CHAPTER 20

5 0 0
                                    


 Claire Tiffany's POV

Wala akong pasok ngayong araw pero maaga akong nagising. Naisipan kong pumasok sa isang kwarto dito sa mansyon. Maraming mga bagay ang naka-imbak dito. 

Dinampot ko yung isang manika at pinagpagan ito. Naaalala ko pa, ito yung paborito kong manika noon. Hindi ko lang alam kung bakit. 

Magulo ba? Wala kang magagawa.

Naglakad ako palapit sa isang cabinet. Binuksan ko ito at nakita ang isang photo album. Pagkakuha ko nun, lumabas na ako ng silid.

"Ya, pakilabhan po itong manika." 

Utos ko sa isang kasambahay na nakita ko. Lara ata yung pangalan nya. Kinuha nya ito agad sa akin at tumango nang nakangiti.

"Good day, madame! Ano po yang hawak nyo?" Sabi ni Yaya Niks.

"Photo album, nakita ko lang kanina sa isang kwarto." Sagot ko.

"Nakita mo na ba yung nasa loob nyan, madame?" Umiling lang ako sa kanya.

"Ya, okay na ba yung breakfast ko?" Nakangiting tanong ko.

"Oh yes, madame. Tara na sa kitchen." 

Sinundan ko naman si Yaya Niks sa kitchen. Tulad ng dati, umupo na ako sa mini table.

Ipinatong ko muna yung album sa table. Mamaya ko na lang titignan yung mga litrato.

"Yaya Niks, wag nyo po akong tawaging madamme simula ngayon. I'm not comfortable with it anymore. Claire na lang po." 

Nagtatakang tinignan ako ni Yaya Niks.

"Kung iyan po ang gusto mo, Claire."

Kumain lang ako ng mabilis at nagpunta na sa garden bitbit yung photo album.

Sinundan ng daliri ko yung H na nakalagay sa cover nung album, bago ito binuklat. 

Yung unang mga litrato ay ibat'ibang litrato ng isang sanggol habang ito ay natutulog, gumagapang at nakangiting hawak yung manika na natagpuan ko kanina. 

Ako ito hindi ako maaaring magkamali.

Ang pinakahuling litrato ay hawak ako ng isang babaeng mahaba ang buhok, maputi at maganda. Nakangiti ito habang karga-karga ako. Si mama, namimiss ko na sya.

 Naramdaman ko na lang na may likidong tumulo sa larawan. Huminga ako ng malalim at tumayo na.

Nag-ayos ako saglit at ipinatawag si Sebastian.

"Ano po ang maipaglilingkod ko?" Pormal na tanong ni Sebastian sa akin.

Gusto ko sanang sabihin na itigil na nya yung pagiging masyadong pormal dahil parang naiirita na ko.

"Pupunta ako sa Psychiatrist ko ngayon, Sebastian." 

Pansin ko na gusto nyang itanong kung bakit.

"Sige po, ihahanda ko na po ang sasakyan." 

Nag-bow ito bago umalis.

"Wait, simula ngayon gusto kong itigil nyo na ang pagkilos ng masyadong pormal sa harap ko. Claire na lang ang itawag nyo sa akin. Wag nyo na rin lagyan ng po kapag kausap nyo ako. Pakisabi na rin yan sa iba. Yun lang po." 

Pansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Sebastian nung marinig ang sinabi ko.

"Masusunod, Claire." Nakangiti nyang sabi sa akin.

Nakaupo ako habang hinihintay si Dr. Howard. Maya-maya ay bumukas na ang pinto. Huminga ako ng malalim. Nagtatakang pumasok si Dr. Howard sa loob.

"Claire, ikaw pala. Next week pa ang schedule mo dito. May nararamdaman ka na naman bang hindi maganda?"

"May gusto lang po akong itanong." 

Umupo muna sya bago nagsalita muli.

"Ano iyon, hija?" 

Bago pa man ako makapagsalita ay may kumatok sa pinto.

"Dok, dumating na po si Mr. Harvard." Sabi nung nurse na lalaki.

Mr. Harvard? Si dad. Ano kayang ginagawa nya dito? Bakit hindi nya ako tinawagan na nakauwi na pala sya? 

Hindi ko na napakinggan yung sinabi ni Dr. Howard dun sa nurse dahil sa dami ng katanungang nasa isip ko.

"My princess." 

Natigil yung pag-iisip ko nung marinig ko yung boses ni dad. Napatayo agad ako at mahigpit syang niyakap.

"Pasensya na kung hindi ko ipinaalam na nakabalik na ako. Gusto sana kitang sorpresahin."

Patuloy ni dad habang nakayakap ako sa kanya.

Hinalikan ako ni dad sa noo. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at sumimangot ng kaonti.

"Ang daya mo dad. Di mo na ko love." Pagda-drama ko. Napangiti naman si dad.

"Oh my princess, I miss you so much!"

"Ehem!" 

Sabay kaming napalingon ni dad kay Dr. Howard. 

"Ayoko sanang umeksena sa reunion nyo pero may mga pasyenteng pang naghihintay sa akin. By the way, welcome back, amigo." 

Napangiti na lang ako sa mga nangyayari ngayon.

"Sibat na kami, amigo." 

Si dad ba talaga ito?

"'Til next time, amigo." Sagot naman ni Dr. Howard. 

Magkabarkada nga pala si dad at si dok simula pa nung highschool kaya ganito sila mag-usap.

"Dad, sorry nasira ko yung surprise mo sa'kin dapat." 

Nasa loob na kami ngayon ng limo pauwi.

"Sus, ok lang yun." 

Hinawakan ni dad yung ulo ko at ginulo-gulo yung buhok ko.

"Dad, not my hair, please." 

 Pagmamaktol ko. Natawa si dad sa reaksyon ko.

"Ang prinsesa ko, hindi pa rin nagbabago. Wala ka pa naman sigurong nobyo, di ba?" 

Napalunok ako sa tanong ni dad.

"Wala dad. Hehe!" T

otoo naman yung sagot ko pero ewan kung bakit naa-awkwardan ako.

Napakatahimik nung tumigil na yung limo sa tapat mismo ng mansyon. Si Yaya Niks lang ang sumalubong sa amin. 

Nasaan na kaya yung iba?

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon