Chapter 14

348 10 0
                                    

Tuluyan na akong pumasok ng cafè pagkaalis ni samantha. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto na niyang pumasok ako sa mundo niya? Alam ba niya ang sinasabi niya? Kasi kung hindi, nakakairita. Oo, gusto kong pumasok sa mundo niya para malaman ang problema niya. Pero hindi naman ako gaanong ka chismosa para lang alamin ang buong pagkatao niya.


"Yo!"Biglang bati ni ella sa akin. Andito din pala siya.


"Hi alyssa."Napalingon ako sa nakangiting si synjin.


Napakunot agad ako ng noo, "What are you guys doing here?"Iniisa-isa ko ang tingin sa kanila.


"Edi dumalaw. Ano pa nga ba?"Pangbabara pa ni bea tan sa akin. Kahit kelan? Parang si ella.


"Nakikita ko."Basag ko pa sa kanya, "Ang tinatanong ko, bakit nandito kayo ngayon lahat? Ngayon na nga lang kayo dumalaw eh."


"Ouch! But we take different paths, sis."Arte na naman nitong synjin nito.



"Hi ly!"Nakangiti bati sa akin ni amy, "How's work by the way?"


"Great."Tipid na sagot ko.


"Great daw kasi lagi silang nagkikita ng kapitbahay niya. Lagi pang napapadaan dito."Mang-aasar na nanan tong si jema.



"Bumibili, hindi napapadaan."I corrected her.


Inirapan naman niya ako, "K, dot, ate ly."Hala, mang-aasar pero siya lang din naman ang mapipikon.


"Type ni aly yung kapitbahay niya?"Tanong naman ni bea tan, "Bago yan, ah!? Hindi lang pala friend kundi neighbour na rin."Baliw!


"At naku, hindi lang type! Type na type pa."Si ella na ang sumagot na nginisian pa ako.



"Uy, ly!"Asar pa ni synjin na tinusok-tusok pa ang tagiliran ko gamit ang darili niya.


"So, you've finally moved on, huh?"Naitikom ko ang bibig ko sa tanong ni amy.



Sobrang awkward! Nasa gilid ko pa si den na tahimik lang habang nakikinig sa usapan. Bakit ba nandito tong mga 'to? Baka manggugulo na naman sa akin panigurado.



"Matagal na nga kasi. May bago na eh."Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na agad ako ni ella.



"Pwedeng tumahimik ka kahit ngayon lang?"Pagsusungit ko pa sa kanya.


"Oo nga. Ang ingay talaga niyan."Gatong pa ni synjin.


"Ay, wow, synjin! Hiyang-hiya naman ako sa'yo."Nakapamewang pang sabi ni ella ng tumayo ito.


"Alam mo, ang lakas ng boses mo. Eh, pandak ka naman."Natatawang pang sabi ni synjin rito.


"Eh, kung sipain kaya kita palabas!?"Tinaasan pa siya ng kilay ni ella.


"Aba, cafè mo?"Bara pa ni synjin sa kanya.


"Kaibigan ko ang may ari ng cafè dito."Pagmamayabang pa niya.


"Wag kang mayabang, kaibigan ko rin yan."Turo pa ni synjin.



NEIGHBOURWhere stories live. Discover now