CHAPTER 18

7 0 0
                                    


Claire Tiffany's POV

Tama ba yung nakikita kong papasok ng gym, si Paolo? So, ito pala yung practice na sinasabi nya samin ni Kit kaya minsan hindi sya nakakasama samin.

"Hi Claire!" 

Bati sa 'kin nung guy na di ko kilala. 

"I'm Bryan, remember me?" 

Isip, isip... Yeah, tanda ko na sya. Sya yung super lakas ng loob na guy na lumapit sa 'kin nung 1st day at nagsabi ng bagong pick-up line.

"Mr.Thief." 

Sagot ko sa kanya nang nakangiti ng bahagya.

"Sorry about the first day. Hindi ko nga alam kung san ko nakuha yung lakas ng loob ko that time." Nakangiti nitong sabi habang nakahawak sa batok.

"Okay lang, wala na yun." At nginitian ko sya.

"Friends?" 

Hindi pa rin naaalis yung ngiti nya sa mukha.

"Hindi kasi ako basta-basta nakikipagkaibigan." 

Nagsasabi lang ako ng totoo. Lagi kasing paalala sa 'kin ni dad na wag akong magtitiwala agad sa isang tao. Pansin ko namang medyo nagbago yung ekspresyon ng mukha nya, pero nakangiti pa rin.

"I understand. Pero kung sakaling magbago isip mo, andito lang ako. Wag kang mag-alala, you can trust me." 

Kita ko yung sinseridad nya habang nagsasalita.

"Practice muna ako. Bye, sweetie!" 

Tinanguan ko lang sya ng nakangiti.

"Claring!" 

Agad akong lumingon dun sa tipaklong na tumawag sa 'kin. Nung makalapit na sya, hinawakan ko yung tenga nya at hinila iyon. 

"Aray naman, Claring. Tama na po." Pagmamakaawa sa 'kin ni Paolo tipaklong. 

Ilang segundo pa ay binitawan ko na iyon.

"Next time na marinig ko ulit yung name na yun, swear, I'm gonna cut your tounge!" Inis kong sabi sa kanya.

"Hahaha! Cute naman nung Clar..." 

Hindi na nya tinuloy yung sasabihin nya dahil sinamaan ko agad sya ng tingin. 

"Relax, joke lang. Hehe!"

"Who are you with?" 

Sabay tingin ko dun sa girl na kasama nyang papasok kanina at ngayon ay kausap si Bryan. 

"Girlfriend mo?"

"Hindi, kaibigan ko lang." Diretsong sagot nya.

"Kaibigan lang? E, kung makakapit sayo kanina parang tuko." Tinawanan nya ko.

"Selos ka?" Naka-smirk nyang sabi.

"Selos your face!" At inirapan ko sya. 

"Tell me what's going on." Kalmado kong sabi.

"Okay, just please don't tell Haze about this." I nodded. 

"Sya si Amanda, fake girlfriend ko. Paano nangyari yun? Dahil yun kay Bryan, yung lalaking kausap nya ngayon. Mag-bestfriend sila. Gusto nyang pagselosin si Bryan, baka raw kasi dahil dun ay umamin na ito sa kanya. Mahal ni Amanda si Bryan at tingin ko ganun din si Bryan kay Amanda, kaso mukhang hindi nya pa ito alam ngayon.

"So, bakit ka pumayag sa gusto ni Amanda?"

Knowing him, alam kong hindi sya papasok sa isang bagay lalo na kung ganito.

"May gusto rin kasi akong malaman." 

Bago pa man ako makapagtanong, inunahan na nya agad ako. 

"Kung ano yun? Sikreto na lang muna."

"Okay, I respect your decision. Anyway, thanks for trusting me."

Nakangiti kong sabi sa kanya. 

"Wait, anong surname ni Amanda?" May naalala kasi ako bigla.

"Amanda... Chuck. Bakit?" Sa dinami-daming Amanda, sya pa talaga. Small world.

"Nothing." Sabay hawak ko sa baba ko. Si Paolo naman, napakamot na lang sya sa ulo.

"Bakit ka nga pala, andito?" Tanong nya.

"Hmm... Pumunta ka na dun, may practice pa kayo di ba." 

Hindi ko sinagot yung tanong nya.

"Oo nga pala. Sige ha." At umalis na ito.

***

After 30 minutes...

Lumabas muna ako ng gym at pinuntahan yung bending machine na una kong nakita. Nauuhaw na kasi ako. Bumili rin ako ng energy drink para kay Jerry at Paolo. 

Why? 

Ofcourse, concern ako sa mga kaibigan ko.

Nasaan ka? –Jerry 

Yan yung text na natanggap ko. Kanino nya kaya nakuha number ko?

Bending machine tapat ng room 211. 

Reply ko sa kanya.

Stay right there. 

Reply nya. Don't tell me pupuntahan nya ko? Bago pa man ako makag-reply, nasa tapat ko na sya at hingal na hingal. How did he do that? Baka naman hindi tao itong si Jerry. Nasa kabilang dulo kasi yung gym.

"Iniwan mo na naman ako." Malungkot nyang sabi. 

Ayan na naman yung hugot nya, OA ha.

"What? Bumili lang ako ng juice kasi po nauuhaw na ako. Ito nga at binilihan din kita." 

Pagkasabi ko nun, inabot ko sa kanya yung isang Gatorade na binili ko. Tinignan nya lang ito. 

"Ayaw mo?" Pagkasabi ko nun, kinuha nya ito kaagad.

"S-salamat."

Binuksan na nya ito at ininom na. Wow! Halos maubos na yung laman ng bote. Ganun pala sya kauhaw. 

"Akin pa rin ba yan?" 

Turo nya sa isa pang Gatorade na hawak ko. Tuluyan na kasing naubos yung binigay ko sa kanya kanina.

"No. I-its for Paolo." 

Bakit ba nauutal na naman ako?

"Ahh... Para sa boyfriend mo?"

Muntik na talaga akong mapanganga dahil sa narinig ko. Buti na lang at napigilan ko.

"He's not my boyfriend. Ayokong awayin ni Kit no..."

May tawa pang kasama yang sinabi ko. Nakita ko naman na napangiti sya.

"Akin na lang yan. Meron na sya nyan e, bigay ni Amanda." 

Binigay ko na lang din sa kanya yung Gatorade na hawak ko. 

"Thanks!" 

Nginitian nya muna ako ng labas dimples at walang mata bago nya iyon binuksan. And for the 2nd time, halos maubos na naman ang laman nung bote. Ganito pala sya kapag uhaw na uhaw. 

Napangiti na lang ako.


Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon