!
"HA-HA-HA!' Sarkastiko kong tawa. Umirap ako at umalis na. Ayokong magsayang ng laway sa isang katulad nya.
Pagkarating ko ng room, nagulat ako sa nakita ko. Totoo pala ang himala. Tinignan ko ulit sa sched ko kung tama ba ang room na napasok ko. Maya-maya lang patakbo syang lumapit sa 'kin at niyakap ako.
"Beshy! I miss you soooo muuuuuuch!"
Kala nyo si ano no? Hoho! Kahit kelan talaga itong bestfriend kong to. Pero bilib ako sa kanya ngayon ha, 1st ever in history na mas maaga pa syang pumasok sa 'kin. Dari-rati kasi madalas syang late. Mapag-tripan na nga lang.
"Do I know you?"
Tinanggal ko yung pagkakayakap nya at umatras ng onti.Sa totoo lang namiss ko rin naman tong hyper na to. Kakabalik lang kasi nya galing Thailand.
"Sige. Panindigan mo yan ha. Makahanap na nga ng bagong bestfriend." Sabi nya at nag-pout pa. Haha! She looks like my hamster.
"Eh? Naging mag-bestfriend tayo? How and when?" Onti na lang iiyak na 'to for sure. Lalo pa syang nag-pout kaya naman di ko na kinaya.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."