Claire Tiffany's POV
Kinuso-kusot ko muna yung mga mata ko bago tumayo.
"What time is it?" Nag-uunat kong tanong.
"5pm, Madam Claire." Sagot naman nung high-tech kong orasan. Feeling ko may dapat akong puntahan ngayon. Pero di ko naman maalala kung saan.
*Ooh, sugar pie, honey bunch.. You know that I love you.. I cant help myself..*
Bigla naman tumunog yung ringtone ng phone ko. Si Kit pala yung tumatawag.
"Yes?" Mahinahong tanong ko sa kanya.
"Bes!" Ang sakit sa tenga. Hala sya, hyper na naman. Nagising ata yung diwa ko dahil sa ginawa nya. Nilapag ko na lang yung phone ko at ni-loud speaker. "Kakagising mo lang ba?" Tanong nito gamit ang hyper-tone voice nya.
"Yup. Why?" Humiga ulit ako sa kama at niyakap yung big bear na bigay ni dad. Miss ko na si dad.
"Humiga ka na naman siguro. Bes! Tayo na, may party pa tayong pupuntahan. Tiffy? Hello? Bes!" Ang ingay nya, ang ingay nya, ang ingay nya. Haist! Oh, the party, muntik ko ng malimutan.
"Hazel Kiiiiittt... Oo na tatayo na ko, okay? Wag ka ng maingay!" Kunot noo kong sabi sa kanya. Ayan tuloy, pati ako nagagaya na sa kanya. Ang ingay ko na rin. May narinig naman akong kumakatok sa pinto.
"Madam? Ayos ka lang po ba?" Si Yaya Ming lang pala. Akala siguro nya may kaaway ako. Si Kit kasi e.
"Nothing, ya! Kausap ko lang po si Kit sa phone." Mukhang na-gets naman nya yung sinabi ko. Alam naman kasi nya kung gaano ka-hyper itong si Kit.
"Sige po, madam. Sorry po sa istorbo." Pasaway talaga si Kit. Pati si Yaya Ming, nadamay pa.
"Hahahaha!" Narinig ko naman na tumatawa si Kit. Narinig nya siguro kami ni Yaya Ming.
"Hay nako, natuwa ang baliw. End call ko na, mag-aayos pa ko." Bago ko inend call, narinig ko yung pag-yehey ni Kit.
***
"Look, here they are!" Narinig kong sabi ni Karl. 7:30 kasi kami nakarating ng party ni Gab. We're not late, masyado lang silang maaga. "Hi georgeous ladies!" Hinug kami nito ni Kit at kinindatan.
"Ang baho mo." At tinulak ko sya ng mahina papalayo. Si Kit naman, hinila yung tenga nya.
"Kala ko di na kayo pupunta." Nagtatampo ang tonong boses na sabi ni Gab. Lumapit na rin sa amin sina Vanessa, Leo, Karl, Max at si...
"Sammy!" Niyakap ko agad ito. Si Sam yung isa pang tropa namin na nangibang bansa. Like Kit, hyper din ito. Kahit na mataba sya, hindi nawawala ang confidence nya. Kaya hanga ako sa kanya. Namiss ko talaga sya, promise.
"Clarry!" Niyakap din ako nito ng mahigpit.
"I miss you so much! Are you back for good na ba?" Tapos ay pinisil-pisil ko yung ckeeks nya. "Balik ka na sa academy, please." Naka-pout kong sabi sa kanya.
"I miss you too, baby girl! Don't worry, pumayag si mommy na sa H-Acad ako mag-aral. Hihi!" Masaya nitong balita sa akin.
"Well, that's a good news." Sabi naman ni Kit. Muntik na namin makalimutan, may mga kasama pa pala kami. Hehe! Sarre!
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."