CHAPTER 11

38 0 0
                                    

Claire Tiffany's POV

Pagkalabas namin ng C-Dep, hinila agad ako nila Kit.

"So what happened?" Excited na tanong ni Gabriela.

"Kaya ka pala biglang nawala ng quarter. Hihi!" Kinikilig na sabi ni Kit.

"Mr.Snob meets Ms.Snob. Bagay! Hihihi!" Kinikilig ding sabi ni Vanessa.

            "Enough. There's nothing going on between me and Jerry." Mukhang nanlulumo naman yung reaction ng tatlo nung marinig yung sinabi ko.

"Baka naman getting to know each other level pa lang." Pakurap-kurap na sabi ni Vanessa. Tinignan ko lang ito ng what-are-you-talking-about look.

"Bakit ba kasi kayo magkasamang dumating?" Tanong ni Kit.

"Is he courting you?" Tila kumikislap pa ang mga matang tanong ni Gabriela. Halatang oo ang gustong makuhang sagot.

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Vanessa.

"Pano na si Adam?" Di pa nga ako nakakasagot, dinugtungan agad ni Kit yung tanong. Yung totoo? Takbuhan ko na lang kaya sila.

            "Andami nyong tanong, nakakahilo! Okay, para sa ikatatahimik nyong tatlo, nagkita lang naman kami ni Jerry sa Rose Garden kanina. Then yun, nag-usap kami ng slight. Nalaman ko na member din pala sya ng council kaya naman magkasama kaming dumating. Yung kay Adam naman... Well, magkaibigan lang kami. Hindi ko lang alam if friends na rin ba kami ni Jerry. Kanina lang naman kasi kami nagka-usap. Wala ng magtatanong. Uwi na ko. See ya!" Walang hinto kong sabi sa kanila. Pag tumigil kasi ako ng pagsasalita, for sure magtatanong na naman yang mga yan. Tinalikuran ko na sila at mabilis na sumakay ng elevator. Sinundan naman nila ako at ngayon ay magkakasama na kami sa loob ng elevator.

"Bes, Wednesday tom, so wala tayong pasok. Anong balak mo?" Yes! Walang pasok bukas. Hihi!

            "Hmm... Matutulog." Tinignan naman nila ako ng are-you-serious look. Para silang ewan. Haha! Yun naman talaga ang gusto kong gawin. E kasi naman, day 2 pa lang ng klase tapos parang ang dami ng nangyari.

"Go to my party mamayang 7pm. Asahan ko kayo dun, lalo ka na Clarry." Kahit kelan party girl talaga itong si Gabriela. Bumukas na yung pinto ng elevator at unang lumabas si Gab. "See ya tonight, girlfriends!" Sabi nito at nag-flying kiss pa. Wait, di pa naman sure kung pupunta ako.

            "Gab, wait!" Hindi na ako nito nilingon hanggang sa makalayo na sya. Ang bilis naman nyang maglakad.

"Gotta go na rin. See ya!" Nag-wave muna sa amin ni Kit si Vanessa bago umalis. Tulad din ni Gab, mabilis itong naglakad papalayo sa amin.

"Bes, sabay na tayo pumunta mamaya kina Gab. 6:30 kelangan naka-ayos ka na ha. Alright, see ya!" Bago pa man ako maka-sagot, naglakad na rin ito ng mabilis papalayo sa akin. Nagsuot din ito ng earphone para siguro hindi na nya marinig yung pagtutol ko. Haist! Iniwan na ko ng mga ninja friends ko. Kaibigan ko ba talaga sila? Huhu!

"O, bakit naka-simangot ka?" Nagulat naman ako sa nagsalita. Boses ni Jerry yun. Tinignan ko lang ito. "Hello?" Nag-wave ito ng kamay sa tapat ng mukha ko.

            "Kabute ka ba?" Suplada kong tanong sa kanya.

"Ha? Bakit naman?" Kamot ulo ito at tila nagtataka.

            "E, kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot." Tinaasan ko ito ng kilay pagkatapos.

"Hahaha!" Pinindot nya ng mahina yung cheek ko. "Sabay na tayo umuwi. We're in the same village lang naman." Pano naman kaya nya nalaman?

            "Bakit naman kita sasabayan?" Pinasok nya yung kamay nya sa bulsa, like he always does at sumandal sya sa pader.

"Because we're friends." With confidence pa nyang sabi.

            "How could you be so sure?" Tila lumungkot naman yung awra nya.

"Just like the old times." Hindi ko masyadong narinig yung sinabi nya.

            "What?" Ako pa rin ba yung kausap nya o yung hangin?

"Nothing. Tara sabay na lang tayo papuntang parking lot. Hinihintay ka na siguro ng driver mo." Nakita ko na naman yung ngiti nyang labas dimples at walang mata. Kaya naman napangiti na rin ako. Wait, stalker ko ba sya? Alam nya rin kasing may sundo ako. Inalis ko na lang yun sa isip ko dahil gusto ko na ring maka-uwi. Halos lahat naman kasi sa academy may mga sundo.

            "Let's go!" Sabi ko na lang at naglakad na kami papuntang parking lot.

***

Nagpabili muna ako kay Manong Rap ng Red Velvet cake sa isang branch ng bakeshop nina Paolo bago umuwi. Naiwan muna ako sa loob ng kotse. Mula sa bintana ay tanaw ko ang isang babaeng nakasuot ng ID ng Harvard Academy. Mukha itong wala sa sarili, nabunggo kasi nya yung medyo may edad na lalaki na nagtitinda ng mga lobo. Dahil sa nangyari, natumba at nabitawan nung lalaki yung mga lobo at lumipad ang mga ito pataas.

"Pasensya na po, manong." Tinulungan nyang tumayo yung lalaki. Pagkatapos ay pinilit nyang abutin yung ibang mga lobo, ngunit medyo mataas na ang lipad ng mga ito.

"Ineng, alam mo bang dahil sa ginawa mo ay walang kakainin ang pamilya ko mamaya!" Pasigaw na sabi nung lalaki at tila naiiyak na ito. Agad namang kinuha nung girl yung wallet nya sa bag.

"Sorry po talaga." Medyo basag ang boses nitong sabi. Nakita ko rin na inaabutan nya ng pera yung lalaki. "Ito na lang po ang natitira kong pera. May pagkain din po akong..."

            "Manong, ito po." Hindi ko na sya pinatapos pa sasasabihin nya. Inabutan ko ng dalawang libo yung lalaki. Tapos ay binigay ko sa babae pabalik yung perang iniaabot nya. "Sapat na po ba iyan, manong? Pasensya na po sa nangyari kanina." Masayang tumango-tango yung lalaki sa akin.

"Ayy naku, mam, sobra-sobra po ito. Pasensya ka na rin ineng kung nasigawan kita kanina." Sabi nito sa amin.

            "Tanggapin nyo na po iyan manong para na rin sa pamilya nyo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Maraming-maraming salamat po, madam." Tinanguan ko lang ito. Bago sya umalis, humingi ulit sya ng paumanhin sa di sinasadyang pagsigaw nya kanina.

"S-salamat po." Nahihiyang sabi sa 'kin nung babae.

            "No problem. Next time, wag mong masyadong isipin ang mga problema kasi lalo lang itong madaragdagan." Makahulugang pahayag ko. Tumingin sya sa akin at agad din nya itong iniiwas. Halata sa kanya na nahihiya sya.

"Tatandaan ko po iyan. Salamat po ulit, Madam Claire." Kilala nya ko siguro dahil nag-aaral lang kami sa iisang paaralan. Lumingon ako sa kotse ko at nakita na hinahanap na ako ni Manong Rap.

            "Just call me Claire. What's your name?" Nakangiti kong tanong.

"Jane Santos po." Medyo naiilang nitong sagot.

            "It's nice to meet you, Jane. I gotta go na. See you around." Tumango sya at nginitian nya ako. Habang naglalakad ako papunta ng kotse, may ideyang pumasok sa isip ko. Kinuha ko yung phone ko at nag-post sa facebook page ng The Councilors.

Roller Coaster DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon