Umagang-umaga ay masaya ako. Dahil sa kahapon. But I still have trust issues. What if, kapag nilapitan ko siya ay tatanggi agad siya na magjowa kaming dalawa? Natatakot lang akom Siguro, I'll let her tell them nalang para hindi ako mapahiya.
"Hoy! May sapi ka ba?"Pambasag ni den sa aking isip kaya napakunot noo akong tumingin sa kanya, "What? Ngumingiti ka kasi mag-isa. Anong meron? You love ma na siguro 'no!? Yieee! Ikaw, ha!?"
I shook my head, "No. Masaya lang ako. Bawal ba?"
"Nakabusangot ka kaya buong stay natin dito. Ngayon namang pauwi na tayo, ngumingiti ka."Napakamot naman siya sa kanyang ulo, "Ang labo mo talaga minsan eh."
"Ikaw diyan yung malabo."Balik ko pa sa kanya.
"Hala, ako pa?"Turo pa niya sa kanyang sarili, "Bakit mo binabalik ngayon yan sa akin?"Napangiti lang ako sa kanya, "Ba't ganyan ka makangiti? Mahal mo na siguro ako. Don't worry, I love you too."
Napailing-iling nalang ako sa kanyang sinabi, "Labas muna ako."
"Teka..."Pagpigil pa niya sa'kin, "Mag-impake ka muna. Aalis na tayo maya-maya lang."
"Done. Kagabi pa."Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ha? Bakit di ko napansin?"Naguguluhan namang tanong niya sa akin.
"Tulo laway ka kasi kagabi."Asar ko pa sa kanya.
Inirapan niya naman ako, "Tulo laway ka diyan. Dami mong alam."Napatawa naman ako sa kanya, "Tawa-tawa ka diyan. Magbihis ka na nga."
"Tapos na rin. Ito na susuotin ko."Tinaas baba ko naman yung isang kilay ko.
"Edi ikaw na. Psh!"Umirap ulit siya sa akin.
"Sige na, babalik nalang ulit ako dito para kunin yung bag. Lalabas lang muna ako saglit."Paalam ko pa sa kanya, "Lumabas ka nalang kapag kakain ka, ah!?"She nodded.
Lumabas na rin ako ng kwarto namin para hanapin ko si samantha. She's talking to chie and albie right now. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya o hindi. But instead, si ella nalang ang nilapitan ko. Baka mapahiya na naman kasi ako.
"Si den?"Tanong niya sa akin.
"Nasa kwarto pa, nag-iimpake."Sagot ko naman sa kanya.
"Ah."Patango-tango niyang sabi, "Kumusta pala yung kahapon? Nakita ko kayo papunta sa CR. Ano? May nangyari bang kababalaghan?"Nginisian niya ako.
YOU ARE READING
NEIGHBOUR
RomanceSAMANTHA BERNARDO, a grumpy lady who only wants to be alone, she doesn't care about people around her not until ALYSSA came who make her life a colorful one