Paolo's POV
Andito ako ngayon sa gymnasium. May praktis kami ngayon ng basketball. Oo, kasali ako sa basketball team ng academy. Kanina lang ako nakapasok sa team. Nakita kasi ako ni Coach Rex na naglalaro sa mini court kasama yung ilan sa mga kaklase ko. Sabi nya may potential ako at malaki ang maitutulong ko sa team. Agad ko naman tinanggap yung alok nya, hilig ko rin kasi ang basketball.
"Hey Bro! Ikaw ba yung bagong member ng team? Ako ngapala si Bryan." Sabi nito habang pinapatalbog yung bolang hawak nya.
"I'm Paolo. Nice to meet you, bro!" Lalapit sana ako sa kanya para makipag-kamay pero pinasa nya bigla sa 'kin yung bola. Buti na lang at nasalo ko.
"Nice!" Sabi nya ng nakangiti. "Brothers, magpakilala naman kayo kay Paolo. Ganyan ba kayo mag-welcome ng new member?" Nagpupunas pa ito ng pawis habang sinasabi iyon. Tinigil muna nila sandali yung pagpa-praktis. Tapos isa-isa silang nagpakilala.
"Sup bro?" Bungad ni Bryan sa bagong dating na lalaki. Tinanguan lang nito si Bryan. Mukhang kilala ko ata 'tong bagong dating. "Jerry, si Paolo ngapala new member ng team." Syanga 'yong kapwa ko late nung Psychology class namin. Pagkalapag nya ng bag nya, tumingin ito sa akin.
"Sup?" Sabi ko na lang sa kanya nang nakataas pa ang isang kamay.
"C'mon let's play a game. One-on-one." Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Wag kang kabahan bro, ganyan talaga yan. Gusto lang nyan subukan kung magaling ka ba talaga. Ang bilis mo kasing nakapasok sa team." Wala naman akong nararamdamang kaba. Tama nga naman si Bryan, sa isang iglap pasok agad ako sa team.
"Tama na salita. Maglaro na lang tayo." Sabi ni Jerry habang inuunat pa nito ang mga braso. Tumango na lang ako sa kanya. Nakita ko naman na umalis muna sa court yung mga myembro ng team.
***
Mga nasa 15 minuto na siguro kaming naglalaro ni Jerry. Lamang sya ng dalawang puntos. Ako ngayon ang may hawak ng bola. Naagaw ito sa akin ni Jerry. Nung isho-shoot na nya yung bola, nasupalpal ko ito. Bigla naman kaming napahinto nung may narinig kaming pumapalakpak.
"Hindi ako nagkamali ng pagpili. Ngayon, sigurado na ako na walang makakatalo sa team ko. Good job!" Naka-thumbs up pa nyang sabi. Kanina pa pala nanonood si Coach Rex. Masaya naman ako sa narinig ko syempre.
"Nice game, bro!" Nagulat ako sa sinabi ni Jerry. Marunong din palang ngumiti ang isang to. Astig! Tinap nya ko sa balikat bago umalis.
Claire Tiffany's POV
Umalis muna ako ng Elite Quarter. Gusto kong puntahan yung Rose Garden, my favorite place here in academy. Namiss ko yung lugar na 'yon. Tahimik lang at payapa. Bilang lang ang nakakaalam kung nasaan ang Rose Garden, tagong-tago kasi ito. Pagkarating ko ng garden, umupo agad ako sa swing. Ang sarap pagmasdan nung mga paru-parong lumilipad sa iba't-ibang kulay na mga rosas. Dahil doon, naalala ko yung isang bagay na laman nung box, PINK ROSE. Pink rose ang paborito kong bulaklak, pareho kami ni mama. Noon, tuwing naaalala ko si mama, naiiyak ako. Ngunit ngayon, pinipigilan ko na ang emosyon ko. Ramdam ko kasing nalulungkot din si mama. May lumapit sa akin na paru-parong kulay puti. Dumapo ito sa balikat ko sandali at lumipad na rin papalayo.
"I miss you too, mom." Nakangiti kong bulong sa sarili habang nakasunod ang tingin sa paru-paro. May narinig akong sumisipol. Lumingon ako sa paligid upang malaman kung sino.
"You like this place too?" Umupo sya sa katabi kong swing.
"Yeah. So much." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Do you know me?" Tanong naman nya.
"Jerry Smith." Sumipol ulit ito.
"I'm surprise, you know me." Ngumiti sya ng labas ang dimples.
"Late comer." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.
"What do you mean?" Nanlalaki naman ang mga matang tanong nya. Cute!
"Psychology 101, remember?" Mukha namang naalala nya.
"Hahaha! Sa lahat kasi ng class ko late ako." At proud pa sya talaga. Haha! Halos wala na syang mata habang tumatawa at labas pa ang dimples. This guy is turning me on. Ang gaan ng loob ko sa kanya, I don't know why.
"Haha! How about you, do you know me?" Tumayo sya at naglakad papunta sa akin ng nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon.
"I know you too well." Is he saying the truth? Hmm... Kumunot naman ang noo ko sa aking narinig. "Haha! Gotcha!" Ngumiti ulit sya ng walang mata at labas ang dimples. Tapos ay tinusok nya ng mahina yung pisngi ko.
"Jerk! Haha!" Sabi ko habang nakahawak sa pisngi.Nilipat naman nya ang tingin sa mga rosas.
"Tiffany, you're different." He said in a husky tone. I looked at him with a what-do-you-mean-look. "Good different." Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti. Dati kapag tinatawag ako ng iba sa 2nd name ko, hindi ko na sila pinapansin, anyare kaya ngayon?
"Have me met before?" Tanong ko sa kanya.
"What do you think?" Tama bang sagutin ng isa pang tanong ang isang tanong? Haist! Turn off. Haha! Chos! Binigyan ko lang sya ng expression na hindi ko alam.
*Ooh, sugar pie, honey bunch.. You know that I love you.. I cant help myself... I love you and nobody else...*
"Hindi mo ba sasagutin?" Kanina pa pala may tumatawag, ngayon ko lang din napansin.
"Excuse me." Sabi ko kay Jerry at sinagot na yung tumatawag sa phone ko. "Hello. I'm coming. Okay, see ya!" Si Kit yung tumawag may meeting daw ang Council, yung mga nag-aasikaso o kaya naman consultants ng activities ng academy. "I gotta go." Sabi ko kay Jerry.
"San?" Does he needs to know?
"Council Department." Sagot ko habang inaayos yung bag ko.
"Sabay na tayo." Tumango lang ako at naglakad na kami papalayo.
BINABASA MO ANG
Roller Coaster Dream
Teen Fiction"Just close your eyes and enjoy the roller coaster that is life."