Umupo muna ako bago magkikilos ako rito sa condo ko. Umupo naman yung dalawa sa tabi ko, si michelle nasa left side ko habang si ella ay nasa right side ko.
"Napagod ako."Humiga naman si ella na nakaupo habang si michelle ay humiga sa balikat ko.
"Wow! Akala mo naman talaga ay maraming binuhat oh."Ayan, magsisimula na naman sila.
Tinignan naman siya ni ella ng masama, "Magsisimula ka na naman."
"Nauna ka eh. Kanina ka pa."Tinuturo pa niya si ella.
"Hindi ba kayo napapagod mag-away sa harapan ko?"Binigyan ko sila ng seryosong tingin dalawa.
"Ly, napapagod na ako. Yang si michelle pagsabihan mo."Tinuturo niya din pabalik si michelle.
Tumayo ba ako bago pa sila magkasabunutan, "Umuwi na nga kayong dalawa. Gusto ko ng magpahinga eh."
"Napagod din kami, ly. Paglutuan mo naman kami."Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni ella.
"Eh, kung ikaw kaya yung lutuin ko!?"Pagtataray ko pa sa kanya.
"Paglutuan."She even corrected me kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Tara na nga, ella. Nakakahiya ka."Biglang hinila ni michelle si ella upang tumayo.
"Mich, may veranda naman sa kwarto ko diba?"Tanong ko pa rito bago siya makalabas.
"Oo."Nakangiting sagot nito sa akin, "Pero wag kang masyadong mag-ingay, ly. May masungit kang kapitbahay."Tumawa muna ito bago siya lumabas na hila-hila pa si ella.
"Gusto ko pang magstay eh."Rinig ko pang sabi ni ella na napakamot pa ng ulo.
Pero dire-diretso lang siyang hinihila ni michelle. Nakangiti lang ako habang umiiling dahil sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nasama pa ako sa circle friends nilang dalawa or kung kung bakit ko sila naging kaibigan. It was actually fun to have them as my friends pero minsan nakakainis na rin talaga.
When michelle joined our circle of friends, it was great and fun but eventually, you'll get bored with it kasi lagi silang nag-aaway ni ella sa harapan ko.
•••
Kinabukasan ay naligo na ako pagkagising ko para magprepare na ako papunta sa trabaho. Sa cafe nalang siguro ako kakain since nagmamadali din ako eh. Pagkalabas ko ng CR ay may hindi inaasahang bisita akong nakita.
"Hi ate ly."Nakangiti pa niyang bati sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"Tanong ko pa sa kanya.
"Sabay na tayo sa work."Nanatili lang itong nakangiti sa akin.
"Asan jowa mo?"Sunod kong tanong sa kanya
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one