Chapter 12

352 12 0
                                    

"She's pretty."Komento pa ni den pagkatapos kong magkwento sa kanya about sa kapitbahay ko, "She's seems pretty nice also."


"Bakit di mo man lang sinabi na siya pala yung nagdoorbell, den?"Reklamo pa ni ella sabay kamot niya sa kanyang ulo, "Edi sana ako na ang nagbukas nun."

Pabiro ko naman siyang binatukan sa ulo niya, "Kasalanan mo yan. Inutusan mo kasi si den. Napala mo!"


"Akala ko si michelle eh. Ayoko pa namang makita yung pagmumukha nun."Kahit wala si michelle dito, talagang inaasar pa rin niya.


"Magsubunutan nalang kayo ni michelle. Tutal diyan naman kayo magaling, sa pag-aaway."Pagsusuggest ko pa rito.


Inirapan pa ako ng bruha sabay harap niya kay den, "Ano daw kailangan niya, den? Hinahanap ba niya ako?"


Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi, "Kilala ka ba niya para hanapin?"


"Selos lang yan."Nakangisi pang sabi niya.

"She doesn't know you. Why would she dare to look for you then?"Ayan, tuluyan na nga akong napaenglish.

"Ito naman, hindi na mabiro!"Napakamot ulit siya ng kanyang ulo sabay lingon niya ulit kay den, "Ano nga palang sinabi niya, den?"


"She's looking for her neighbour."Pagkatapos niyang sabihin yon ay napatingin ito sa akin.

"Si alyssa? Bakit daw?"Gulat na tanong ni ella rito, "Wag mong sabihing dinadalaw niya si alyssa!?"


"May ibibigay lang daw siya eh. Pero nung nasa harapan niya si alyssa, hindi naman binigay."Paliwanag naman niya.

"Anong ibibigay niya?"Curiousity kills me this time.

"Ulam daw eh. Nagluto ata siya."Sagot naman niya.

I wonder why. Bakit niya ako bibigyan ng ulam? Last time, I checked, she rejected me to enter her world. Pero bakit niya ako hahanapin at bibigyan ng pagkain? Nevermind! Siguro kasi never pa naman talaga kaming nag-usap ng masinsinang usapan. I only know her but she doesn't know my name.


•••



Ang usual routine na ginagawa ko ay magpapahangin muna ako sa terrace pagkagising ko bago pa ako maligo at mag-ayos. Pero naligo na ako at nag-ayos na rin bago pumuntang cafè ngunit magpapahangin muna ako. Napalingon kaagad ako kay samantha na kanina pa nakatingin sa malayo.



Mabato nga ng kung ano-ano baka sakaling bumalik siya sa wisto niya. Kanina pa kasi siya tulala eh.


"Aray!"Napahawak ito sa ulo niya dahil sa pagbato ko sa kanya kaya napalingon ito sa akin na sinamaan pa ako ng tingin, "What the hell is wrong with you?!"


"Kanina ka pa tulala diyan eh."Sagot ko naman sa kanya.


"And why are you throwing your water bottle again?"Inis na tanong niya sa akin, "You hit my head, dumbass!"

"Sinadya ko."Pag-amin ko pa sa kanya.


Tinaasan niya ako ng isang kilay niya, "And now, your proud of it? It's not even funny."



NEIGHBOURWhere stories live. Discover now