Chapter 10

345 11 0
                                    

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni michelle sa akin. Should I enter her world? Sabi kasi ni michelle na ang hirap nga daw pumasok sa mundo ni samantha. Totoo din naman kasi. As an introvert person, I mean, since I already experienced to be an introvert person. I know, sobrang hirap talaga. Bago pa man sila pumasok sa mundo ko, binigyan muna nila ako ng oras.


Pero ang tanong, kaya ko bang pumasok sa mundo niya? Kaya ko naman siguro pero kasi we don't know each other. We're strangers! Ni hindi ko alam ang background niya. Hindi ko siya gaanong kilala for a fact na kailangan ko pang pasukin ang mundo niya para lang makihalubilo siya sa mga tao.



Andito pala ako sa terrace ngayon, sa labas ng kwarto ko. Gusto ko lang magpahangin para makapag-isip natin ngunit ang hindi ko inaasahan. Ang babaeng iniisip ko kanina ay nakikita ko pala ngayon. Nasa terrace din siya ng condo niya.



"Anong iniisip mo?"Biglang tanong niya sa akin, "I was staring at you for too long. Seems like, ang lalim ng iniisip mo."Nagulat ako sa sinabi niya. She was staring at me?


Napailing naman ako, "Wala naman."

"Something deep?"Sambit pa niya sa akin.


"I guess?"Hindi siguradong sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung malalim yon eh.


"Iniisip mo ba yung cafè mo?"At anong naisip niya at itanong yon sa akin?


"Hindi."Mabilis na sagot ko sa kanya, hindi naman kasi talaga.



"So, ano nga ang iniisip mo?"Pamimilit pa niya sa akin, "Or should I say, sino ang iniisip mo?"Lumaki ang bilog ng mga mata ko ng marinig yon sa bibig niya.


Why is she forcing me to tell her what my thoughts are? Mahalaga ba sa kanya yon? I mean, she's an introvert person. She's so hard to talk. Tapos magtatanong-tanong siya sa akin ngayon kung ano ang iniisip ko.


"Kulit."Medyo inis kong sambit sa kanya, "Sabing wala eh. Maliligo na nga lang ako, pupunta pa akong cafè eh."


Hindi ko na siya inantay na magsalita pa at pumasok na sa loob. Naligo na ako at nag-ayos para pumunta ng cafè. Buti hindi dumaan yung mga asungot rito sa condo ko. Manggugulo na naman sila sa akin eh.



Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng condo ko. Inilock ko na rin yung pinto ng makalabas ako. I got shocked when I saw her again. I mean, I'm not really used to it although she's my neighbour. Gulat pa rin ako kapag nasa harapan ko siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.



"Uhm, hi!"Bati ko sa kanya na parang walang nangyari kanina.


"Hello."Seryosong sagot lang niya. Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako.


Introvert nga talagang tunay. Hindi ko alam kung sadyang moody lang siya o ano eh. Hindi ko alam kung anong ugali ang meron siya.


"Tulala ka diyan, ate ly?"Tanong ni jema sa akin ng makarating ako ng cafè.


"Ah, wala."Pailing-iling kong sagot sa kanya, "Dumaan na ba si michelle at ella dito?"

"Hindi pa, ate."Sagot naman niya.


"Eh, si celine, asan?"Tanong ko pa habang palinga-linga.


"Hindi pa dumadating eh."She's worriedly looking at me right now.


NEIGHBOURWhere stories live. Discover now