Chapter 22

342 14 0
                                    


"Aray ko! Nasasaktan ako, samantha."Pilit kong inalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.



"Aba! Dapat lang na masaktan ka."Inis niyang binitawan yung kamay ko.




"Ano bang problema mo?"I asked.




Tinaasan niya ako ng isang kilay niya, "Bakit hindi mo itanong yan sa sarili mo?"



"Ano kayang problema ni samantha?"Tanong ko pa sa sarili ko.





Nakita ko ang pagngiti niya pero itinago niya naman ito, "Gago!"




"Oh, see? You smiled again."Turo ko pa sa kanyang labi, "Ano ba kasing problema? Bakit nagkasalubong na naman yang kilay mo?"




She shrugged, "Hindi ko alam kung bakit, alyssa. Naiinis lang ako kasi ang tagal niyong nag-uusap ni michelle kanina. Nag-aantay ako sa'yo. Pero ano yon? Ang tagal mo kasi nag-uusap pa kayo."





"May inuutos lang naman ako sa kanya. Diba sabi mo trabaho kong alamin yung problema ng emoleyado ko? Siya yung inutusan ko para alamin yon."Paliwanag ko sa kanya.



Yumuko naman, "Sorry."





"Okay lang."Niyakap ko nalang siya at hinalikan ang kanyang ulo.





"Bumalik ka na."She softly said, "Uuwi na ako."




I pouted, "Akala ko ba okay na tayo? Bakit ka uuwi? Antayin mo muna ako."




"Baka mag-uusap pa kayo ni michelle eh."She bitterly said.





"So, totoo nga ang sinabi niya kanina?"Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa tanong ko, "Na ang sama ng tingin mo sa kanya habang hinihila ko siya palabas ng cafè?"




"Hindi."Tanggi niya.





"Okay, sabi mo eh."Tanging nasabi ko nalang sa kanya.



"Bumalik ka na."She said.






Umiling naman ako, "Ayoko. Gusto kong kasama kita."





"Dali na kasi. Balik ka na. Maaga pa para umuwi ka."Pamimilit pa niya.





Umiling ulit ako sa kanya, "Maaga pa nga. May gagawin tayo."I held her wrist para hilahin siya.



Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero wala na ako pakialam. Dadalhin ko siya kung saang lugar niya magugustuhan.




•••





"Ly, ang ganda dito."Nakangiti siyang nakatitig ngayon sa sunset.






"This is my safeplace, sam. Dito ko sinisigaw ang mga problema ko."I told her.






"Problema mo?"Takang tanong niya sabay tingin niya sa akin, "Bakit mo ko dinala rito? Wala naman akong problema."






NEIGHBOURWhere stories live. Discover now