Chapter 23

363 12 0
                                    

After 3 months...

Sobrang saya ko kasi sa loob ng 3 months, mas nakikilala ko si samantha. Patagal ng patagal, mas lalo lang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ganun pa rin naman si samantha, ilap pa rin sa mga tao pero kinakausap na sila nito kapag tinatanong.




"Una na ko."Paalam ni michelle sa akin, "Akala ko kasi sabay tayo eh. Si samantha pala."Natawa pa siya.





Napailing naman ako sa kanyang inasal, "Ewan ko sa'yo."





"Ly, wag mong kalimutan na bukas na yung business trip, ah!?"— Michelle.





"Bukas na ba yon?"Sambit ko sa kanya, "Ba't di mo man lang sinabi? Edi sana makapagprepare pa ako."





"Pwede ka namang magprepare later. Bumili na kayo ng gusto niyong bilhin, okay?"Tinanguan ko naman siya, "By the way, nakausap mo na si ced? Nakausap ko na din kasi yung family niya."




"Anong sabi?"I curiously asked.





"I told them that i'll help them kasi yun yung sabi mo. At first, they refused pero napapayag ko din naman sila right after. Hinanapan ko na rin yung kuya niya ng trabaho tapos pag-aaralin ko nalang ulit yung isang kapatid niya. Tapos ako na din magpapaaral sa bunsong kapatid niya."Paliwanag naman niya.






"Mich, thanks. Ang dami ko ng utang na loob sa'yo. De bale, bayaran nalang kita pagkatapos."I smiled at her.






She shook her head, "No need, ly. Para ko na rin namang kapatid yang si ced. Basta, just do your part. Hindi kasi ako magaling sa mga words eh. Actions lang ang kaya kong ibigay. Tska kahit sinabi ko na kay ced na tutulungan ko sila ay malungkot pa rin siya. Siguro iniisip pa rin niya yung hiwalayan nila ni tots."She suddenly sigh, "Ly, magaling ka diyan. May tiwala ako sa'yo na mapabalik ang mga ngiti ni ced."





I nodded, "I won't promise na mapabalik ko yung ngiti ko but i'll try my best."




"Sige, I have to go. Baka malate pa ako eh."Paalam pa niya.





Bago pa siya makaalis ay tinawag ko na siya, "Mich."Napalingon naman ito, napayakap nalang din ako sa kany ng mahigpit.




"Oh, tama na, baka makita pa tayo ni samantha. Magselos pa yon."Pabiro niyang itinulak ang ulo ko.




Speaking of samantha, napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pagsarado ng condo niya.





"Anong ginagawa niyo?"Seryosong tanong ni samantha sa amin na ikinalingon naming dalawa ni michelle.





"Siya yung yumakap, ah!?"Turo pa ni michelle sa akin, "Wala akong ginagawa. Baka sa akin ka na naman magalit."





NEIGHBOURWhere stories live. Discover now