CHAPTER 21

9 1 0
                                    



Claire Tiffany's POV

"Here he is the one and only, Mr. Enrico Tan Harvard Jr., together with his lovely daughter, Claire Tiffany." 

Dinig ko ang palakpakan ng bawat taong andito ngayon sa aming garden pagkatapos kami iintroduce ni TIta Valerie? Tinignan ko ito ng maigi upang makasiguro. Tama ako si Tita Valerie nga!

Para saan kaya itong party na ito. Pag-welcome kay dad? Pero masyado naman atang oa. Bahala na, malalaman ko rin naman mamaya.

Ngayon ko lang nakita na ganito karaming tao sa garden. Karamihan ng nandito ay nakikita ko lang kapag bumibisita ako minsan sa office ni dad. Yung iba naman business partners ng kompanya. Mukhang alam ko na kung para saan ito.

Sinenyasan naman ni Tita Val na umakyat si dad sa stage. Kusang tumabi yung mga tao para bigyang daan si dad at syempre ako. Habang dumadaan kami, nagsisitanguan sila bilang pag-galang.

"Pst. Tiffy here!" 

Sinundan ng mata ko kung sino yung tumawag sa akin. Si Kit, sino pa nga ba. Sya lang naman tumatawag sakin nun.

Tumingin ako kay dad at mukhang alam na nya kung bakit. Nag-nod lang sya at lumapit na ko sa kinaroroonan ni Kit. Hindi naman kasi kailangan pati ako umakyat ng stage. Isa pa, moment yan ni dad.

"Kit, what are you doing here?" Tanong ko agad sa kanya.

"Di ko lang alam. Basta sabi nina mom." Kibit-balikat na sagot nya.

"Ahh." Sabi ko na lang at tumingin na ko sa harapan.

"Alam kong nagtataka kayo kung para saan ang party na ito. Hindi ko na kayo pag-iisipin pa. Para ito sa selebrasyon ng ika-isandaang taon ng pamamalagi at pagiging matatag ng ating kompanya." 

Saglit na tumigil si Tita Val sa pagsasalita para pakinggan ang palakpakan.

"At ngayon, kasama ko rito sa harapan ang nag-iisang tagapamuno ng isa sa tatlong pinakamalalaking kumpanya sa buong Asya, ang Harvard Legacy. Please all welcome, Mr. Enrico Tan Harvard Jr." 

Nagtayuan ang lahat at pumalakpak.

Nakabibingi ang katahimikan dahil lahat ay nag-aabang kung ano ang sasabihin ni dad. Hindi ko kinakitaan si dad ng pagka-sorpresa, siguro ay inaasahan na nyang gagawin ito ni Tita Val. Napakahilig kasi ni tita sa mga party lalo na kung sya ang magpa-plano.

"Magandang gabi! Salamat sa napakainit na pagtanggap. Actually, kung hindi lang ganito kaimportante, ipatitigil ko na ang party." Pagbibiro ni dad.

Nanlaki naman yung mga mata ni Tita Val sa  narinig. Natawa si dad ng mahina.

"Biro lang. Ang gabing ito ay..." Pagpapatuloy ni dad.

"Hello to you!" 

Sabi nung lalaki sa gilid ko. Sino ba ito at ang ingay? Di nya ba naririnig na si dad yung nagsasalita. Hindi ko na lang ito pinansin.

Akala ko ay titigilan na ako nito, pero akala ko lang pala yun. Pinisil nya ng mahina yung pisngi ko.

"Can't you see that my dad is..." 

Hindi ko na naituloy yung pagtataray ko sana nung malaman kung sino yung istorbo. Nginitian pa ako nito. Napa-iling na lang ako.

"Buti andito ka." Bulong nya sakin.

"Malamang bahay ko to." Pilosopo kong sabi.

"Ha-ha!" Sarkastiko nyang tawa.

"Ssh.. tahimik! Mamaya na tayo mag-usap." 

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon