Alyssa's POV
"Bakit mo ba kasi kailangang lumipat, ly?"
Kasalukuyan akong tinutulungan ni ella na mag-impake rito sa bahay ko. Si ella ang isa sa mga best friends ko who really helped me a lot these days. Minsan nga lang, inaasar nila ako lagi ni michelle. Ella and I came from a ateneo de manila university habang si michelle naman ay nasa DLSU siya nag-aaral.
We became friends for no reason. Hindi ko alam kung bakit nasama si michelle sa amin. It should be team besh naman talaga in the first place. Well, michelle is approachable kaya siguro naging friends din kaming dalawa. She's also friendly but sometimes a brat.
"Kumuha kasi ako ng condo malapit sa pinagtatrabahuan ko."Sagot ko naman sa kanya.
Napakamot naman siya ng kanyang ulo, "Hala, siya! Edi hindi na kami pwede makadalaw sa'yo?"
"Aysus! Gusto niyo lang matulog rito eh para matakasan yang mga responsibilities ninyo sa bahay."Diretso kong sabi sa kanya.
"Kasi naman, ly. Ikaw nalang pag-asa namin ni michelle. Ikaw lang kasi paniniwalaan ng mga magulang namin kapag nag-alibi kami sa kanila."Pahayag pa niya.
"Ang laki niyo na, pasaway pa rin kayo? Well, except lang sa'yo kasi hindi ka naman lumaki."Pang-aasar ko pa rito.
Bigla naman siyang sumimangot sa harapan ko, "Porket matangkad ka eh. Tska hindi naman ako maliit, matangkad ka lang talaga."
"Uminom ka kasi ng cherifer para mas lalo kang tumangkad."Patuloy pa rin ako sa pang-aasar sa kanya.
"Ewan ko sa'yo."Inirapan pa niya ako, "Sana hindi ka makahanap ng lovelife dun sa BGC."
"Ah, ganun?"Tinaasan ko siya ng kilay ko, "Oh, sige. Wag kayong pumunta doon ni michelle sa condo ko, ah!?"
"Hoy! Anong hindi kami pupunta?"Mabilis kaming napalingon ni ella sa kakarating lang na si michelle.
"Sana daw hindi ako makahanap ny lovelife dun sa bagong lilipatan ko."Pagsusumbong ko pa, "Kaya kayong dalawa..."Tinuro ko pa silang dalawa, "Wag kayong pumunta sa condo ko. Wag kayong bumisita."
Biglang lumapit si michelle at napakapit sa braso ko, "Hoy! Si ella lang yung nagsabi nun, di naman ako kasali."She even caressing my arm, "Sana makahanap ka ng mas gwapong lalaki dun, ly. Yung malakas ang dating ba."She giggles.
Bigla siyang binato ni ella ng t-shirt ko, "Sipsip ka masyado, gumabao! Hindi lalaki hanap niyan, chicks na sexy."Nginisian pa niya ako pagkasabi niya nun pero umirap lang ako sa kanya.
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one