"Michelle?"Bago pa man din ito sumagot ay bigla bumuhos ang ulan kaya hinila ko na siya, "Tara, silong muna tayo."
Binawi naman niya agad yung kamay niya tska siya umiling, "I won't leave my parents."
"Sabi ko, silong lang. Hindi ko naman sinabing iiwan mo sila."Seryoso kong sabi sa kanya, "Ayan lang naman yung sisilungan natin oh."Tinuro ko pa yung masisilungan namin, "Tara na."
Hindi ko na siya inantay magsalita at hinila ko na siya ng tuluyan.
"Anyway, mabalik tayo. Si michelle?"Sambit ko pa sa kanya, "How did you guys know each other?"
"We both worked with the same agency."Sagot naman niya.
"Ha? Bakit di ka man lang nabanggit ni michelle?"Gulat ko pang tanong sa kanya.
She shrugged, "I don't know. Maybe, because we're not really that close."
Napakunot agad ang noo ko, "Hindi close pero inoffer? Pwede ba yon?"
"Honestly, michelle is nice. But just like what I told you, I don't want people to enter my life. Sobrang gulo ng buhay ko, sobra! Hindi na rin ako tumatanggap ng mga kaibigan."Paliwanag pa niya, "But she offered the condo. I refused, ofcourse. Kasi ayokong magkautang na loob sa kanya. But she forced me to accept it. Since I had no choice, I just accept it. Wala na rin naman akong matutuluyan eh."
"Do you still have money pa ba?"I softly asked.
Yumuko naman siya, "Nung pinaalis ako, wala na. Pinaalis din ako sa agency. Pero nag-offer ulit si michelle sa akin kasi I didn't know na may iba pala siyang agency na may connection siya. Just like what I did, I refused. But since, I don't have a lot of money, I accept her offer."
"Ang galing namang magsales talk ng kaibigan ko."Natutuwa ko pang sabi.
"Kaya lang, we're still not close. Ilap pa rin ako sa kanya pati sa ibang tao."A tears fall from her eyes.
Hindi na ako nagsalita. Tuloy-tuloy ang agos ng kanyang luha galing sa kanyang mga mata. Napansin ko na nabasa nga pala siya sa ulan kaya hinubad ko ang jacket ko at pinasuot ko sa kanya. Pareho naman kaming basa pero baka kasi magkasakit siya eh. Mahirap na!
Lalo na't ilap siya sa mga tao. Walang mag-aalaga sa kanya kundi ang sarili lang.
"Basa ka. Baka magkasakit ka."Mahinahong pagkakasabi ko sa kanya.
"Thank you."Nakayuko pa rin siya ng sabihin yon.
"Tara na, uwi na tayo."Aya ko pa sa kanya, "Tutal tumila na rin naman yung ulan."
Tumatango siya ng nakayuko pa rin. Gusto ko siyang hawakan, I want to held her hand and make her feel better. But I don't think, she's comfortable with me.
Nang makarating kami sa harapan ng condi namin, papasok na sana ako ngunit tinawag niya niya ako.
"Alyssa."Lumingon naman ako agad sa kanya, "Thank you."
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one