Kabanata 67

38 4 1
                                    

Heshia

NAGKAMALI AKO.

Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Batid ko ang aking pagkakamali, pagkakamali na naging makasarili ako noong oras na iyon. Ang tanging inisip ko'y ang pansariling kaligayahan kaysa sa kanyang mararamdaman. Naging hangal ako upang magpasya ng ganoon kababaw, ng ganoon kawalang kabuluhan. Masyado akong nagpadala sa aking emosyon at sa aming mga nakaraan ni Marcus. Nakulong ako sa aming masasayang ala-ala, hinila ako ng maliligayang araw ng aming kahapon.

Dahil roon, mas hinangad kong siya ang makapiling at makasama sapagkat sa kanya ako magiging masaya sa araw na iyon. Na kahit iyon na ang huli, na kahit alam kong mayroon nang linya sa aming pagitan, pinili ko pa rin siyang makasama.

Masisisi ko ba ang aking sarili? Kay Marcus ako naging buo, siya ang pumuna ng mga kaligayahang nakaligtaan ko. Mga supling pa lamang kami ay sa kanya na ako nakasandig, tumatawa at ngumingiti.

Hindi ako sanay sa atensyon mula sa ibang tao maliban kay Marcus. Maliban kay tanda, na siyang iniwan na ako. Mailap ako sa tao, kinulong ko ang aking sarili sa saradong mundo na walang maaaring pumasok kun'di ang dalawang iyon. Hindi mahirap para sa akin ang magtaboy, ang magtulak at magpaalis ng kahit sino.

Si Marcus, siya ang taong pinakamatagal kong nakasama. Sumunod si tanda nang nag-umpisa na akong pumasok sa pamantasan. Silang dalawa lang. Sapat na silang dalawa, bilang aking gabay, at inakala kong makakasama ko habang buhay.

Mali pala ang aking konsepto.

Sapagkat walang permanente sa mundo kahit pa sa mundo ng mahika. Nawala sa akin si tanda, naghiwalay na kami ng landas ni Marcus, walang nanatili sa kanilang dalawa. Baon ko nalang ang aking sarili at ang mga aral na nagmula sa kanila. Iyon ang nanatili. Ang kanilang mga iniwang ala-ala at karanasan.

Mag-isa nalang ako ngayon. Tuluyan akong nakulong sa mundo na aking binuo. Kasalanan ko kung bakit ganito. Naging masama ako, naging mapagtaboy ako. Kaya ang natatanging tao na nagtapon sa akin ng atensyon at pag-aalala ay iniwan na rin ako.

Nagsisisi ako.

Hindi dahil sa iniwan niya ako kun'di dahil naging tanga ako. Mang-mang ang aking pasya. Paano ako naging ganoon kababaw? Pinatagbuyan ko siya para lamang walang umabala sa akin kasama si Marcus! Isang katawa-tawang hakbang.

Dahil sa masama kong pakikitungo, marahil ay nagsawa na siya at sumuko. Mahirap akong unawain, mahirap pakisamahan at aluin. Natiis niya ang mga pag-uugali kong iyon. Hindi siya nagsawa na tabihan ako matiyak lamang na maayos ako. Ngunit ano ang aking ginawa? Sinamantala ko ang kabutihan niya at lumabis ako sa kanya.

Nasaktan ko si Lumnus.

Hindi ko maitatanggi ang aking pagkakamali. Sapagkat sa ano mang anggulo tanawin, sa akin lahat ng sisi. Binigyan ko siya ng pag-asa, kaya umasa siya. Nagbukas ako ng pinto para sa kanya kaya pumasok siya. Subalit sa isang iglap, hindi ko man sinasadya, nasa unang hakbang pa lamang siya ay itinulak ko na siya palayo, palabas.

Ang nag-iisang tao na hindi pa man naging akin ay nawala ko na.

Ang nag-iisang tao na hindi ko pa man nasasagot ay naging patlang na.

Ang nag-iisang tao na hindi ko pa man karelasyon ay sinaktan ko na.

"Heshia!"

Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ng puting kastilyo ay narinig ko na ang tumawag sa akin. Natanaw ko si Khion na siyang nagmamadaling bumaba sa kabayo nito at patakbong lumapit.

"Ikaw nga. Napadalaw ka?"

Nililibot ko ang paningin sa malawak na lugar bago siya pagtuonan.

The Untold EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon