Naligo na ako pagkagising ko palang. Nagmamadali kasi ako eh baka hindi ko maabutan si samantha. Galit pa naman yon sa akin. Sa totoo lang, hindi ako nakatulog kagabi kasi iniisip ko pa rin siya. Iniisip ko rin yung sinabi ni michelle na nagseselos. Psh! Hindi ako naniniwala na nagseselos yon.
Lumabas na rin ako ng condo pagkatapos kong mag-ayos lahat. Naabutan ko naman si samantha sa labas ng kanyang condo na parang may inaantay. Ako kaya yung inaantay niya? Hmmm? Nevermind! So, ayun nga, nakasandal lang siya sa pinto habang nakatayo sa labas ng condo niya.
"Inaantay mo ko?"Hindi ko mapigilang mag-assume eh, baka hindi ako nagkakamali.
"Hindi."Mabilis namang sagot niya, "Why would I even wait for you? Nagpapahinga lang ako tapos aalis na rin ako dito."
"Nagpapahinga? Ano bang ginagawa mong nakakapagod?"Hindi naman niya ako sinagot, "Galit ka pa rin ba sa akin?"
"Hindi."Mabilis niyang tanggi.
"Bakit ang sungit mo ngayon sa akin?"I softly asked.
She raised her right eyebrow at me, "Lagi naman akong masungit, parang di ka pa sanay."
"Oo nga pero akala ko kasi okay na tayo kahapon eh. Ngitian mo na nga ako diba?"Malungkot ko pang pagkakasabi pero hindi ko pinahalata yon sa kanya.
"But that doesn't mean na ngingitian kita araw-araw."Mali pala ako na papangitiin ko siya lagi. Ang sungit pa rin niya pala.
"Okay."Tanging nasagot ko nalang saka nauna ng maglakad sa kanya.
Malungkot ako, oo pero hindi ko yon pinahalata sa kanya. Nauna na akong maglakad sa kanya pero naramdaman kong may kumapit sa braso ko.
"Tara, punta tayong cafè."Aya pa niya sa akin.
"Galit ka diba?"I tried not to sound sarcastic.
"Hindi nga ako galit. Kulit naman."Napakamot pa siya sa kanyang ulo.
"Ang moody mo naman."I told her. Inirapan niya naman ako, "Teka, sasama ka ba sa cafè?"She nodded, "Wag na. Baka makita ka pa ng mga kaibigan ko eh."
I saw her pouted, "Inaantay nga kita eh. Tapos ayaw mo kong isama? Kanina pa nga kita inaantay sa labas ng condo mo."Cute!
Kunot-noo akong napatingin sa kanya, "Akala ko ba hindi ka nag-aantay sa akin?"
"Naniwala ka naman?"Sambit niya.
"Naniniwala kasi ako sa mga pinagsasabi mo."Ngiti lang ang tanging ibinigay niya sa akin, "Oh. Bakit ngumingiti ka ulit?"
Inirapan na naman ulit niya ako, "I tried not to show you that I was waiting for you. Hindi naman talaga ako galit, nagtatampo lang naman ako. Di mo naman ako sinuyo. Wala akong texts o tawag na natanggap galing sa'yo."
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one