Chapter 4

359 11 0
                                    

"ONE CARAMEL MACHIATO FOR SAMANTHA!"Sigaw ko pa upang marinig niya.



Nanlaki ang mga mata ko ng nasa harapan ko na ito, "No need to shout my name, I can clearly hear you."



"Uh..."Ni hindi ko siya matignan sa mata, "I'm sorry, nasanay lang."Inilapag ko na yung kanyang order, "Ito na po, ma'am samantha, yung order niyo."


"How much?"Seryosong tanong nito sa akin.


"100 p-po."Ugh, why did I shuttered?


"Here."Inilapag niya ang 200 na pera, "Keep the change."Kinuha na niya ang kanyang order at saka niya ako tinalikuran para lumabas ng cafè ko.


Natulala lang ako habang pinapanood ko siyang lumabas ng cafè.


Nabigla pa ako sa pagsiko ni jema, "Ate ly, 500 yung kape, hindi 100."She shook her head as a sign of disappointment, "Naisahan ka na naman. Ay..."She suddenly stop when she realized something, "...maganda nga pala si ate girl kaya naging 100 nalang. Pero kapag ako, 500 talaga eh, buong-buo pa yon. Eh, nagtatrabaho naman ako dito."She even pouted her lips, "Pero hindi mo man lang ako malibre."



Pinitik ko ang kanyang noo, "Ang arte mo. Magtrabaho ka na nga."



"Si ate ly, favoritism!"Nasapo ko ang aking noo sa kanyang sinabi.


"Bago ba yon?"Tanong ko sa kanya.



"Ha?"Tila hindi niya alam kung ano ang tinatanong ko.



"Yung babae kako."Pagkaklaro ko pa sa kanya, "Bago ba yon? Ngayon ko lang kasi siya nakita."



"Kakalipat lang dito sa bgc, ate."Sagot naman niya saka ako nginisian, "Bakit, ate? Type mo?"



Mabilis akong umiling, "Hindi. Ngayon ko lang kasi siya nakita. Tska ano, ang lukot ng mukha niya. Hindi ko gusto. Good Vibes yung name ng cafè natin. Tapos may bibili na lukot ang mukha? Pakisabi sa kanya, wag na siya kamong babalik rito kung ganung mukha lang din ang ipapakita niya sa atin."



"Haba naman ng speech mo, ate. Tinatanong ko lang naman. Tapos ano? Ayaw mo siyang pabalikin rito? Diba nga, 100 lang ang ipinabayad mo sa kanya? Eh, 500 naman yung kape natin!?"Patuloy pa niyang pang-aasar sa akin.



Umayos naman ako ng tayo, "Nadistract lang ako."



"Saan?"Binigyan naman niya ako ng makahulugang ngiti, "Sa beauty niya? Yieee, inlababo ang ate ko!"



"Tumahimik ka."Agad kong tinakpan ang kanyang bibig.


"ALY!!!"Ang ingay naman talaga ni ella liit.



Isinagaw pa niya yon pagkapasok niya ng cafè ko.


"Anong kailangan mo?"Masungit ko pang tanong sa kanya.


NEIGHBOURWhere stories live. Discover now