Claire Tiffany's POV
11:30 pm na at gising pa ako. Ang dami ko kasing nakita ngayon na pamilyar sa 'kin. Una, si Prof.G, pangalawa, si Jerry, tapos yung pangatlo naman, yung nagbalik sa 'kin ng panyo. May something talaga, nung tignan ko yung light brown nyang mga mata. Those eyes looked like his eyes. Para bang may iba pa syang gustong sabihin. Di ko man lang din nalaman yung pangalan nya. Yung baseball cap nya naiwan nya kanina sa bench. Tumayo ako at kinuha iyon sa loob ng bag ko. Habang tinititigan ko yung cap nya, may naalala akong bigla. Binuksan ko yung laptop ko at hinalungkat yung mga album ko sa fb. Tama nga ako, kaparehong-kapareho nito yung niregalo ko kay Adam nung 1st monthsary namin. Hindi kaya si Adam nga talaga iyon. Ramdam ko na sya iyon. Pero bakit naman kaya hindi nya nagawang magpakilala. Humiga na lang akong hawak pa rin yung cap hanggang sa makatulog na.
***
Naririnig ko na naman ang tunog na iyon. Ang mabilis na pag-ikot ng roller coaster. Bakit ganto, so close but so far away. Kahit anong lapit ko sa roller coaster, hindi ko malapitan. Nakita kong may lalaking nakatayo. Nakatayo lang sya at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko pa rin makita yung mukha nya. Akala ko malapit na ko, ngunit malayo pa pala. Palayo ito ng palayo hanggang sa tuluyan ko ng hindi matanaw. Huminto na ako sa pagtakbo. Napaupo na lang ako. Biglang may tumulong likido sa aking mga mata. Wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak.
Nagising ako na para bang pagod na pagod. Ngayon lang ako nanaginip ng ganun. Dati rati naman masaya ang roller coaster dream ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan ng kaunti. Alam ko kasing may ibig sabihin iyon. Nauuhaw ako. Kaya naman agad akong kumuha ng tubig sa mini fridge na nasa loob ng kwarto ko. Tatlong baso ng tubig ang nainom ko. Pagkatingin ko sa orasan, 6:30 am pa lang. Napa-ngiti na lang ako dahil mas naunahan ko pa ang alarm clock ko. 9 am pa naman kasi ang pasok ko. Nagugutom ako. Kaya naman bumaba na ako upang mag-almusal.
***
Nakikinig ako ng music habang nasa byahe kami. Traffic kasi kaya medyo matatagalan pa bago ako makarating ng school. Okay lang naman sa 'kin maaga-aga pa naman.
"Oh my God, look at that face you looks like my next mistake.. Grab your passport in my hand..." Kumakanta ako ng biglang tumawag si Kit. Ehem! Don't worry, maganda boses ko.
"Hello." Bungad ko rito.
"Hey Bes! Nasa school ka na ba?"
"Byahe pa lang. Why?"
"E kasi, sasabay sana ako. Yung car ko kasi na-flat."
"Diet-diet din kasi."
"Che! Ikaw nga dapat mag-diet dyan. Hiya-hiya rin Bes."
"Haha! Why should I? Anyways, san ka na ba?"
"Andito sa may Sunset Boulivard."
"Okay, nakita na kita. Sige, ciao!" At inend call ko na. Sakto kasing andito rin kami then nakita ko agad yung car niya sa tabi.
"Manong Rap, paki-hinto lang po sandali dun sa tabi ng red car. Sasabay satin si Kit. Nasiraan kasi yung car nila."
"Sige po, madam." At agad na inihinto ni Manong Rap sa tabi nung kotse ni Kit. "Madam, wag na po kayong bumaba ako na po ang pupunta sa bestfriend nyo." I just nodded.
***
Traffic pa rin. Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng kotse. Just kidding! Siguro kung dalawa lang kami dito sa loob ni Manong Rap, posible pang mangyari yun. BUT THAT'S IMPOSSIBLE. Remember? Kasama rin namin sa loob ang isang super duper hyper na nilalang. Sino pa ba, e di si Kit! Si Kit na kanina pa salita nang salita. Ting! I have an idea. Pababain ko na lang kaya sya? Haha! As if namang magagawa ko sa kanya yun no! Nakikinig naman ako sa mga sinasabi nya pero di ko talaga kayang pantayan yung level ng pagka-hyper nya. Hayy.. Can somebody help me?
"Hello? Earth to CT." Di ako umimik. "I knew it, you're not even listening to me! Manong Rap, pakihinto na po ang sasakyan. I'm gonna ride a taxi na lang."
Lumingon ako sa kanya at pinipigilang tumawa. Hindi naman sya pinansin ni Manong Rap dahil sanay na ito sa mga ganitong eksena nito. Kita ko sa mukha ni Manong Rap na pinipigilan din nitong tumawa kaya napailing-iling na lang ito.
"My gosh! Super saya naman dito. Lalo na't yung mga kasama ko e puro mga naka-silent mode." Sarkastiko nitong sabi. Di ko pa rin sya pinansin.
5 minutes na ang lumipas di pa rin nagsasalita si Kit. Nabo-bored tuloy ako.
"Uy Kit!" Kinalabit ko ito. "Kiiit.." Kinalabit ko ulit ito. Ngayon, sya naman ang di puma-pansin sa 'kin. "Bes, I've got a news for you. Paolo has a girlfriend." Nakita ko na namilog yung mga mata nya. Ang sarap picturan. Haha! Well, what I've said was just a little white lie.
"Really? As if naman na may pumatol dun." Naka-kunot noong sabi nito. Ang hard ni Bes. Wawa naman yung tipaklong.
"Do you want to meet the girl?" Please say yes.
"What for? Stop your little white lie, Bes. Baka mamaya mag-effort ka pang maghanap ng fake girlfriend nung retarded na yun." This girl really knows me. Di ako pedeng artista. Azar!
"Oo na. Asar ka! Di man lang sumakay." At ang loka, tinawanan lang ako.
"Bes, may nangyari ba kahapon na di ko alam. I can sense it." Sasabihin ko ba? Sige na nga bestfriend ko naman sya.
"I think I saw Adam yesterday." Di ko alam if anong tono ng boses ko nung sinabi ko yun.
"Tell me the whole story." She looked at me seriously.
"Okay. Nung naglalakad kasi ako sa may hallway ramdam kong may sumusunod sakin. Kaya naman, I sat on a bench to observe. Then I was right, meron nga. May lumapit na guy sakin na nakasuot ng baseball cap. Umupo sya sa tabi ko at inabot sa kin yung panyo ko na naiwan ko ata sa room. When he removed his cap, I saw his eyes. And it looked really familiar. Di sya masyadong nagtagal umalis din sya. Naiwan nya yung cap nya sa bench. Wait.." Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung baseball cap.
"Is that the cap?" Sabi nya habang tinuturo ang cap na hawak ko. "Well, obvious naman. Okay, continue your story."
"May nahanap akong picture namin ni Adam. Katulad na katulad ng cap na ito yung regalo ko kay Adam nung 1st monthsary namin. There's one question running on my mind.. Bakit kaya hindi nya nagawang magpakilala?" Napansin ko na parang may hinahanap si Kit sa phone nya habang nakikinig sa 'kin.
"Look. Is this the guy you've met yesterday?" Kinuha ko yung phone nya at tinitigan ng maigi yung picture. Tumingin ako kay Bes at nginitian sya.
"Such a nerd!" Ang talino talaga ni Bes mana sa 'kin. Hihi! Nakita ko na Adam Ford yung nakalagay na name nung guy. Well, san pa ba.. e di sa facebook!
"Small thing. Haha! So what is your plan?" Sinabi nya yan nang nakataas pa ang isang kilay.
"I really don't know. Maybe, hahayaan ko na lang muna sya. If magpakilala sya, okay. Or pede rin namang mag-pretend ako na di ko pa rin sya kilala. Kakausapin ko sya na parang normal lang." Tingin ko hindi payag si Bes.
"Don't play games, Bes baka sa huli kasi pagsisihan mo yan." She looked at me with a warning look.
"I know right. I'll make sure before that happens, my bulletproof is on." Di ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan. Andito na pala kami sa school.
"You're out of your mind Tiffy." Napabuntong hininga na lang ako bago kami bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."