Bumalik na ako sa loob ng cafè pagkatapos kong isaulo yung pitaka ni samantha.
"Ano na?"Nakangising tanong ni jema sa akin.
I shook my head, "Wala."
"Anong wala?"Nagtataka pang tanong ni celine sa akin.
Bakit nga ba wala ang nasagot ko? Hindi naman nila tinatanong yung kiss namin kagabi kasi unang-unag, they don't know anything.
"Nasauli ko na."Sagot ko nalang bago pa nila ako gisahin.
"Walang level?"Aba, ano ba talagang pinahihiwatig nitong si jema?
Tumayo naman si michelle, "Hoy! Magsitigil kayong dalawa."Phew, saved my michelle again! "Tigilan niyo na si alyssa."Hinila naman ako ni michelle, "Kayo ng bahala dito, kayo na yung magsara nito mamaya. May lakad pa kami ni alyssa."
Tuluyan na nga niya akong hinila palabas ng cafè.
"Aray ko! Bakit ba?"Hinawakan ko agad ang kamay ko na mahigpit niyang hinawakan.
"Diretso tayo sa condo mo."Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Bakit nga kasi?"Medyo inis kong tanong sa kanya, "Hindi pa tapos yung trabaho ko."
"Tapos na."Pala desisyon tong si michelle.
Tinaasan ko naman siya ng kilay ko, "Pala desisyon ka?"
"Sa ayaw at sa gusto mo, tapos na."Seryosong sabi niya, "You should thank me. I saved you from those two."
"Well, thank you."Sarkastiko ko pang sabi sa kanya.
"Sarcastic."Mariin niyang sabi.
"Wala ka bang gagawin sa inyo?"Naiinis na ako. Lagi nalang siyang pumupunta rito, "Bakit ba nanggugulo ka sa akin? Eh, kung makipagbati ka kaya dun sa jowa mo?"
"Bati na kami."Gulat akong napatingin sa kanya, "Kaya hindi pumunta sa condo mo kahapon kasi nag-usap kami. Naging okay naman yung usapan namin."
"Kung ganun, bakit nagsusungit ka na naman?"Reklamo ko pa sa kanya, "Wala na nga si ella dito eh. Ako naman sinungitan mo."
"Wag ka ng maraming tanong, pwede ba?"Hala, ang taray na naman.
Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya ako tatanungin about kanina. Hindi ba niya ako kukulitin? Kung si ella kasama ko, panigurado, tatadtarin ako ng tanong nun. But since, siya naman si michelle at medyo matino naman siyang kausap. Medyo lang naman kasi kapag magkakasama kaming tatlo with ella. Siyempre, may babarahang magaganap.
Pumasok na kami sa condo ko ng makarating kami rito.
"Oh, bakit?"Tanong ko pa sa kanya, "Hindi mo ko tatanungin? Diba nga kaya mo ko niyayang umuwi kasi iintrigahin mo rin ako?"
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one