Paolo's POV
Buti na lang at kaklase ko si Haze sa Psychology 101. Ewan, trip ko kasi syang sundan ngayon at isa pa, kukulitin ko pa sya tungkol dun sa boyfriend nya. Tss... Di ba nga poprotektahan ko silang dalawa ni Kit. Kaya naman kelangan kong makasiguro kung matino ba yung boyfriend nya na yun.
Nung malapit na rin akong makapasok ng room, tinawag ako ni Coach Rex. Kinausap nya kami ni Jerry. Tungkol san pa nga ba? Edi sa basketball! Natapos na lang yung usapan namin nung dumating na si Prof.G. Nag-usap pa sina coach at prof, di ko na lang pinakinggan, pumasok na ko ng room e. Hinanap agad ng mga mata ko si Haze.
Hindi ko alam kung bakit nya ko inirapan nung napatingin sya sa akin kahit na nginitian ko naman sya. Manang-mana talaga sya kay Claring, ganyang-ganyan din yan, ang bilis mag-mood swing. Buti na lang talaga at immune na ko sa kanila, lalo na kay Haze.
Ayun, buti na lang at may bakanteng upuan pa na malapit kay Haze. Katabi ko si Jerry, tapos sa harapan ko naman si Haze. Ilang beses kong kinalabit sa braso si Haze, pero dine-deadma nya lang ako, dine-deadma nya lang ka-gwapuhan ko. Ang sakit dre!
***
Claire Tiffany's POV
"We cannot directly observe the consciousness of another person. Conciousness is the sensory awareness of the environment."
Nagsimula nang mag-dicuss si Prof.G tungkol sa Conciousness. Yan yung topic namin sa kanya today.
"The word conscious also refers to the waking state as opposed, for example, to sleep. Most of us have had the experience of going without sleep for a night and feeling wrecked or out of it the following day..."
"Tiffany... Tiffy... Tiff..."
Istorbo naman! Ano na naman kayang kelangan ni Jerry ngayon? Sinisipa nya rin kasi ng mahina yung upuan ko. Pumunit ako ng kapirasong papel at sinulatan iyon ng...
Why? – T.
Tinupi ko iyon at pinasa patalikod kay Jerry. Buti naman at kinuha nya agad yun.
Inaantok ako. Zzzz... - J.
Yan yung nabasa ko pagbalik sa 'kin nung papel. Hindi porket may kinalaman sa pagtulog yung topic namin ngayon ay pwede nang matulog itong singkit na 'to.
So? – T.
Mabilis kong itinupi iyon at pinasa ulit patalikod sa kanya.
Tipid mo namang sumagot. Kausapin mo na lang ako through this paper para hindi na ko antukin, please? Naka-pout ako nyan habang sinusulat. :) Tanungan tayo, ako na una. Anong ginawa for the past 8 years? – J.
Grabe naman tanong nya. Past 8 years talaga? Pero wait lang, ano na nga ba yung mga pinag-gagawa ko sa walong taong nakalipas. Hmm...
Marami! :)
Ayy, ang ikli naman ng sagot ko. Dagdagan ko na nga.
Well, for the past 8 years, nagkaroon na ko ng 1st love, malapit ko na ring matapos yung pag-aaral ko sa NYC about business. Isang bakasyon na lang kumpleto na. Then, nagkaroon na rin ako ng mga trusted friends. Alam mo naman, mahirap magkaroon ng tunay at totoong mga kaibigan lalo na sa reputasyon natin. Yung iba kasi di ba, nag-gagamitan lang para mas lalong lumago yung mga negosyo nila. Malapit na rin palang matapos yung charity na pinapatayo ko. It's my turn, bakit mo gusto yung Rose Garden?" – T.
Yan ang haba na ng sagot ko.
Gusto kasi yun ng kaibigan ko kaya naman nagustuhan ko na rin. I miss her so much! Sana bumalik na sya. Kaso mukhang imposible ng mangyari yun. Tingin ko kasi tuluyan na akong nabura sa ala-ala nya. Di bale, gagawa na lang ako ng mga bagong ala-ala kasama sya. Ikaw, bakit mo gusto ang Rose Garden?" – J.
Bago at mas malaking papel na yung nakarating sa 'kin. Napuno na kasi yung kapirasong papel ko dahil sa haba ng sagot ko kanina.
Bukod sa tahimik at payapa sa pakiramdam yung RoGar, para kasing may something yung lugar na 'yon. Nakakaramdam ako ng déjà vu tuwing naroon ako. Tuwing naroon ako, feeling ko bumubuo ako ng isang mahirap na puzzle. Sino yung tinutukoy mo kanina, gf mo? – T.
Pagkapasa ko nun, may narinig akong sinabi si Prof.G na naka-agaw ng atensyon ko. Btw, nakikinig pa rin naman ako kay prof kahit na nagpe-pen pal kami nung singkit. I swear nakikinig pa rin talaga ako.
"In the Disney film Cinderella, a song lyric goes, A dream is a wish your heart makes. You can dream in black and white or in full color."
Biglang nag-flashed sa utak ko si Mr.R-Coaster guy. Kelan kaya sya magiging malinaw sa Roller Coaster Dream ko? A dream is a wish your heart makes. Totoo kaya?
"Yes, Ms.Harvard?"
Oops! Hindi ko namalayang nakataas na pala ang isang kamay ko. Napalunok muna ako bago tumayo at magsalita.
"What if a person always dreams repeatedly?"
Minsan talaga kahit alam mo na ang sagot itatanong at itatanong mo pa rin. Why? Para magkaroon ng mas malinaw na sagot.
"Good question. Well, most dreams involve memories of the day gone by or, poetically, the residue of the day, the amount of something that remains after a process has been completed or a thing has been removed and taken."
Seryosong tumingin sa akin si Prof.G nung banggitin nya yung ilan sa mga huling salita na sinabi nya (yung naka-italic po). Ibig sabihin pala, may possibility na matagal ko nang nakita si Mr.R-Coaster. Nasa memories ko lang sya, hindi ko lang maalala.
Maaari rin namang nakasalubong ko na sya, di ko lang matandaan. Pagkaupo ko, nakita kong may nakaipit na kapirasong papel sa panyo ko.
You're a wish that my heart makes. Thanks for keeping me awake. – J.
What does it mean?
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."