Hazel Kit's POV
Wala naman talaga akong dadaanan bago pumasok ng room. Gusto ko lang talagang magkapag-solo yung dalawa. Hihihi! Wait, si Paolo ba yung may kasamang girl?
Lumapit ako sa kanila at nagtago sa gilid ng malaking trashcan na may nakalagay na Biodegrable, Non-biodegrable at Recyclable, bawat basura kasi may category na kinabibilangan. Yung girl kaya na kasama nya saang category bagay? Haha-hard! Chos lang! Sigurado akong hindi nila ako makikita sa laki ng trashcan na ito.
"Gagawin mo talaga yun para sa 'kin. Aww... Thank you!"
Sabi nung girl na hindi ko naman makita yung face kasi nakatalikod sa akin. Bigla nyang hinalikan si Paolo sa pisngi. Kita ko naman sa mukha ni Paolo yung pagka-bigla.
"Bye Paolo!" Nginitian lang ni Paolo yung girl bago umalis.
"Mam? Wala na po yung kalaguyo ng boyfriend mo."
Literal na napanganga naman ako sa narinig ko mula sa isang janitor ng academy namin na mukhang naka-lipstick.
"Quiet, baka marinig nya tayo. At isa pa, hindi ko sya boyfriend." Mahinang sagot ko naman sa kanya.
"Break na kayo mam? Sayang at mukhang bagay pa naman kayo." Nakakaloka namang kausap itong si manong. Malayo sa katotohanan ang mga pinagsasabi.
"Manong hindi ko nga po sya boyfriend!"
Shiz! Medyo napalakas ata yung pagkakasabi ko. Napatingin kasi sa direksyon namin si Paolo.
"Haze?"
Ayan na papalapit na sya sa amin.
"Boyfriend? May boyfriend ka na Haze?"
Minamalas na talaga ako ngayong araw at narinig nya pa pala ako. Huhu! Naku, manong humanda ka talaga sa 'kin! Tumingin naman ako kay manong janitor at sinamaan ito ng tingin. Mukhang natakot naman ito.
"Go mam! Kaya mo yan. Wag mo masyadong sugatan yung face, gwapo pa naman. Ahihihi!"
Mahinang sabi sa akin ni manong janitor or should I say, janitress nang nakangiti at parang kinikilig-kilig pa. Buking ka na. Type mo lang pala si Paolo. Hahaha! Pagkasabi nya nun ay umalis na ito.
"Haze, sinong boyfriend mo? Kilala ko ba?"
Nang makalapit si Paolo ay tinanong na naman ako nito.
"Che! Ewan ko sayo!" Masungit kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabadtrip. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at naglakad na palayo. Narinig ko namang sinabihan nya ko ng "sungit". Di ko na lang sya pinansin.
***
Paolo's POV
Nagulat ako kanina nung halikan ako ni Amanda. Ganun na ba talaga ako ka-gwapo? Hehe! Si Amanda nga pala yung cheerleader ng squad ng academy. Pinakilala sya sa 'kin ni Bryan noong nakaraang Linggo.
Humingi si Amanda sa 'kin ng pabor kung pwede raw bang pagselosin naming dalawa si Bryan. Baka raw kasi kapag nagka-boyfriend na sya ay mapansin na sya nito. Dahil naman sa mabait ako at gwapo, pumayag ako. Nagkataon naman na pag-alis ni Amanda, nakita ko si Haze.
Narinig kong may sinabi sa kanya tungkol sa boyfriend yung janitor. Kaso nung tanungin ko naman si Haze tungkol dun, sinungitan lang ako. May LQ siguro sila. Pero bakit ganto may nararamdaman akong negatibo sa loob ko.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."