Claire Tiffany's POV
"What time is it?" Tanong ko habang nakahigang naghihikab.
"8:30 am, Madam Claring. Tanghali na po at bumangon ka na." What the? >.< For sure, pinakielaman na naman nina Kit at Paolo yung settings ng orasan ko. Kagabi kasi, sila nung tipaklong na yun ang naghatid sa 'kin pauwi. Paano nangyari? Ganito kasi yun...
~(FLASHBACK)~
"This is the best party ever!" Sumasayaw-sayaw pa na sabi ni Sam, habang tumutugtog pa rin yung banda ni Jerry.
"Paano mo pala napapunta dito yung band ni Jerry?" Pati ako gusto ko ring malaman yung tanong ni Kit kay Gab. Ang alam ko kasi hindi naman sila close ni Jerry.
"Well, the band's drummer is my cousin pero hindi ko rin alam na si Jerry pala yung bokalista nila. Sayang nga at sa ibang academy nag-aaral yung cousin ko. Mamaya pakilala ko kayo sa pinsan ko. " Tumango lang sina Kit kay Gab at ako naman ay nag-okay gamit ang bibig ko pero walang sound.
Maya-maya naman ay biglang may tumawag sa phone ni Kit.
"Hello! Bakit ka napatawag? I'm with Tiffy. We're here at Gab's par..." Naputol yung sinasabi ni Kit sa kausap nya dahil bigla na lang akong natumba.
"Paolo, si Tiffy hinimatay! Sunduin mo na kami ngayon dito sa may Villa Cathana." Yan yung narinig kong sinabi ni Kit sa kausap nya bago ako tuluyang mawalan ng malay.
~( End of Flashback)~
Kagabi kasi nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo. Baka naman kasi nakainom nga ako ng alak ng hindi ko napapansin. Pero ang alam ko, hindi naman naglalagay ng alak na inumin sa party ni Gab. Siguro, migraine lang yun. Kinuha ko sa may cabinet yung vitamin na nirekomenda sa 'kin nung doctor ko bago ako bumaba papuntang kitchen. Habang papalapit ako ng kitchen, may naririnig akong ingay. Dahan-dahan lang ako naglakad papalapit doon. Oh-My-Gosh! O.O
"Bang, bang into the room, I know you want it. Bang bang all over you... I'll let you have it. Wait a minute let me take you there... Wait a minute 'till ya ah..."Nakatitig lang ako kay Yaya Niks, habang naghe-headbang at enjoy na enjoy nitong sinasabayan yung kanta ng paborito nyang singer na si Nicki Minaj. Dahil sa labis nyang pagiging fan ni Nicki, pati ang hairdo nitong kulay pink ay ginaya na nya ngayon. Napatigil naman sya bigla nung umikot yung ulo nya sa direksyon ko. Umayos ito ng tayo bago nagsalita. "Good Mornin', madamme!" Pakurap-kurap pa nitong bati sa akin using Nicki's accent. Medyo kinikilabutan akong nginitian sya pati kasi yung mahahabang pilik-mata ay ginaya nya rin pala.
"Hehe! Morning! Tuloy mo lang, ya, nevermind me." Nginitian nya lang ako ng labas ang gilagid at...
"Yo, I said, Bang, bang, bang, bang, bang, bang..." -.- At tinuloy nya nga yung pagkanta nya habang nagluluto. Umupo na lang ako sa isang upuan sa may mini table dito sa kitchen. "Madamme, yo feelin' good now?" Tanong sa 'kin ni Yaya Niks nung natapos na yung tugtog. Thanks God! Tumango lang ako sa kanya nang nakangiti bilang tugon. Mula rito sa aking inuupuan ay naaamoy ko yung niluluto ni Yaya Niks.
"Yaya, pancake?" Ang bango! Hihi! Nakakagutom, sana may luto na.
"Yez, madamme! I'm cookin' yo favorite." Pagkasabi nun ay pinatay na nya yung stove at yun na yung hudyat na luto na yung p-cakes ko. (^-^)
"Ya, dalii... Hihi! Akin na yung pancakes ko." Parang bata kong sabi sa kanya.
"Ito na po, madamme. Enjoy!" Nilapag na ni Yaya Niks yung mga niluto nyang pancake at yung tinimpla nyang fresh apple juice. Patong ng isang pancake, patong ulit ng isa pa, isa pang patong, pahid ng butter, lagay ng honey, tusok ng tininidor at...
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."